Level 5: Phantom

3.4K 115 4
                                    

"Beware of your surroundings, Sam," sabi ni Zero sa kabilang linya, "you don't know where he leads you."

Kumunot ang noo ko. Ang kulit talaga nito. Kanina pa ako naiinis sa kanya. Kung makapagalala talaga sa akin ito, wagas. Aware naman ako sa pinasok ko.

But something seems off.

"Sam? Sa--"

Tinitigan lang ako ng lalaki na para bang alam 'yung WatchCall na gamit ko kaya pinatay ko ito't iniabot agad sa kanya.

"Pwede na ba akong kausapin ngayon?" sabi ko.

Satisfied with the things I just did, he agreed.

"Very well." Yumuko ito sa harapan ko na parang isang Japanese atsaka ako nginitian at sinabing, "welcome to Phantom."

Pagkababa ko ng hagdan ay bumungad kaagad sa akin si Zero na nakaupo sa sofa. Naka-bente kwatro na naman ang upo nito habang may hawak na diyaryo sa magkabilang kamay. Pag-angat ng tingin niya sa akin ay kaagad akong umiwas at dumiretso sa kusina.

Nagulat ako nang hinila ako kaagad sa sulok ni Mommy na para bang tuwang-tuwa.

"Mom, why is Zero he--" hindi na ako natuloy sa sinabi ko nang makita ko siyang nakangiti lang habang namumula.

Is she blushing?

"So, how was it?" sabi niya.

"Ha?" tugon ko kaagad kaya sumenyas siya sa sala, referring kay Zero. Magsasalita na sana ako pero napatigil ako saglit dahil naalala ko na naman 'yong mga nangyari na pilit kong kinakalimutan.

"You knew?" tanong ko sa kanya, at mas mabilis pa siyang tumango sa kidlat.

"News fly fast."

Napa-roll eyes na lang ako sa naging reaksiyon niya. Siya lang ata ang magulang na kilala ko na ayos lang maikama ang anak niya para sa pera, at gusto pa ata niya na pati detalye ng nangyari kagabi ikukwento ko sa kanya.

"So how was it nga? Did you--" pinutol ko na ang sinabi ni Mommy nang may makita akong nakatimplang kape sa lamesa.

"Thanks!" sabi ko atsaka hinablot ang isa't dumiretso na sa sala kung nasaan 'yong asungot na 'yon. Umupo ako sa sofa na nasa harapan niya kaya naman dahan-dahan niyang ibinaba ang newspaper na nakaharang sa pagitan namin.

"My coffee?" Sumenyas lang ako sa kusina atsaka humigop ng konti dito. "Na kay Mommy."

He sighed atsaka tumayo pero umupo rin kaagad dahil inabot na sa kanya ni Mommy iyong kape niya. Tumango siya para magpasalamat dito.

"Ay sige, maiiwan ko muna kayo," sabi ni Mommy kaya iniangat na lang ni Zero ang kape niya bilang tugon.

"You need to come with me," he said without looking at me. Nakatingin lang siya sa newspaper na hawak niya habang humihigop sa kape.

"And why woul--"

"Because you're working for my Dad's company," sabat niya kaagad sa akin kaya napalaki na lang ako ng mata sa sinabi niya, "and he wants me to fetch you for him."

"Okay," maikling tugon ko sa kanya atsaka kinalma ang sarili ko sa upuan. Dahil any moment from now on, I'm sure, sasabog ako.

"So, dress well. You should wear these. No more time to waste," dagdag niya sabay abot sa akin ng paper bag na dala niya. Bakit nagmamadali ata siya? Parang may kalamidad siyang tinatakbuhan at tinatakasan.

"As in ngayon na?" tanong ko habang tinitingnan 'yong loob.

"Of course. I'm really so busy busting out some stuffs--okay, okay." Iniba niya kaagad ang sasabihin niya pagkalingon niya sa akin atsaka siya napakagat sa labi niya. Ibinaba niya muna 'yong diyaryo na hawak niya atsaka tumingin sa akin ng diretso. "Look, I'm trying to avoid remembering what happened, okay? I just don't know how to react--after. Hindi naman kasi kagaya rati sa--"

Xzard Online™: Reset v.1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon