IV

2.3K 63 4
                                    

Matagal nang patakaran sa Underworld na exclusive lang sa isang tao ang isang ability, may similar attributes pero magkaiba pa rin sila sa paraan kung paano ito nagagamit. Kahit kailan ay hindi nagkaroon ng may magkaparehang-magkapareha na abilidad dahil sa sistema ng Fated at para sa balanse ng Underworld.

May kanya-kanyang class din ang abilities at attributes namin. Class 5 ang pinakamababa at para 'to sa mga common na abilities and attributes, Class 0 naman ang pinakamataas at ito ang pinaka-uncommon. Halos iisang tao lang ang mayroon ng ability at attribute nito at masasabing exclusive na 'to sa kanya. Napag-aralan namin dati na kapag may taong nagpakita ng ability na kapareha ng isang Class 0 ay may posibilidad na maiba ang balanse ng buong mundo. Class 0 ang Loot at bago ako paalisin sa Underworld ay ako pa lang ang mayroon ng ability na 'to, kung kapareha ng Loot ang ability ng kung sino man ang sumanib kay Xavier ay nasa mapanganib na sitwasyon kaming lahat ngayon.

"Xavier?" Bumalik ako sa wisyo nang magsalita si Valerie at dahan-dahang lumalapit sa dating katawan ng kapatid niya kaya agad kong inayos ang sarili ko saka siya pinigilan.

"Hindi na 'to si Xavier." Sinubukan kong kumbinsihin si Valerie pero mukhang hindi niya 'to kayang tanggapin.

"Hindi, si Xavier pa 'to," pagpupumilit siya. Mulat na mulat na ang mga mata niya pero hindi niya pa rin mapansin na hindi na kapatid niya ang nagmamay-ari ng katawan na kaharap namin ngayon.

"Xavier, si Ate 'to." Hinawakan ko siya sa balikat bago niya pa malapitan ang katawan ng kapatid niya 

"Valerie. He's dead. He's not your brother anymore. Stop now before you lose your sanity." Hinintay ko siyang mapakalma niya ang sarili niya bago ko siya binitawan at hinayaan siyang tignan ang dating kapatid niya.

"If demons were real, then angels are real too?" Bulong niya na nagpaungol kay Gigas. Alam naming parehas kung anong iniisip ni Valerie. Kagaya ng karamihan ng normal na mga tao ay naniniwala sila na kapag namamatay ang isang tao ay magiging anghel sila o demonyo.

"He'll never be an angel," sabi ko bago pa siya mag-isip ng iba. Humakbang siya palayo sa akin at binigyan ako ng kakaibang tingin, tingin na puno ng panghuhusga at galit.

"Are you saying that my brother is a bad person?" Pasimple akong ngumisi sa sinabi niya. Tama lang ang hinala ko na ito ang paniniwala niya. 

"The dead don't become angels nor demons, their souls linger to the things they weren't willing to let go while living. Stop believing in pointless things," sinubukan kong ipaliwanag ito sa kanya sa simpleng salita pero mukhang mas nainis lang siya.

"You said you'd help me," halos mangiyak-ngiyak niyang sabi.

"There's nothing worth saving of your brother. He's gone, Valerie." Ilang beses siyang umiling bago umalis ng kuwarto. 

Narinig ko ang paghikbi niya hanggang sa makaalis siya at kinuha ang sasakyan na ginamit namin papunta dito. Napahilamos ako ng mukha at agad na nag-isip kung paano kami aalis dito ni Gigas kung wala kaming sasakyan. Kung parehas lang kaming may lakas baka nakauwi na kami kanina pa.

"She didn't pay you." Napatingin ako sa dating katawan ni Xavier at nakatingin na sa akin ang kung sino man ang sumanib sa kanya. Kilala si Xavier sa kulay asul na mga mata niya at nakumpirma ko na hindi na talaga siya ang nagmamay-ari ng katawan na 'to dahil iba na ang kulay ng mga mata niya. Mas madilim pa ang kulay nito sa pinakamadilim na mga mata na nakita ko sa buong buhay ko.

"She did the moment she called for me. She wasn't aware but I had already taken half of her lifespan," sabi ko. Linibot ko ulit ang tingin ko sa kabuoan ng kuwarto.

"I see you wanted to write me a love letter but you didn't have paper." Tinuro ko ang pader kung saan nakasulat ang pangalan ko gamit ang dugo ni Xavier.

The Cursed DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon