Chapter 6 Queen of Omelet

Start from the beginning
                                    

“Eh pag may favor ako, ang dami mo ding sinasabi eh.”

“Sige na gagawin ko na!”

“Pati yung Trigo ko ah!”

“Oo na!”

“Zup?!” bati ni Sylvester kay Jaymee.

“Hi! Sige, sunod na ako!”

Lumakad na palayo si Sylvester…….. Wow! Yeah! Heaven!

“Hoy! Syota mo yun? Wala ka na bang kataste-taste ngayon?”

“Say what you want to say. Basta gawin mo yang assignment ko!” tumakbo si Jaymee papunta kay Sylvester.

“Hoy! Jaymee!”

Kahit sinong lalaki na lang kay Jaymee eh noh? Hindi na ako magugulat kung sunod niyang maging boyfriend si Adam ILIBING, o  kaya si Mang Ernie.

Plantsado na ang lahat para sa initiation. Sabi ko sa freshmen, hahatiin ko ang lalaki sa babae. Para sa mga babae, iba ang gagawin, para naman sa mga lalaki, iba din.

Yung mga kalalakihan sila ang nag-ayos ng obstacle course na pagdadaanan ng mga babae. Yun na ang pinakamahirap nilang gagawin. Sampu lang ang lahat ng freshmen na babae kaya sila lang ang kasali sa tatawagin kong….

The Amazing Race: Initiation Edition

Let the games begin!

Sa field, ready na ang lahat. Kunyare chini-check ko yung obstacle course na mas mahirap pa sa training ng mga militar. Sabi ko kasi sa mga boys kailangan mahirap ang obstacle na pagdadaanan nila. Kailangan nilang pag-isipang mabuti ang complete construction ng obstacle.

Iprenesent nila sa akin ang plano nilang obstacle.

Nakasaad sa blueprint ang mapa at iprenesent din nila ang architectural model ng obstacle course.

“Sa tingin mo, mahihirapan ba sila dyan sa race na yan?” tanong ko sa kanila.

“Yes, sir. In the event that one of them is closer to the finish line…..” itinuro ni Jacob sa mapa, “There’ll be an army of people lined up to throw eggs on them.”

“And the goal is?”

“The goal is to not let them win the race. We will not let that happen, sir.”

“Any comments from the panel.” tanong ko sa ibang officers na naglalaro lang naman sa kanilang mga iphone at si Sandra ang nag-iisang nakikinig sa pagpupulong.

“Baka naman mahirapan sila.” Comment ni Sandra.

“That’s the goal, ang mahirapan sila.”

Sa aking upuan, pinagiisipan kong mabuti ang plano nila. Iniimagine ko na si Portia, siguradong nakakatawa ang magiging itsura niya.

“Okey! Magaling, pinag-isipan ng mabuti. Welcome to the org.”

“YES!!” sigaw nila at nagyakapan ang mga freshmen.

Sampung kababaihan na nakasuot ng puting t-shirt at naka pantalon ang nakalinya para sa pagsisimula ng The Amazing Egg Race. Matangkad, maliit, mahaba ang buhok, maputi, maitim, payat, mataba ang complete description ng mga babaeng kasali. Halos lahat, parang walang kagana-gana, parang lahat hindi kakayanin ang makarating sa finish line. At si Portia ang natatanging babae na very confident na makakayanan ang obstacle. Matikas ang tayo at taas noo pa.

“Kailangan niyong pagdaanan ang obstacle race na ito. Parang military training lang yan. Think of it like ang magiging taon niyo sa college. 5 years na maraming dapat pagdaanan and there’s nowhere to go but to finish it! Pero, may twist. Habang nilalakbay niyo ang race, may dala kayong itlog.” I showed them the egg. “Pag na-meet ko kayo sa finish line, kailangan hindi basag ang itlog, kailangan walang crack.”

Lumakad na sila papunta sa starting line. Everything’s set.

“Go baby! You can do it!” sigaw ni Dominic kay Portia.

Shut up!

Nag-start na nga ang race at nangunguna si Portia na very competitive at very athletic, napaghandaan.

Habang ang iba ay nasa race, naglakad naman kami papunta sa finish line para hintayin at i-welcome ang mga freshmen pagkatapos ng race. Doon, naka-ready ang upuan, at juice, may tagapaypay at may taga payong pa sakin, feeling artista lang.

Napaghandaan ng maayos ni Jacob at ng iba pang freshmen ang event dahil naka-video pa pala ang race kaya kahit mula sa malayo, nakikita ko ang mga pagmumukha nila.

Well done!

“Ayos yung nag-organize nito Con, magaling!” sabi ni Dominic na katabi ko at ine-enjoy ang ice tea.

Sa kalagitnaan nang race, halos lagas na sila. Tatlo na lang silang natira. Yung iba give up na, yung iba naman basag na ang itlog kaya automatic disqualified. Yung iba grabe ang iyak dahil sa sobrang pagod at sa sobrang frustrate sa pagkakaalam nilang hindi sila kasali sa org.

Pagod na ang mukha si Portia, pero I won’t give up ang drama. Sumuko na rin ang dalawa kaya siya na lang ang natira. Patuloy pa rin si Portia, yung iba nagpapahinga na dahil alam na nila na matalo o manalo sila sa race, kasali naman sila sa org. Pero nakakamangha ang fighting spirit ni Portia, halos ilang distansya na lang siya mula sa finish line. Nang malapit na siya dun, tinawag ni Jacob ang army.

Nagsilabasan ang army na may dalang itlog na pambato at hinabol si Portia para mapigilan siya makafinish line. AHAHAHAHA nice!

Halos taong omelet na siya at nang malapit na siya sa finish line, nadapa siya at nabasag ang itlog.

Wahahahaha…… Nakakatuwa ang itsura ni Portia. Sarap i-post sa instagram na may caption na, my precious egg. Sobrang frustrated si Portia and that made my day.Humanga ako kay Jacob at tumaas ang respeto ko sa kanya.

Nilapitan ko ang paiyak at mukhang taong omelet na si Portia na tinititigan ang basag na itlog.

“Miss Queen of omelet, Welcome to the Org. Alam mo kasi kahit hindi mo naman natapos yung race at nabasag mo ang itlog pasok ka na dito.”

Tinitigan niya ako ng sobrang sama.

“Pinapapahirapan mo kasi yang sarili mo, but thank you kasi the whole time na nahihirapan ka, kaligayahan ko yun! Tumayo ka na diyan!” sabi ko sa kanya at tumalikod ako na feeling ko pinagmumura ako sa isip niya.

Nakakaawa din naman ang itsura niya dahil punong-puno siya ng itlog at putik mula sa field. Nang akmang lalapitan ko sana ulit siya para punasan ang dumi sa mukha niya, naunahan na ako ng isang kutong lupa.

Pinunasan ni Dominic ang mukha niya at tinulungan siyang tumayo.

Imbes na maawa ako sa kanya parang gusto ko ulit ipaulit yung race.

Nakakainis, dapat di ko na lang kasi sila niliingon. Sarap ipakagat sa army of ants!

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Where stories live. Discover now