House Of Demons #1 (Fantasy) Kung alam mo ang kapalaran mo, haharapin mo ba 'to? O habangbuhay mo 'tong tatakbuhan? Galing sa kilalang pamilya ng mga mersinaryo si Shion Valentine at dahil sa kagustuhang niyang takbuhan ang nakatakda sa kanya, pinaalis siya sa mundong kinagisnan niya, ang Underworld. Sa Underworld kung saan normal ang mga taong gumagamit ng mahika, abilidad na kontrolin ang iba't ibang bagay. Ang mundo kung saan nakaukit na sa bato ang kapalaran ng mga tao. Mula sa mundong mahirap maging normal, napunta si Shion sa mundo ng normal na mga tao. Wala na ang pamilya niyang sasagip sa kanya, mag-isa na lang siya sa mundong 'to kasama ang sarili niyang sumpa. Limang taon na lumipas at nabigyan ng tyansa si Shion na makabalik sa mundo niya. Limang taon na nabuhay siya nang mag-isa, at dahil sa isang sumpa, unti-unti na niyang nakakalimutan ang mundong kinagisnan niya.