IX

1.6K 47 0
                                    

Malapit kami ni Dmitri at mahal ko ang pamilya namin pero hindi kami ang natatawag na "ideal family". Bilang kilalang pamilya ng mga mercenary, may reputasyon kaming dapat na panindigan kaya istrikto kaming pinalaki ng mga magulang namin at malayo ang values nila sa normal na mga istriktong pamilya. Nang tumanda kaming magpipinsan at hindi na kami sumasang-ayon sa mga tinuturo sa amin ay mas lumala ang relasyon naming magkakaanak.

Iba-iba kami ng specialization at kaming dalawa lang ng kapatid ko ang kumukuha ng mga kliyente na gustong may ipapatay kaya mas kilala kami. Kaya nang malaman na si Jin Sinclair ang Fated ko ay nasiyahan ang royal family pero hindi ang pamilya namin. Gusto na akong kunin ng Elvida noon pero ang pamilya ko mismo ang tumutol kaya muntikan nang mag-away ang dalawang pinakamakapangyarihan na pamilya.

Buti na lang at nasa tamang pag-iisip ang parehong pamilya at nag-settle sila sa isang deal na ako lang mag-isa ang naparusahan. Dahil ako lang ang dehado sa desisyon nila, kinalaban ko ang Astra.

Kilala ang Astra dahil gaya ng pamilya namin ay hindi sila sakop ng Elvida at kilala rin sila na nagkukulong ng mga kaaway nila sa isang espesyal na kulungan na sila lang ang nakakaalam kung paano makalabas at makapasok. Ginamit ko ang kaalaman na 'yun para ikulong nila ako hanggang sumuko ang Elvida na kunin ako pero hindi ko inaasahan na ife-frame nila ako at pinalabas na sinubukan ko silang kontratahin para pabagsakin ang mga Sinclair.

Kahit na Fated ako ng crown prince ng Elvida ay malaking parusa pa rin ang kung sino mang magtatangkang sirain ang mga Sinclair, ang royal family. Dahil hindi sakop ng kahit anong kaharian ang pamilya namin ay kami mismo ang inatake ng mga Sinclair at pinatapon na nila ako sa normal na mundo.

Noong unang taon ko sa normal na mundo, ilang beses akong dinalaw ng Astra at ilang beses din nilang pinapaalala sa akin na hindi ko kayang mabuhay nang hindi kumikitil ng buhay at doon nagsimula ang usapan namin ni Gigas na hindi kami papatay para ipamukha na kaya ko na hindi pumatay ng kahit sino.

Limang taon ang tiniis ko kahit na pwede akong bumalik sa Underworld sa kahit anong oras. Pinarusahan ko ang sarili ko sa loob ng limang taon na 'yun hindi lang para patunayan sa Astra na kaya ko na hindi pumatay, para din bilang atonement sa pamilya ko na nadamay dahil sa nagawa ko.

Pero limang taon lang ang lumipas. Sapat na ba ang limang taon para sa kanila? Base sa ekspresyon na pinapakita ni Dmitri ngayon parang kahit ilang dekada pa ako manatili doon, hindi nila basta-basta mapapatawad ang nagawa ko.

"Of course, I want you back," sagot niya sa tanong ko. "The question is why? Bumalik ka nang walang pasabi. You were exiled. Do you know what'll happen if someone from Elvida knew you were back?"

"No one needs to know. I bet no one even remembers me anymore." Pinagkus ko ang mga kamay ko saka dumantay sa upuan at, pinipigilan ang sarili na may masabing iba.

"That's nonsense," hindi siya naniwala sa sinabi ko kaya napataas ako ng kilay.

"It's not. You didn't even know who I was until I said my name," hindi siya nakaimik dahil alam niyang tama ako at nanatili lang siya na ganun, maliban na lang nung humingi siya ng kapalit ng inumin niyang natapon.

Dmitri is the kind of person who won't open his mouth unless he is interrogating someone, he's on a mission, or he knows he has the upper hand in that conversation. It was one of the reasons why I came to like him more than anyone in our family. He talked less, but it made sense when he did. But it infuriates me that personality of his now when I want him to talk more. Didn't he want to know why I was back? Was he not curious?

Hinayaan ko na pamunuan kami ng katahimikan. Nakatingin lang ako sa inumin ko na paunti-unting nagyeyelo, naririnig ko ang mahinang pag-inom nina Kyo at Dmitri, pinapakiramdaman si Gigas na nagmamasid. Inisip ko nang mabuti kung ano ang sasabihin ko para sumang-ayon siya sa plano ko. Nang tuluyan nang magyelo ang inumin ko ay nagsalita na ako.

The Cursed DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon