Public

495 27 1
                                    

Michyu P.O.V

palabas na ako ngayon ng Village pinipilit ako ihatid ni Manong kahit palabas lang daw ng Village pero mas pinili ko maglakad nalang exercise din ito noh!

naka disguise ako ngayon naka Cap na tapos naka shades pa hahaha simpleng white T-shirt lang din suot ko at pants na medyo may style. No make up din dahil mas komportable ako sa ganito at gustong gusto ko talaga na pag gumagala ako mag isa nag cocommute lang ako dahil feeling ko madami akong matututunan pag nag cocommute ako eh

Marami akong nakikita na kakaiba para sa akin at mas nakikita ko ang True World pag ganito

naka labas na ako ng Village at ang First Step sumakay ng Tricycle para makapunta sa sakayan ng Jeep

sakto naman pag dating ko isang pasahero nalang ang kailangan at aalis na kaya mabilis akong naka alis

wala akong dalang bag dahil 5 thousand lang ang cash na dala ko at mga credit cards may barya din naman ako dahil baka walang mapanukli yung driver kawawa naman baka magkaroon pa sila ng problema at saka nakikita ko kase sa ibang Jeep may sticker na "Barya lang po sa umaga" kaya ayun lagi akong may barya hehehe

nag stop na yung Tricycle at nagbayad na ako. Step #1 Success yehey!

Okidokie Step #2 na ako. Sumakay na ako sa Jeep at bandang gitna pa ako ito yung favorite part ko yung magbabayad ka tapos pasa pasa sila hanggang maka abot sa Driver hehehe ang galing kase

"Bayad po!" - Ako

inabot ko yung bayad sa lalaking pangatlo simula sa akin tapos inabot na niya at inanot ng ale sa katabi niya at yung katabi niya inabot sa malapit sa Driver at ayun finish line na dahil naabot na sa Driver! Yehey hahaha

"Girls! napanood mo na ba yung bagong MV ngayon ng MW?"

"Oo! grabe nakaka kileg at ang galing nila super!"

"Grabe noh bagay talaga sila"

"Nasa SM Manila sila kahapon at grabe nakaka kilig noong tinanong na si Michyu!"

"Oo nga eh! sayang hindi ako nakapunta"

"Ako pumunta!"

"Swerte mo naman"

may mga teenagers na nag uusap dito tungkol sa amin ni Warren

napapangiti nalang ako tuwing pinag uusapan nila kame at nagpapasalamat ako sa suportang binibigay nila sa amin

"Oh G&F Mall na! G&F Mall na!"

bumaba na ako ng Jeep pati yung mga teenagers na nag uusap kanina

Hmmmm Refreshing! Haaaa! kailangan ko na itong sulitin!

pumasok na ako papunta sa loob ng Mall at nagsimulang mag ikot-ikot

ang daming tao dito ibang ibang sa G&F Powerplant Mall. Private kase yun eh halos lahat ng Artista doon nag shoshopping kaya pag pumunta ang mga hindi Artista doon makaka kolekta siya ng sobrang daming picture at autograph pero kaso nga lang mayayaman at dapat may Membership I.D ka bago makapasok doon

Marami akong nakikitang Couples, Barkada, Loner kagaya ko at Pamilya na nag cecelebrate at nag faFamily Day dito

pinaka gusto kong view yung Family na nag eenjoy dahil natutuwa ako pag napapagmasdan ko sila

Natutuwa nga ba ako?

Oo natutuwa ako pero haaayyy may Inggit talaga akong nararamdaman dahil Once a year ko lang nakakasama ang Family ko

Showbiz Queen ♔Where stories live. Discover now