Chapter 23

2.1K 90 0
                                    

New/Dawi POV

      Bigla na lamang kaming tumilapon ng isang napakalakas na hangin ang humampas sa amin.Mabuti na lamang at namanipula ko kaagad ang aking kapangyarihan at nagawang ibalik sa dati ang lahat.
   
" ano iyon? " gulat kong tanong sa mga kasama ko.
     
" tingnan niyo! " turo ni Dion sa aming harapan.Unti-unting may mamumuong dambuhalang ipo-ipo sa harapan namin at hindi lang ito basta nag-iisa.
       
" ilag! " sigaw sa akin ni Ceruz.Ikinumpas ko ang aking kamay upang manipulahin ang kapangyarihang bumabalot sa amin.Maaaring kapahamakan ang sumalubong sa amin sakaling hindi namin mailagaan ang mga atakeng iyon.Ang ipinagtataka ko lamang ay kung sino ang may gawa nito o baka nagkataon lamang?.
   
" Yula!! " nanggagalaiting sigaw ni Dion.Iyon din pala ang nasa isip ni Dion,siya lang naman ang may kakayahang manipulahin ang hangin kaya hindi nakapagtatakang kaya niyang gumawa ng ipo-ipo.Ang tanong ko lang ay kung paano niya nalaman ang plano namin?.

Patuloy lang ako sa pag-ilag sa mga nakakasalubong na mga malalakas na ipo-ipo.Hindi dapat ako mabigo,kailangan kong makapunta sa Aslan.
   
" kaya mo pa ba?masyadong silang marami " nag-aalalang tanong ni Dion sa akin.Napatango na lamang ako.Napansin kong may mga katubigan sa ibaba kaya may plano akong naisip.Kinontrol ko ang mga katubigan sa ibaba at hindi naman ako nabigo.Nagsimula itong umipon hanggang sa naging dambuhalang ipo-ipong tubig.
   
" anong ginagawa mo?! " tanong sa akin ni Ceruz.
     
" pagmasdan mo na lang " wika ko rito at nakipaglaban sa mga ipo-ipo gamit ang aking binuong kapangyarihan.Lumipas ang ilang sandali,unti-unting humupa at naglaho ang mga ipo-ipo.Habol ang aking paghinga pagkatapos nang pangyayaring iyon.
     
" ayos ka lang? " muling tanong sa akin ni Dion.
 
" oo " ipinagpatuloy na namin ang naudlot na gawain at mabilis na tinungo ang Aslan sa tulong na rin Ceruz sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan.

Ang Aslan ay tahanan ng mga mahihiwagang nilalang sa Gitnang Kaharian.Subalit ito'y nasa pinakadulong bahagi ng mundo namin,kaya bibihira lang ang mga Dyos na nakakapunta dito maliban sa isang Dyosa na nangangalaga rito.
  
" sana hindi natin magising si Dyosa Asmina " ani Dion.
    
" bilisan na lang natin para bago lumubog ang araw,nakakuha na tayo nang kailangan ko " tugon ko rito.

Ang mga Assyre ay naninirahan sa pinatuktok nitong Aslan kung saan pinalilibutan ng mga nyebe.
   
" halina kayo " dinala ko sila sa pugad ng  Assyre ngunit hindi ko inaasahan ang nakita.Hindi ako sinabihan ni Conekta na mga dambuhala pala ang mga ito.
     
" paano tayo makakakuha ng luha ng ibong iyan? " bulalas ni Dion.Marahil siya ay hindi makapaniwala sa nasaksihan.
 
" ayon sa kay Conekta,kailangang saksakin ang ikalawang puso nito mula sa loob nito " paliwanag ko.
    
" magsimula na tayo " wika ni Ceruz.Inilabas nito ang kaniyang tabak at unti-unting pinalibutan ng apoy.Nauna na itong sumugod sa amin samantalang kami naman ay naghahanda na rin.Nagliwanag ang buong katawan ni Dion at mula rito ay iniluwal ang totoong anyo niya.Lumabas ang kakisigan nito sa kaniyang kaanyuan.Itininaas nito ang kaniyang kamay at lumitaw ang kaniyang sandatang sibat na may tatlong tulis.
   
" mauna na ako " nakangiting sabi nito at sumunod na sumugod.Naiwan akong mag-isa at naghanda na rin sa pag-sugod.Wala akong sandata dahil tanging pag-manipula lang sa tubig ang kaya kong gawin pero marunong akong gumamit ng mga pangkaraniwang sandata dahil tinuruan ako ni Ama.
   
