-will you stop fooling around?!-

244 6 0
                                    

NOTE: SUPER SORRY SA LATE UD.. Huhuhu

I had problems sa watty, di ko maaccess so there. Here's my update. Sana worth it naman siya. xD

Enjoy much friends! :))

ALABYU ALL!! <3

______________________________

Aj's POV:

6pm na, sa totoo lang sobrang excited ako today. Ngayon ang first day namin ni Kassandra for tutorial. She doesn't need it pero kailangan kong gawin ang trabaho ko.

Trabaho daw oh!-sabat ng utak kong tila nasa kontrapelo. I know I owe you guys an explanation. 

I knew Kass mula pa noong grade 6 kami. She doesn't know me. Naman, may kilala ba yung babaeng yun? I was trying to get to know her for almost 5 years now. Pero ni hindi ako makalapit sa kanya.

Nung unang try ko, nakakatawa lang kasi salita ako ng salita thinking na naririnig niya ako. Nabigla na lang ako nang bigla niyang tanggalin yung earphone niya tapos tumingin sa akin sabay sabing.. "I'm sorry, are you talking to me?" 

Napahiya na ako kaya tumayo na ako at umalis na lang.

Second try ko, nakita ko siyang nagbabasa sa library. Sa limang taon na kilala ko siya alam kong hindi siya madalas magearphone kapag nagbabasa. Umupo ako sa tapat niya. Nagtapat na ako sa kanya kahit hindi ako sigurado kung tatanggapin niya kasi hindi ko naman makita yung expression ng mukha niya. Nakatakip yung libro eh. 

Maya maya, gulat na lang ako habang hinihintay ko kung anong sagot niya ng biglang bumagsak yung ulo niya sa tapat ko.

Naknang! Tulog! Nyeta lang di ba? Tss!

Marami pang beses kong tinry na lumapit sa kanya, lahat epic fail. Kaya sabi ko hingi na ako ng tulog sa mga magulang niya. Tinulungan naman nila ako. Sila may pakana nito. Hindi ko naman kailangan ng pangtuition. May kaya kami. Kayang kaya kong magbayad ng tuition ko.

Eto nga, simula na sana.. SANA.. ng tutorial namin. AT 6:30 na WALA PA SIYA!!

Ano na kaya nangyari dun? Palakad lakad na ako sa sala ng bahay niya. Kinakabahan na kasi ako. 

*creeeeeak*

May nagbukas ng pinto kaya lumingon na ako agad doon.

Si Kass.

"Kass." tumingin siya sa akin pero hindi na siya nagsalita. Dumiretso siya ng upo sa sofa at nakita kong may kasama pala siya. 

Si Kirby.

"Aj? Anong ginagawa mo dito?" si Kirby yun..

Ang bestfriend ko.

WTH! Don't tell me? 

"Dre, ako yung tutor ni Kass. Magkakilala pala kayo?" 

"Oo, kaibigan siya ni Ange." 

"Ah. Mukhang may paguusapan pa kayo. Akyat na ako sa taas."paalam ko.

"Hindi wala na. Hinatid ko lang siya. Kass, alis na ako."

Lumabas na ng bahay si Kirby. Pagkalabas na pagkalabas pa lang niya biglang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko yun at tinignan kung sino yung tumatawag. 

Si Kirby.

"Hello?"

"Siya ba?"

"Ano?"

"Stop fooling around Aj, tell me. Siya ba?"

"Siya nga." bumuntong hininga ako.

toot toot toot toot.

Alam ko kung anong tumatakbo sa isipan niya. Alam niyang gusto ko si Kass. At eversince, kapag mayroon akong gusto kahit gusto pa niya yun pinapakawalan niya para sa akin. Alam ko..

Kahit gusto niya si Kass, bibitawan niya yun, para sa akin.

Isa pang buntong hininga ang pinakawalan ko. 

________________________

Kassandra's POV:

Everyone's acting weird. 

2 weeks na ang nakalipas mula nung nagsimula kami ni Aj ng tutoring thingy namin. 

At mula pa nun, lahat weird na.

Aj's extra sweet.

Kirby's acting weird. Mabait pa rin siya sa akin. Hindi pa rin tumitigil ang mga classmates ko na nangbubully sa akin pero pinagtatanggol niya ako. Sina Ange, to the rescue din.

Hindi ko maintindihan but lately I'm feeling something different with Kirby.

Whenever I don't see him, I miss his face.

Whenever I didn't have the chance to talk to him, I miss his voice.

Ito ba ang epekto ng kiss niya?

2 weeks had passed by, pero that kiss still haunts me. I see myself smiling kahit na walang dahilan just because I remembered the kiss. 

Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa akin. First time to, i have never felt anything like this before so I don't know. it feels so different yet so special.

Naglalakad ako sa hallway ng school nang biglang may mambato ng notebook sa akin. 

Not one but three notebooks. 

"Aray." hinimas ko ang nasaktang batok.

Muli may lumipad na tatlo pang notebook.

This time masyado nang malakas kaya napayuko ako at hindi ko napansin yung ibang notebook na nasa daraanan ko kaya nadulas ako.

Nagtawanan ang mga nasa paligid ko. 

Nang tatayo na sana ako biglang may dalawang kamay na umagapay sa braso ko.

Tumingin ako sa kanan si Kirby.

Tumingin ako sa kalaiwa si Aj.

Nang magkatinginan sila, binitawan ni Kirby ang kamay ko at naglakad na palayo.

"Are you okay, Kass?"

Tumango ako pero nanatili sa papalayong pigura ni Kirby ang mga mata ko.

He touched me.

Again.

And for the nth time.

It made me feel alive.

What's this? What the hell's happening with me?

You're inlove with him. sabi ng isip ko.

Will you stop fooling around? It's not funny. 

Unwanted. [Short story/Fin]Where stories live. Discover now