Chapter 15

2.4K 94 0
                                    

New POV

     Pagkatapos naming kumain,ako na ang nagpresintang maghugas nang pinagkain.Ang kapal na ng mukha ko kung pati pa ba naman paghugas hindi ko magawa.Magaan lang namang trabaho ang paghuhugas ng pinggan kaya hindi naman ako nahirapan.Pagkatapos kong matapos ang ginagawa,pinuntahan ko si Welo sa labas ng bahay kung saan abala siya sa pagdidilig ng kaniyang mga halaman.
  
" mahilig ka pala sa mga halaman " wika ko.Napalingon naman ito sa kinaroroonan ko.
    
" ah oo minsan ko na nga lang sila nadidiligan dahil palagi akong abala sa trabaho " aniya habang pinipitas ang mga patay na tangkay ng halaman.

Nagku-kwentuhan pa kami tungkol sa mga iba't-ibang bagay ng may marinig kaming busina mula sa harapang bahagi ng bahay niya.Itinigil muna nito ang ginagawa at pinuntahan iyon.Naiwan naman ako ritong mag-isa at pinagmamasdan ang mga malalago nitong halaman.Kahanga-hanga ang lalaking ito,maliban sa mabait na tao,makisig at guwapo,at magaling pang magluto,mahilig rin pala ito sa mga halaman.Siya na ang biniyayaan ng maraming magagandang katangian.
   
" New may bisita ka "  bungad sa akin ni Welo pagbalik nito.Napakunot bigla ang noo ko sa narinig.Bisita?Sino naman iyon?.

Wala na akong nagawa kung hindi ang puntahan ang sinasabing bisita ni Welo.Pagpasok ko sa bahaging sala ng bahay,bumungad sa akin ang pamilyar na mukha,si Clide na walang emosyong nakatingin sa akin.Paano niya nalaman na nandito ako?Ay mali!anong ginagawa niya rito?
  
" Clide? " wika ko habang papalapit rito.

Clide POV

     Buong gabi akong hindi nakatulog dahil sa pag-aalalang nararamdaman para sa kay New.Saan ba pumunta ang isang iyon.Ni hindi man lang sumasagot sa mga tawag at text ko.Tinawagan ko na rin si Tita pero sabi nito hindi naman dawnagawi roon si New.

Bumangon na ako sa higaan at naligo na lamang.Pagkatapos magbihis,bumaba na ako at agad na nagpaalam kila Mama.Sa labas na lang ako magbi-breakfast.

Habang nasa biyahe,sinubukan kong tawagan si Ken.Ilang minuto lang sinagot na nito ang tawag ko.
  
" oh anong balita?nahanap mo na ba? " salubong na tanong nito sa akin.
    
" hindi pa nga e,baka may alam ka na maaari niyang puntahan " tanong ko rito.Binalot muna nang katahimikan si Ken sa kabilang linya.
  
" wala pre e,hmmm pero baka pumunta siya doon sa lalaking tumulong sa kaniya noong mga nakaraang araw " aniya.Kung totoo nga iyon ano naman ang gagawin niya doon eh hindi naman niya kilala ang taong iyon.

" ano naman ang gagawin niya doon? " nagtataka kong tanong dito.
 
" malapit kasi iyon sa dagat kaya marahil iyon ang lugar na pupuntahan niya " dahilan nito.Agad ko nang pinatay ang linya at tinungo ang nasabing lugar na nakasaad sa text ni Ken.

May kalayuan ang lugar sa lungsod pero tama nga si Ken na malapit nga sa dagat ang lugar na ito.Nagtanong-tanong ako sa address na ibinigay ni Ken at ilang sandali pa,natunton ko na ang bahay na tinutukoy dito.Isa itong rest house na kinulayan ng kulay bughay.Malapit rin ito sa dagat kaya may kutob ako na nandito nga si New.

Hindi muna ako bumaba sa sasakyan at inobserbahan ang palibot.Paano kung wala rito si New?.Saan ko naman siya hahanapin?.Nasa ganoon akong pag-iisip ng bigla kong masagi ang isang button at bumisina ito nang malakas.Takte naman oh!Agad akong napatingin sa labas.Bigla akong kinabahan nang bumukas ang pinto nang kaharap na bahay at ilinuwa rito ang isang lalaking may katangkaran.Maputi ito at may kalakihan ang katawan.Naistorbo ko ata.Lumapit ito sa kinaroroonan ko at bahagyang kinatok ang bintana ng aking kotse.
  