Lumiwanag ang buo kong katawan at unti-unting nagbago ang aking anyo.Binalot ako ng mga tubig hanggang sa tuluyan nang nagbago ang aking kaanyuan.Mas lalong bumilis ang kilos ko dahil sa aking pagbabagong anyo,sinugod ko at pinatamaan ang ibabang bahagi ng Assyre subalit hindi tumalab
ang kapangyarihan ko rito.Muli kong sinubukan subalit ganoon pa rin ang nangyayari.
  
" makakapal ang kaniyang mga balahibo kaya mahirap siyang patamaan " wika ni Dion.Ngayon alam ko na kung bakit kailangan saksakin ito mula sa loob.
     
" sige may balak ako " wika ko sa mga kasama.
       
" ano iyon?  " ani Ceruz habang patuloy na pinapatamaan ang Assyre.
 
" ganito iyon,subukan niyong punteryahan ang bahagi ng kaniyang katawan kung saan hindi masyadong natatakpan nang makakapal na balahibo,kailangang maibuka nito ang kaniyang tuka " paliwanag ko.
       
" bakit anong gagawin mo? " nagtatakang tanong ni Dion.
 
" papasok ako " seryoso kong sagot dito.Gulat ang nakita kong reaksyon sa kanilang mga mukha dahil sa sinabi ko.
   
" nahihibang ka na ba! " narinig kong sigaw ni Ceruz sa akin habang nakaharap sa akin.
      
" ito lang ang nakikita kong paraan " mahina kong wika rito at akmang susugurin na ang Assyre ng bigla na lamang ako nitong hinarangan gamit ang kaniyang sandata.
   
" Ceruz ano ba!! " naiinis kong bulyaw sa kaniya.Ano na naman ba ang gusto nito!.
       
" ano ba ang pumasok sa iyong isipan at gagawin mo iyon! " seryoso nitong sabi sa akin.
   
" iyon lang ang paraang sinabi sa akin  ni Conekta upang mapaluha ang ibong Assyre " paliwanag ko.
     
" kung gayon ako na ang gagawa " hindi pa man ako nagsasalita ng bigla na lamang itong sumugod at pumasok sa bunganga ng Assyre nang matamaan ni Dion ang bahaging ulo ng ibon dahilan upang bumuka ang tuka nito.

Sa bilis ng mga pangyayari wala man lang akong nagawa upang pigilan siya.Napatulala na lamang ako habang nakatingin sa Assyre.
   
" ano iyon?! " may halong pagtataka at pagkagulat na tanong sa akin ni Dion subalit wala akong mapulot na sagot,biglang nawala ang huwisyo ko sa ginawa ni Ceruz.
       
" Dawi ilag!! " narinig ko pang sigaw ni Dion subalit huli na at tumilapon ako sa mga batong natatabunan ng nyebe.Dali-dali akong nilapitan ni Dion at inalalayang makatayo.
   
" ano bang nangyayari sayo! " singhal nito sa akin.
    
" bilisan na natin,baka may mangyaring masama sa kay Ceruz sa loob ng Assyre " wika ko rito bago maglaho.Kailangan kong lumapit sa Assyre dahil kung sakaling matagumpay na masaksak ni Ceruz ang pangalawang puso nito ay tuluyang aagos ang mga luha nito at isang beses lang mangyari iyon.Ayokong muling makipaglaban sa mga Assyre.
    
" tulungan mo ako rito " sabi ko sa kay Dion.Agad naman ako nitong nilapitan .
  
" ganito ang plano,ilang minuto lang ang itatagal ni Ceruz sa ilalim at mawawalan na siya ng hangin,kaya ang gawin natin ngayon ay panatiling nasa maayos na pwesto ang ibon " paliwanag ko.
    
" ano ang gagawin natin? " ikinumpas ko ang aking kamay at unti-unti akong binalot ng mga mga naipong hamog.Nagmistulang mga lubid ang mga ito.Mabilis kong itinapon ang nagawang lubid gamit ang mga naipong hamog at hindi naman ako nabigong mahuli ang Assyre na nagpipilit na makalayo.
   
" tulungan mo akong mapatumba ang nilalang na ito " utos ko sa kay Dion.Nilapitan ako nito at sabay naming hinila ang lubid kung saan nakagapos ang Assyre.
   
Ilang minuto na ang lumipas subalit wala pa ring Ceruz na lumalabas sa katawan ng Assyre.Binalot na ako nang takot dahil sa kaisipang baka may masamang nangyari sa kaniya sa loob.

Ceruz lumabas ka na!Nabulabog kami ng biglang umingay nang malakas ang Assyre.
  
" akin na ang lalagyan ng luha! " sigaw ko sa kay Dion.Mabilis nitong ibinigay sa akin ang lalagyan ng luha at dali-daling nilapitan ang Assyre.May mga namumuo ng luha sa mata ng nito.

Tagumpay!.

Agad kong isinilid ang luhang umagos sa mata nito at napangiti habang tinitingnan ito.

When A God Fall Inlove ( Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon