Chapter 62

778 35 1
                                    

Dawi POV

      Kinaumagahan,isang nakakapangilabot na kaganapan ang bumungad sa amin.Pagdilat ng aming mga mata ay sumalubong sa amin ang may kadilimang paligid.Para kaming nasa isang kahon na binabalutan ng kadiliman.Mas mabagsik ang ihip ng hangin na parang dinuduyan itong bahay na aming tinitirhan.Isa-isa kaming lumabas ng bahay.Inilibot namin ang aming mga mata sa paligid.Ang kalangitan ay waring nagngangalit na halos hindi ko na masilayan ang tunay na kagandahan nito.

Hinawakan ni Ceruz ang aking kamay.Parang ipinapahiwatig nya na magiging ayos rin ang lahat.Nasa ganoon kaming sitwasyon ng biglang bumukas ang nagngangalaiting kalangitan.Napako ang aming mga mata roon.Anong nangyayari?!Tuluyan na kayang nabuksan ang lagusan?Hinintay namin ang susunod na mangyayari hanggang sa dumating ang itinakdang oras.Halos lumuwa ang aming mga mata ng mapansin ang mga nilalang na nagsilabasan sa kalangitan.Bahagya akong napaatras.Nagpapakahulugang tuluyan ng nasira ang lagusan.

Parang walang katapusan ang pagsisilabasan ng mga nilalang na iyon sa kalangitan.At kapag hindi ito maagapan ay maaaring madamay rito ang mga mortal.Muli akong nagbagong anyo at akmang susugod na ng maramdaman ang mahigpit na pagkakahawak sa akin ni Ceruz.Bumaling ako sa kanya at kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata.Alam ko kung ano ang tinutukoy nito.
    " pangako " wika ko rito.Tinanguhan ako nito at nagbagong anyo na rin siya.Maging ang ilan naming mga kasamahan.Ngayon lilipunin namin ang mga nagkalat na basura sa mundong ito.

Naghiwa-hiwalay na kami ng landas at ginawa ang aming makakaya upang mapigilan ang pagluwal ng mga nilalang na iyon sa kalangitan.Iyon ang plano ko.Sa bawat madaraanang nilalang na nagmula sa ibabang mundo ay walang awa kong pinapaslang.Hindi sila nababagay rito.Ang nilalang na tinutukoy ko ay ang tinatawag na Vxien,isang uri ng nilalang na naninirahan sa Kaharian ng Kailaliman.Ang itsura nito ay maihahalintulad sa isang daga na may mahahabang pangil at may pinaghalong pakpak ng ipis at lamok.Hindi ko maintindihan ang itsura nito basta isa lang ang sigurado,kailangan nilang mawala rito at baka maging panibagong pugad ang mundong ito.

Tumigil ako sa lugar kung saan nagsilabasan ang mga Vxien.May kalakihan ang butas at masasabi kong mahihirapan akong solusyonan ito.Isang butas sa kalangitan na nag-uugnay sa ibang daigdig.Kailangan kong iligtas ang mundong ito.Ikinumpas ko ang aking mga kamay sa hangin.Mula sa ibaba ay umuslit ang mala hiblang tubig na nagmumula sa dagat.Mabilis ang mga galaw nito habang naglalaro sa hangin.Patuloy ang pagsisilabasan ng mga Vxien at ang ilan sa kanila ay sinusugod ako.Nanatili akong kampante habang dini-depensahan ng aking mga kapangyarihan ang mga Vxien.

Itinutok ko ang aking espada sa malaking butas at nagpakawala ng malakas na enerhiya kung saan bahagyang napigilan ang pagsisilabasan ng mga kakaibang nilalang ngunit di rin naman nagtagal ay bumalik na naman ulit sa dati ang lahat.Sunod-sunod ang pagpapalabas ko ng kapangyarihan upang mapigilan ang mga ito subalit bigo ako.Sa ngayon,wala akong maisip na konkretong plano upang mapigilan ang mga ito.Kung mayroon mang isang planong naglalaro sa aking isipan ay ang isang teoryang hindi ko alam kung magiging mabisa ba.Nag-aalinlangan ako kung gagawin ko ba ito o mag-isip na lang ulit ng panibagong plano.Pero kung sabagay wala namang masama kung susubukan ko.Baka sakaling sa pamamagitan nito ay malaman ko ang puno't-dulo nitong pangyayaring ito.

Iwinasiwas ko sa hangin ang aking mga kamay at lumikha ng kulay bughaw na orbe.Pinakawalan ko ito sa hangin at lumikha ng malakas  na pwersang kumitil sa buhay ng mga nilalang na nakapalibot sa akin.Lumapit ako sa nasabing butas.Madilim ang paligid at masangsang sa ilong ang amoy na nagmumula rito.Marahil sanhi iyon ng mga nabubulok na pamumuhay ng mga Vxien sa kanilang mundo.

Sinimulan kong ihakbang ang aking mga paa sa lapag.Nababalutan ito ng putik at malalagkit na likido.Nakakadiri.Ngunit isinawalang bahala ko na lamang iyon sapagkat wala ng panahon upang mas intindihin ko pa ang sitwasyon ko ngayon.Ang kaninang paunti-unting hakbang ay naging mas matulin na.Tahimik ang paligid.Minsan may mga kaluskos akong naririnig ngunit wala namang kakaiba.Hindi ko alam kung hanggang saan ang hangganan nito ngunit siguro akong sa dulo nito ay matatagpuan ko ang responsableng nilalang sa pangyayaring ito.

When A God Fall Inlove ( Editing )Where stories live. Discover now