" hi " naiilang kong bati rito.Pinagmasdan lang ako nito.Waring sinusuri ang aking pagkatao.
    
" anong kailangan mo? " tanong nito sa akin.Hindi na rin ako nagpaligoy-ligoy pa at sinabi ko na ang sadya ko rito.
 
" nandyan ba si New sa loob? " tanong ko rito.Nakita ko kung paano gumuhit ang linya sa noo nito sa narinig.
   
" kaanu-ano ka ba niya? " wika nito.Walang mababanaag na emosyon sa mukha nito.Lahat nakatago.
 
" kailangan pa ba iyon?kung nandiyan siya sa loob pakisabi hinahanap ko siya " wika ko rito.
     
" pasok ka " aniya.Tinalikuran na ako nito at dumiretso na sa loob.Lumabas na rin ako ng kotse at sumunod sa kanya.

Iniwan muna ako nito sa sala samantalang lumabas naman ito sa nakabukas na pintuan.Pagbalik niya kasama na nito si New.Pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko pagkakita ko sa itsura niya ngayon.May mga band aid ang mukha at medyo maga ang kabilang bahagi ng kaniyang mata,Paika-ika rin ito kung maglakad.
  
" Clide? " narinig kong tawag niya sa akin.Wala na akong nagawa kung hindi ang lapitan siya at mabilis na niyakap.Bigla akong nasaktan pagkakita ko sa kalagayan.Anong nangyari?.
      
" Clide hindi ako makahinga " protesta nito.Nanatili akong nakayakap sa kanuya.Ayokong umalis siya sa bisig ko.
    
" hayaan mo muna ako please " mahina kong sabi rito.Hind na rin ito nagpumiglas pa,hinayaan niya lang akong yakapin siya.Ilang sandali pa...
 
" aray! " nakaramdam ako nang pangamba sa daing ni New.Dahan-dahan akong kumalas sa pagkakayakap sa kaniya at tiningnan siya.
    
" saan ang masakit sorry " sinsero kong paumanhin rito.
 
" okay lang " aniya habang iniiwas ang tingin sa akin.Namagitan ang katahimikan sa pagitan namin.Marami akong gustong sabihin sa kaniya pero parang walang lakas ang bibig ko na magsalita.
  
" sorry " naiwika ko na lamang habang nakayuko.Ayokong tumingin sa kaniyang mga mata baka iba ang mabasa ko.
    
" sorry kasi kasalanan ko kung bakit ganito ang nangyari sayo ngayon,kasalanan ko kasi nagpakatanga ako,kasalanan ko kasi nagpabaya ako,New sorry,alam kong malaki ang naging pagkukulang ko sayo " madamdaming kong pahayag.Wala akong pake kung pinapanood kami ng lalaking kasama niya basta ang importante ngayon ay maitama ko ang nagawa kong pagkakamali sa kaniya.
  
" Clide wala kang naging pagkukulang,wala kang kasalanan kaya huwag mong sabihin iyan sa sarili mo " narinig kong wika ni New habang hinihimas-himas ang ulo ko.Iniangat ko ang ulo ko at sumalubong sa akin ang isang matamis na ngiti ni New sa kabila ng kaniyang sugat na natamo sa left side ng kaniyang labi.
    
" iuuwi na kita " mahina kong sabi rito.Tumango lamang ito bilang tugon.Bago lumabas,nagpaalam muna siya sa lalaking nagngangalang Welo.Kapansin-pansin ang biglang pagbabago ng emosyon sa mukha ng lalaki habang kausap si New.Wala akong karapatang magselos o magalit pero wala akong magawa at ito ang nararamdaman ko ngayon.

Sumakay na siya sa kotse ko at nilisan na namin ang nasabing lugar.Habang nasa biyahe hindi kami nag-iimikan ni New,nakatingin lang ito sa labas ng bintana samantalang abala naman ako sa pagmamaneho.Ipinagpatuloy ko na lamang ang ginagawa ko hanggang sa muli kong pagsulyap sa gawi ni New,mahimbing na itong natutulog.Ihininto ko muna ang kotse sa tabi ng daan at pinagmasdan ang maamo niyang mukha.
  
" New mahal kita " sinsero kong sabi rito bago dinampian ng isang halik sa kaniyang noo.

When A God Fall Inlove ( Editing )Where stories live. Discover now