Level 2: Paradox

3.6K 137 8
                                    

Weeks have passed, but I have no luck to come across with that guy, again. It feels like he was hiding from me.

Imagine-in mo, friend request ko na nga lang ayaw pa niyang tanggapin dahil wala raw siyang pinagkakatiwalaan. Napabuntong hininga na lang ako atsaka inabot 'yong unan. Ipinatong ko 'to sa binti ko habang niyayakap 'to.

Who is he anyway?

Why am I that affected?

Pero kasi, hindi mapagkakaila ang pagiging gentleman niya.

He was caring, that's for sure.

Napakagat ako sa unan saka humiga. Nagpagulong-gulong ako.

This is not you, Sam.

Ibang-iba naman kasi siya sa lahat ng lalaking nakilala ko.

He didn't give me special treatment even with this brulliant kind of look.

Tumayo na ako sa higaan atsaka tumapat sa salamin, tinitingnan ang buo kong katawan. Hindi naman ako mataba, sa katunayan nga ay slim pa nga itong figure ko. Tapos 'yong mata ko kulay green naman, pandagdag asset ko. Tapos bagay ko naman itong curly hair ko. Maputi rin naman ako.

Am I that ugly to be treated like that?

Napanguso na lang ako saka ngumiti.

I shouldn't be like this.

Kinuha ko na ang towel ko atsaka na ako naligo. Kailangan kong magpahinga, at mag-relax ng konti. Ilang araw na rin kasi akong nagpupuyat para makapagpa-level. Sakto rin ay ngayon lang nabakante ang schedule ni Zero kaya magkikita kami ngayon.

I want to ask a lot of things.

Iniwan niya kasi ako pagkalabas ko sa game no'n. Hindi man lang nakapagpaalam sa akin. Ang sinabi niyang rason kay Mommy ay emergency daw kaya pinalagpas ko na.

Pagkatapos kong maligo ay naghanap na ako ng isusuot ko. Simpleng Sky blue cut-out dress lang ang napili ko, isang tulle, leggings, and a pair of ankle boots.

"Nandiyan na si Zero. Dalian mo, hindi dapat pinaghihintay ang gwapo," pagmamadali sa akin ni Mommy nang sumilip siya sa kwarto ko. Napa-roll eyes ako sa sinabi niya. Oo, may kagwapuhan nga siya, pero parang baligtad na ata?

"Hindi ba dapat siya ang sinasabihan ng ganyan, at hindi ako?" iritado kong sagot. Natawa na lang si Mommy atsaka niya ako sinamahan sa salamin, sinusuklay ang buhok ko.

"Alam mo anak, wala namang mali kay Zero. Mabait naman siya, mayaman, atsak--"

"Mahangin 'my. Mahangin na mahangin," sagot ko sa kanya na dahilan kaya napakunot ang noo nito.

"Huwag mong ginaganyan si Zero. Baka mamaya niyan siya ang makatuluyan mo balang araw," pabalang na sagot ni Mommy. Umiiral na naman ang pagiging boto niya kay Zero. Matagal na niya talagang nirereto 'yon, hindi lang dahil sa gwapo ito, pero dahil sa pagiging mayaman nila, na ikakabuhay ko raw 'yon balang araw, na hindi ko naman daw 'yon pagsisisihan. Kahit gusto kong mainis kay 'my dahil sa ugali niyang 'yon, hindi ko magawa dahil may punto naman siya.

Ilang years na rin kasing nanliligaw sa akin si Zero. Kahit nga sinabihan ko siya na hanggang pagkakaibigan lang ang maibibigay ko sa kanya, hindi pa rin siya tumigil. Kahit naaawa na ako, ayaw ko. Kasi wala naman akong nararamdaman. Hindi ko naman lolokohin ang sarili ko para sumaya siya. Atsaka siya at ako?

Over my rotting body.

"Mommy!" saway ko sa kanya kaya nangiti siya.

"O sige na, baka ma-late pa kayo sa appointment niyo."

Xzard Online™: Reset v.1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon