-you're like a puzzle piece for me-

412 8 20
                                    

Kassandra's POV:

Hindi ko alam kung anong MABUTI ba ang ginawa ko sa mundo bakit ako ginaganito?

Masakit pa rin ang katawan ko. Pero medyo okay naman na ako. Kahapon nga pala yun nangyari.

So today? TODAY'S another day. Hmp!

Hindi ko maiwasan pero iniisip ko kung anong mangyayari ngayon. Wala lang, iniisip ko lang kung papatayin na ba nila ako.

 Mas maganda na siguro yun para makasama ko na SIYA. 

I've already tried commiting suicide. Pero MISSION FAILED eh. Siguro iniisip nyo na na disturbed yung pagkatao ko. Hindi naman masyado.. Slight lang.

Naisipi ko na kasi dati na parang walang kwenta yung buhay ko. GISING-LIGO-PASOK SA SCHOOL-UWI-KAKAIN-MAGBUBUO NG PUZZLE-TUTULOG-GIGISING ULIT.

Cycle ng buhay ko yan. Araw araw na lang.. Nakakasawa na, pero alam nyo.. Naiisip ko, kung mayroon sigurong kahit isang tao lang na magpaparamdam sa akin na hindi ako nagiisa, na pwede pa rin akong mabuhay para sa ibang tao baka sakaling maaayos pa yung magulo kong isipan. 

Nandito na ako sa tapat ng school namin, HONESTLY? Parang ayoko nang pumasok nahihirapan lang kasi ako. 

Di ko na namalayan na ilang minuto na rin pala akong nakatitig sa gate ng school. 

"Hi, gusto mo bang pumasok?" tanong ng isang babae sa akin. Napalingon ako. 

Rocker siguro to. Maliit lang siya, payat, chinita. 

Nakatayo lang siya doon habang hinahangin yung mahaba niyang buhok na kulay violet. 

Tinignan ko siyang maigi, nakasuot siya ng kaparehas kong uniform at may hawak siyang drumsticks na nilalaro ng kanan niyang kamay.

"Oo." yan lang sagot ko.

"Alam mo, matagal na kitang nakikita. Ikaw ang pinakaexpressionless na babaeng nakita ko ever!" lumapit siya sa akin. "I would like to know you.. you're like a puzzle piece for me."

"Ange! Tara na nga. Ano bang ginagawa mo diyan? May gig tayo mamaya. Wala pa tayong practice. Parang awa mo na." sigaw ng isang lalaki na nakasakay sa isang itim na kotse. 

"Don't mind him, that's my boyfriend. Gusto mong manood ng practice namin?" tanong niya.

Tumango ako sa hindi ko alam na kadahilanan, magaan yung loob ko sa kanya. 

Nauna na siyang naglakad, papunta sa kotse at kinawayan ako nang hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko. Nagising ako dun at lumapit sa kotse. Sumakay kami at ilang sandali pa nagpunta kami sa isang studio.

"Dito kami madalas magpractice." tila paliwanag ni Ange sa akin. Magkakilala na kami. She said her name's Angelica. Pero Ange na lang daw para di gaanong mahaba. Nagulat nga ako kanina kasi alam niya yung pangalan ko.

"Ang tagal nyo." reklamo ng isang lalaki na may hawak na gitara.

"Sorry Kuya. May ginawa lang ako." sagot ni Ange at tumingin sa akin. "Kuya ko nga pala, si Kriby." pumwesto na si Ange sa likod ng drumset at tila nagsignal para magsimula na yung practice.

I must say na magaling yung band nila. Apat sila sa band. Yung magkapatid, yung boyfriend ni Ange na si Vincent. Yung Vocalist nila hindi ko matandaan yung name.

Nang matapos na sila, lumapit sa akin si Ange at Vincent.

"Kassandra, sama ka na samin kumain." sabi ni Vincent.

"Ah..eh.. Wag na. Kasi may..may NAGHIHINTAY sa akin." diniin ko yung salitang naghihintay para mapansin nila na ayokong sumama. Alam ko nagtataka kayo kung bakit. Mabait naman sila pero hindi ako at ease kay Kirby eh.

Unwanted. [Short story/Fin]Where stories live. Discover now