Chapter 35: I won't

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at bigla akong naglubid-lubid ng kuwentong pawang kasinungalingan lang.

Ayaw kong malaman niyang hiwalay na kami.

Ayaw kong ipangalandakang masaya siya samantalang ako, nagdurusa.

Ayaw kong ipakitang nasasaktan ako sa mga sinasabi niya.

"Aww! Ang sweet niya naman! Talagang tumatawag pa siya sa 'yo! Huwag mo nang paka-walan 'yan! Bihira ka lang makakita ng gan'yan!"

Too late, we already broke-up. And it's all because of you.

Ngumiti ako, ngunit hindi umabot sa mga mata ko.

"I won't." 'Cause I already did.

"Dapat lang." Kung alam niya lang.

"Minsan lang ako makahanap ng gaya niya. Maganda. Mabait. Matalino. Maalaga. Maalalahanin. Mapagmahal. Kahit minsan makulit at may pagka-pasaway, mahal na mahal ko siya."

Minsan lang ako makatagpo ng kagaya mo. Kaso ako si tanga, pinakawalan ka pa. Sinayang ko ang mga panahong kasama pa kita. Sinayang ko ang mga pagkakataon. Kung kumilos lang sana ako, siguro masaya ako ngayon kasama ka.

Kaso huling-huli na ang lahat. May mahal kang iba. At malapit na kayong ikasal.

"Seryoso ka talaga sa kaniya," pabulong niyang sabi, wari ba'y kinakausap ang sarili.

Nagulat siya nang sumagot ako kaya nabitawan niya ang hawak na tinapay. "Of course I am."

"So kailan ang kasal niyo?" Walang kasalang magaganap kasi hindi na kami.

"Hindi pa kami nakakapaghanda. Siguro sa susunod na taon pa." Quota na ako sa pagsisinungaling.

"Huwag kang mag-alala. Ikaw ang kukunin kong brides maid sa kasal namin para masaya," sarcastic kong sabi.

"Sinabi mo 'yan, ha!" Ba't parang tuwang-tuwa pa yata siya? Fuschia! "Kunin mo ring flower girl si baby!" Pumalakpak pa siya na para bang tuwang-tuwa sa naisip niya. Ice!

"Si baby girl pa? Malakas yata sa 'kin 'yan! 'Di ba baby?" Kinindatan ko ang bata.

"Yes daddy!" Ngiting-ngiti naman ang bata. Tuwang-tuwa sa sinabi ko. "Flower girl! Flower girl! Yey!"

Nilagok ko ang natitirang laman ng baso ko, saka nagkunwaring sinisipat ang oras sa wrist watch ko. Tumayo na ako saka lumapit sa kanilang dalawa.

"Gusto ko pa sanang makipag-usap sa inyo, kaso kailangan ko nang umalis."

"Awww! Don't go daddy! Dito ka muna! Later nalang po," himutok ni baby girl. Ayan, naka-pout na naman ang bata.

"Sorry baby girl, but I have some errands to do. I have to go. Next time nalang ulit," sagot ko sabay gulo sa buhok niya.

"Babalik ka pa po ba?" malungkot na tanong ng bata.

"Of course baby! Pupunta ulit ako sa susunod," wika ko, sabay tingin sa mommy niya. Mamaya ayaw pala nitong kaibigan ko. Buti at mukhang ayos lang sa kaniya.

"Promise?" aniya sabay lahad ng pinky-finger niya.

Ikinawit ko ang aking pinky-finger sa kaniya. "Promise." 

Bed friends? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon