MGD 35 - Facing Death

Start from the beginning
                                    

Naging open s'ya sa akin kung anong ginagawa nila doon. Nagkaroon daw sila ng kissing scene ni Quencess at talagang nagalit ako sa kanya. Alam kong iba ang personal na buhay sa trabaho pero hindi ko mapigilang hindi magselos. Sabi n'ya sa akin na it lasted 30 seconds daw at after nun ay nagtooth brush s'ya ng ilang ulit at lumunok ng mouth wash. Nagtagal ang galit ko ng 8 hours at napatawad ko na kaagad s'ya.

Nagtataka nga ako ngayon kung bakit hindi pa s'ya tumatawag dahil mag-llunch na. I composed a message and send it to him.

To: Boyfriend na Gwapo

Kamusta? Busy ka yata? Miss na miss na kita. Huwag kang papagutom.

Sinend ko kaagad ito at naghintay ako ng reply n'ya. I waited for seconds then minutes to hours pero wala. Wala s'yang reply. Nakaligtaan ko ng kainin ang lunch ko. Why I miss him so badly? Marahil may taping pa s'ya kaya hindi n'ya ako mareplyan. Iyon na lang ang inisip ko para hindi ako mapraning.

Tiwala naman ako sa kanya.

Kinatok ni Tristan ang pinto ng kwarto ko at pumasok na s'ya sa loob, "I brought you foods. Kain ka na." he said as he set the food tray on my bed.

"Thank you." I said as I hugged him. "Miss na miss ko na s'ya, twin." he just patted my back.

"Oo, uuwi rin 'yung panget na 'yun. Huwag ka ng mag-inarte d'yan. He called me yesterday at sinabi n'yang pakainin kita kapag hindi ka kumakain." napatingin ako ng wala sa oras sa kanya.

"Thank you talaga Tristan. Kung wala kayo, edi sana namatay na ang dyosang katulad ko sa gutom." tumawa lang s'ya gaya ng inaasahan ko.

Maraming nagbago kay Tristan simula noong nagkaroon s'ya ng girlfriend. Naging understanding s'ya. Hindi na s'ya gaanong masungit at nagiging mabait na s'ya kahit papaano. Naipakilala n'ya na rin sa akin si Aya na tinarayan ko naman. Anong akala n'ya sa akin magbabago kapag nakilala ko s'ya? Asa s'ya.

"By the way, aalis ako mamaya at bukas na ako uuwi. Nagkaayaan kasi ang barkada at mag-oovernight kami." sabi n'ya. "Gusto mo bang sumama since wala dito sila manang?" he said at umiling naman ako.

"Don't worry, kaya ko naman ang sarili ko. Tatawagan na lang kita kapag kailangan kita." I answered back as I put a slice of steak on my mouth.

"Don't bother to call me. Isang tawag mo lang ay darating na ako." tumango na lang ako as I watched him disappear on my room.

Wala kaming kasama sa bahay ngayon. Wala si manong at manong. Nagpaalam sila na umuwi muna sa kanilang probinsya dahil may emergency daw. Hindi naman kami tumutol dahil alam kong importante ang bagay na iyon.

***

Umalis ako sa bahay mga bandang alas-tres at tumuloy ako sa Starl's Cafe. Namimiss ko na rin ang baliw kong kaibigan na busy sa pamamahala ng kanyang negosyo. Akalain mong marunong pala s'yang magseryoso sa buhay?

Sa loob ng trenta minutos ay nakarating na ako sa shop n'ya. Kaagad akong humanap parking lot. Mas banayad na lang ang pagpapatakbo ko ng kotse dahil mapapagalitan ako ni Terrence kapag nag-drive ako ng mabilis. Ewan ko ba, kahit wala s'ya sa tabi ko ay sinusunod ko pa rin ang bilin n'ya at isa iyon sa mga promise ko-to drive moderately.

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Where stories live. Discover now