I

6.5K 116 4
                                    

Hinihingal akong sumandal sa pader sa isang eskinita habang hawak ang maliit na pouch na dahilan ng kamuntikan kong kamatayan. Sandali kong pinigilan ang paghinga ko nang dumaan ang mga taong humahabol sa akin. Nang lahat sila ay nakadaan na ay saka ko hinabol ulit ang paghinga ko.

Binulsa ko muna ang pouch at lumabas na ng eskinita. Alam ng mga taong humahabol sa akin ang suot ko kaya dumaan ako sa isang botique at nagkunwaring naghahanap ng damit dahil nakakita na ako ng natipuan ko na kunin.

"Excuse me po," Tawag ko sa isang saleslady na agad ring lumapit sa akin, "may small po ba kayo nito?" tukoy ko sa dress na hawak ko.

"Small na po itong hawak niyo, Ma'am," nakangiting sabi niya.

"Yes, pero ipangreregalo ko kasi. Pwedeng makahingi ng bagong stock?"

"Tingin lang po ako sa likod," nakangiting nagpasalamat ako at sinundan siya ng tingin bago ako lumapit sa mga jacket at madaling kumuha ng isa bago ako tumakbo nang mabilis palabas ng boutique .

Agad akong lumusot sa isang eskinita at tinanggal ang nakatagong harang sa fence para makapasok sa kabila. Narinig ko na sumisigaw na ng tulong ang babaeng tinakbuhan ko kanina pero prente lang akong naglakad at iniwasan ang mga daan na karaniwan kong iniiwasan. Ngumisi ako nang malagpasan ako ng mga taong tinatakbuhan ko kanina at dumiretso na sa buyer ko.

"Nakuha ko na yung cut ko sa diamonds na nakuha namin sa museum kanina, medyo marami kaya dapat mas malaki rin ang maibigay mo sa akin," bungad ko kay Mr. Chen, isa sa mga buyer ko. Linapag ko ang maliit na pouch sa coffee table niya, pati na rin ang medyo may kalakihang pouch na siyang kinuha ko mula sa mga taong humahabol sa akin kanina.

"Dahil ikaw ang nagbigay sigurado akong totoo ito, pagkatapos ng appraisal agad mong makukuha ang pera mo," nakangiting sabi niya. Nginitian ko siya pabalik at pinanuod ang taong kumikilatis ng diamonds na nakuha ko. Nang iangat niya ang ulo niya at nag okay sign kay Mr. Chen ay agad na linapag ng isa niyang bodyguard ang isang malaking bag. Pagkatapos kong siguraduhin kung totoo nga ba ang dolyares na nandoon ay tumayo na ako.

"I wish to work with you in the near future," ani Mr. Chen. Gaya ng nakagawian ko ay hindi ko binalik ang bati sa kanya pero pasimple akong sumulyap sa table kung nasaan ang mga diamonds at hinawakan ang ilang mga bato sa bulsa ko. Pagkalabas ko ng office nila ay lakad-takbo ang ginawa ko para maabutan ang jeep na laging nagsasakay sa akin ng libre.

"Mukhang maganda ang araw natin ngayon ah," sabi ni Kuya Paul, ang jeep driver na laging nagpapasakay sa akin ng libre.

Nasa parehong Barangay kami ni Kuya Paul, mahirap ang karamihan na nakatira dito at hindi na bago ang mga kriminal dito at isa na ako doon. Si Kuya Paul lang yata ang kakilala ko na may matinong trabaho sa Barangay namin.

"Ganda ng trabaho," sagot ko at pinakiramdaman ang mga bato na nasa bulsa ko.

Nagpasalamat ako kay Kuya Paul pagkababa ko at dumiretso sa "bahay" ko. Pumapasok ako sa isang bahay na wala pang pintura ang labas at halos pasira na ang mga bintana na gawa sa yero. Kapag pumasok ay masasabing normal lang ito na bahay pero ang totoo ay malayo sa normal ang totoo kong bahay.

Hinawakan ko ang hindi napinturahang pader sa loob ng "bahay" at lumihis ito saka Nagpakita ang hagdanan papunta sa bahay. Binuksan ko ang TV bago ko binagsak ang bag na puno ng dolyares sa kitchen counter.

"Isang grupo ng magnanakaw ang nakapasok sa National Museum at kinuha ang alahas ng First Lady ng unang presidente ng bansa. Higit 90 million US dollars ang halaga ng alahas na nakuha ng mga magnanakaw. Ayon sa isang eye-witness ay nakilala niya ang isang magnanakaw at napag-alaman na siya si Shion Valentine, isang kilalang magnanakaw na matagal nang nasa wanted list ng pulisya..." 

The Cursed DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon