Chapter 22: Pursuing Dream

38.8K 626 62
                                    


Chapter 22





"Namatay ang tatay ko sa sakit sa puso."

Bakit ngayon ko lang naalala na may family history siya ng ganoon? Dapat mas iningatan ko siyang mabuti. Masyado ba akong naging busy sa trabaho?

"Atherosclerosis? Are you sure with that?"

"That's the result of the tests we conducted. Did she have a family history of any heart disease?"

"Her father died in a heart attack few years ago."

"Doctor ka kaya alam kong maaalagaan mo siyang mabuti. At sa tingin ko, hindi ko na rin kailangang sabihin sayo kung ano ang bawal at dapat."

"Ako na ang magsasabi sa kaniya."

"Sige maiwan na kita."

Nang makalayo siya'y unti-unting nanlambot ang mga binti ko. Nakakapanghina. Tuluyan akong napalupagi sa sahig. Bakit ngayon pa? Bakit siya pa? Tumayo ako upang puntahan siya. I found her sleeping in the hospital bed. Hilig ko siyang panuoring natutulog, pero iba ngayon. Hindi sa ganitong sitwasyon. Humatak ako ng silya at naupo roon.

"Namirah..." Yumuko ako upang hagkan siya sa noo.

Gumalaw ang kamay niyang hawak ko at kasunod niyon ang kaniyang pagmulat.

"Lye..." nanghihina nitong pagtawag sa akin.

"Kumustang pakiramdam mo?"

"Okay na ako. Wala ng masakit. Ano palang sabi ng doctor?" Nawala ang ngiti sa labi ko nang muling maalala ang tungkol sa pinag-usapan namin ng doctor ni Namirah. "Treiv?"

"I b-brought fruits for you." Tumayo ako at nagtungo sa lamesang may basket ng prutas. "Ipagbabalat na kita." Nanginginig ang kamay ko habang binabalatan ang mansanas.

"Treiv, sagutin mo ang tanong ko."

"Halika, kain ka na nito." Pilit akong ngumiti at nagpakatatag sa harap niya. Akmang susubuan ko na siya nang pigilan niya ako.

"Treiv, please tell me. Anong sabi ng doctor?"

"The doctor diagnose you with... A-Atherosclerosis."

Tumahimik ang buong paligid. Sinubukan kong basahin ang reaksyon ng mukha niya. Walang bakas doon ng pagkagulat o bahid man lang ng takot. Ngumiti siya na labis kong ipinagtaka.

"May bago na naman pala kong bisita."

"What do you mean?" Ngumiti siya sa akin at hinagkan ang aking noo. "Lye, naman eh, tinatakot mo ako."

"Noong bata pa ako sabi ng mga doktor mahina raw ang puso ko. Tanda ko nagkalagnat ako noon tapos pabalik-balik. Akala nila na-dengue lang ako. Iyon pala... may Congenital Heart Disease na." Hindi man lang nagbago ang expression ng mukha niya habang ako'y heto at nanlalamig ang buong katawan. "Hindi pa naman daw ganoon kalala sabi ng doctor. Nakakapasok pa nga ako sa school. Hanggang sa.... lumala iyon. Naglabas-masok ako sa ospital. Minabuti ng mga doctor na doon na ako manatili upang mas matutukan. Nagkabaon-baon kami sa utang. Ang mamahal naman kasi ng mga gamot. Mabuti na lamang at maraming may mabuting puso ang tumulong sa amin. Dapat ay ooperahan ako, pero isang araw nagising na lang ako na wala na ang sakit ko. Sabi nila isang himala raw. Mabait daw kasi akong bata kaya pinagaling ako ni God. Bumalik naman sa normal ang lahat after niyon." Tahimik lang akong nakikinig. It was a great miracle. Congenital Heart Disease is a serious heart problem. "Ilang buwan din akong nanatili sa hospital kaya naman tila ba nagmistulang kulungan iyon para sa akin. Isa rin iyon sa rason kung bakit hindi ko gustong nagpupunta ng ospital. Nagbago lang naman iyon noong nakilala na kita."

Wanted Housewife (Conzego Series 1✓)Where stories live. Discover now