VII

2K 49 1
                                    

Gutay-gutay at maruming coat, may takip sa mga mata at nakapaa-paa. Base lang sa mga 'to ay madaling sabihin na matagal nang nakakulong ang taong 'to. Nakakapagtaka lang kung paano niya nagawang sumanib sa isang taga-normal na mundo kung nakakulong siya dito sa Underworld, at higit sa lahat ay bakit siya nakakulong nang gano'ng katagal.

Umalis na si Gigas sa balikat niya at bumalik na sa pagtatago sa anino ko. Napangiwi ako nang maramdaman ko ang pagod ni Gigas kaya hinayaan ko na lang siyang magpahinga saka tinuonan ng pansin ang taong nasa harap ko.

"So? We came this far. Hindi naman pwedeng sasabihin mo lang na may deal tayo. You know how I work." Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. 

Striktong patakaran sa pamilya namin na hindi kami tutulong sa kahit sino hangga't hindi nila kami tinatawag. Kung alam lang nila na tinulungan ko siyang makalaya sa kulungan na hindi niya ako tinatawag baka kung anong parusa na ang nakuha ko.

"Before that, I just want to make sure. If I offer my whole life, what'll happen?" Minasahe ko ang sentido ko dahil ito ang mga klaseng tao na ayaw kong tulungan. 

Kadalasan, mga taong desperado ang lumalapit sa akin at wala na silang pakialam kung ano ang makukuha ko mula sa kanila kaya madali lang silang tulungan. Samantala, ang mga taong katulad niya na nagtatanong pa ay nagpapahirap lang dahil kinukuda nila ang bawat galaw ko na parang mas alam pa nila ang ginagawa ko.

"I don't really suck a person's lifespan so you won't be dead right away. It's usually on reserve just in case something happens to me or to Gigas, pero you're most likely to be tied to me like Gigas," simpleng sagot ko. Ang totoo niyan ay mas komplikado pa ang nangyayari sa mga taong buong buhay nila ang ibibigay nila pero ang sinabi ko ang kadalasang totoong nangyayari.

"Okay. Here we go," huminga siya nang malalim at kinapa-kapa ang sarili niya kaya na-weirdo-han ako sa kanya. "This is the last time my life would be mine so—" Pinanuod ko siyang tumigil sa pinaggagagawa niya at mahimatay. 

Naghintay muna ako ng ilang segundo bago ko siya linapitan para tignan kung buhay pa siya. Paglapat ng kamay ko sa leeg niya ay naramdaman kong mainit siya at mukhang nahihirapan na siyang huminga.

"Come on, you were this close," napapikit ako nang mariin bago tumayo. Tinapunan ko siya ng huling tingin bago naglakad palayo pero biglang nagpunta sa harap ko si Gigas at mukhang gusto niya akong pigilan.

"Shion..." inis niyang tawag sa akin nang ilang beses ko siyang iniwasan.

"Ano ba ang problema mo? Alam mo naman kung sino ang hindi at pwede nating tulungan," ilang ungol ng pagkainis ang ginawa niya habang pinipilit na ibalik ako sa lalaki pero nanghihina na siya kaya wala siyang ibang magawa.

"M-Mortem..." Lumingon ulit ako sa lalaki na pinipilit ang sarili niya na magsalita kahit na hindi niya na kaya. "Mortem Obire," mahinang banggit nito. Biglang nagpakita ang mga mata ni Gigas at nauna nang bumalik sa lalaki.

Tumaas ang isang kilay ko nang makitang tulungan siya ni Gigas na sugatan ang kamay niya at pinatulo ang dugo niya sa lupa saka linahad ang kamay niya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako bago lumapit sa kanya para tulungan siyang itayo. Sinamaan ko muna ng tingin si Gigas bago ko tinanggap ang kamay ng lalaki bago ko pinatong ang noo ko sa maiinit niyang noo saka pumikit.

"Ego mortem," sagot ko at agad kong naramdaman ang bagay na matagal ko nang inasam na maramdaman.

Pagkalapat ng noo ko sa kanya ay nakita ko ang ilang mga importanteng memorya niya at masasabi kong galing ang lalaking 'to sa isang importanteng pamilya, makikita ko pa lang kung anong nangyari sa kanila nang bigla 'tong mapalitan ng araw kung kailan siya hinuli ni Jin at lahat ng mga sumunod ay nasa kulungan lang siya.

The Cursed DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon