Songs

23 0 0
                                    

Third Person

Nasa public park si Michyu. Doon sya dinala ng sarili niya para makapag sulat ng kanta

Kahit ayaw nya gawin wala siyang magagawa dahil iyon ang kagustohan ng board

Kelan nga ba sya nakapag desisyon ng walang approval nila?

Pagkababa palang niya ng sasakyan ay pinag tinginan agad siya ng mga tao

Naka simpleng plain v-neck white tshirt, rip jeans at low cut rubber shoes lamang ito pero hulmang hulma parin kung gaano kaganda ang katawan niya sabayan pa ng mukha niyang walang kahit anong make up o pulbo at ang buhok na hindi na kailangan ayosan

Kahit sino sa park ay mahihiya nalang na lapitan siya para magpa picture o bumati dahil alam nila kung gaano ito ilag sa tao kahit ang pag ngiti ay hindi nito magawa sa harap ng mga humahanga sa kanya

Hollywood ito kaya kahit anong gustong gawin ng Artista sa kanila ay hindi big deal lalo na ang hindi nito pag pansin sa mga fans

Naglakad siya at nag hanap ng hindi masyadong mataong lugar para makapag sulat

Ilang linggo na din kase sya ginugulo ni Silver tungkol dito

May nakita siyang malaking puno na pede niya upuan at hindi gaano katao dahil malayo layo na ito sa mga fountains at mga decorations dito sa park

Pagka upo niya ay pinikit muna ang mga mata para pakiramdaman ang paligid

Pinakinggan niya ang mga ingay ng taong nasa park at mga ibon na humuhuni sa mga puno

Tinitigan niya ulit ang tatlong pirasong papel na nasa board

Hindi niya alam kung anong kanta ang isusulat niya at kung paano siya makakagawa ng kanta

Umagaw sa pansin niya ang nakawalang aso na sa harap niya pumunta at nakatitig lang sa kanya

Isa itong Syberian Huskie na kulay asul ang mga mata at brown ang kulay ng balahibo

"Isang Wolf" naalala niya si Raven kung paano niya ito tawagin at lambingin

Lumapit ng todo ang Huskie sa kanya at tila gusto nitong hawakan siya ni Michyu

Nilambing siya nito sa pamamagitan ng pag dikit ng ulo sa mukha nito at tila gusto nito na yakapin siya

Sa una ay takot ang naramdaman niya dahil hindi gusto ng magulang nila ang lapitan sila ng aso o pusa

Humiga ito sa legs niya at nagtihaya na parang nagpapakamot ng katawan dahilan ng pag ngiti niya dahil sa sobrang lambing ng Huskie kaya hinaplos haplos niya ito na parang nawala sa sarili at ayaw mawala ang kanyang mga ngiti

"Hey yashie nandito ka lang pala kanina pa ako naghahanap sayo" may lalaking biglang lumapit sa kanya at nilagay sa aso ang dalang tali

Napatingin naman sa kanya ang lalaki at laking gulat nito kung sino ang kasama ng Huskie niya

"A—h A—no i-ka-w pa-la yan Ms. Mi-ch-iyu" nauutal at nahihiyang sabe ng lalaki na hindi makatingin sa kanya

Tinignan lang siya ni Michyu at hinaplos ang aso bilang pag papaalam

Binalik na niya ang tingin niya sa mga papel kay nailang ang lalaki dahil hindi manlang siya kinausap o pinansin nito

"Pa—pasensya na po kayo nagulo kayo ni Yashie nakawala kase siya" yumuko ang lalaki bilang paghingi ng pasensya sa kanya pero patuloy lang ito sa pag susulat sa papel at hindi siya kinikibo

"A-h A-ano aalis na po kami pasensya na ulit" umalis ang mag amo at saka lang siya pumikit para pakalmahin ang sarili

"Kahulma lang niya ng katawan at kaboses" naka mask kase ang lalaki na santa at may cap ito na may sungay ng raindeer kaya hindi na niya ito tinignan maigi

Sinimulan na niya ang pagsusulat na hindi niya alam kung anong meron at bigla siyang ginanahan

Inabot siya ng hapon sa park at natapos na niya ang mga kanta dahil bukas na bukas ay irerecord agad ito sabay shooting ng music video

Binigyan talaga ng araw ang pagrerecord nila ng kanta at hinayaan na sa Album nila ilalaan ang buong araw kahit sobrang dami nitong kailangan taposin na photoshoots at shootings

Biglang nagka gulo ang mga tao habang naglalakad siya pabalik sa sasakyan niya hindi nalamang niya ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad dahil alam na niya ang dahilan kaya nagkaka ganyan ang mga tao

Walang nagbago kay Warren sa pakikitungo niya sa mga fans dahil pinunan niya lahat ng pangbabalewala ni Michyu sa mga ito

Hinayaan niya ang mga ito na magpa picture sa kanya at yakapin siya pero noong nakita na niya si Michyu na naglalakad agad itong tumakbo papalapit dito

"Hindi mo kailangan umalis bigla ng mag isa paano kung may mangyare sayo" hinawakan siya ni Warren sa kamay niya at sinabayan sa paglalakad

Huminto ang mga fans nito at hindi na lumapit pa hinayaan ng mga ito ang dalawa na maglakad sa harap nila dahil alam nila na maiinitin ang ulo ni Michyu pag dinudumog siya ng tao o kahit ng media

Hindi siya pinansin nito at patuloy lang sa paglalakad si Michyu iniwas niya ang kamay niya kay Warren at binilisan ang paglalakad

Nasa parking lot na sila ng akmang sasakay na sana siya pero pinigilan siya ni Warren

"Michyu wag mo na uulitin yung mga ganitong bagay dahil hindi ligtas ang umalis ka na mag isa" tinitigan lang siya ni Michyu at nagulat siya sa pag ngisi nito

"Mag isa? Kahit kailan hindi ako nag iisa Warren dahil kahit saan ako pumunta ang dami nyong naka sunod sa malayo" nagulat nalang si Warren sa sinabi nito at hinayaan itong umalis

Anong ibig niya sabihin? Alam na ba nito ang ginagawa ng Familia? Paano niya nalaman ang bagay na yun?

Agad na umalis si Warren at gusto nitong makausap ang Head niya tungkol sa sinabi nito pero hindi niya ma contact

Dahil alam niya na ang mga ito lang ang may karapatan na tawagan siya

Nakita niya naka on na ulit ang GPS ni Michyu at pauwe na ito sa bahay nila ni Silver

Hinayaan na niya ito at bumalik sa condo niya para magpahinga dahil bukas na din ang recording nila ng mga kanta

Hinayaan ng Board na si Michyu ang gumawa ng kanta sa solo niya samantalang siya ay mga Professional Song Writter ang gumawa para sa kanta nilang dalawa ni Michyu

Napapaisip parin siya sa sinabi ni Michyu at kung may alam na nga ba ito dahil kung totoo man ay malaking gulo nga ang paparating sa Familia

Showbiz Queen ♔Kde žijí příběhy. Začni objevovat