“Hindi na ako pwedeng mag-aksaya ng panahon, oras na maganap ang sakripisyo tapos na ang pakikipagtulungan nila sa amin….. Ibig sabihin ay maaari na nila kaming patayin.”

            “Nasa panganib ang buhay nila Luther!” Sumakay na din ako sa elevator.

                                                                     Luther

            Binitbit ako ni Mr. Loomis papunta sa pwesto ng pagtatapunan niya sana sa batang sakripisyo.

            “Ikaw na lang ang gagawin kong sakripisyo Luther! Isa kang malaking hadlang!” Banta niya sa akin habang nanlilisik ang kanyang mga mata.

            Wala nang kalakas-lakas ang katawan ko sa oras na ito. Kaya siguradong magagawa niya ano man ang kanyang naisin…. Hanggang sa tuluyan na nga akong itinulak ni Mr. Loomis.

            “(Sa isip) Ito na ang katapusan ko, pero ang mahalaga ay nailigtas namin ang dapat na isasakripisyo.”

            “Anong???” Hindi makapaniwalang sigaw ni Mr. Loomis.

            Pakiramdam ko ay tumigil ako sa pagkakalaglag, may nakahawak sa kamay ko. Nasisinagan ng ilaw ang kanyang mukha…. Sa palagay ko ay isang anghel….

            “Gunggong ka talaga Luther!!! Basta ka nalang bang magpapa-patay sa kanya!” Sabi ng lalakeng nakahawak sa kamay ko.

            Unti-unti ko ng nakita kung sino ang nagligtas sa akin. “Trevor…….” Hawak niya ako gamit ang kanyang kanang kamay at ang kaliwa naman ay nakahawak sa bakal na harang ng rooftop para hindi kami tuluyang malaglag.

            “(Smile) Now we’re even! Bilisan mo gamitin mo din yang isang kamay mo at humawak ka ng mahigpit sa akin!” Utos niya sa akin.

            Sira-ulo talaga ang taong ito, wala siyang paki-alam kahit katabi nya lang si Mr. Loomis. Sa isang iglap lang ay pwedeng-pwede siyang atakihin nito at dalawa pa kaming mamamatay.

            “(Whispering) Anong ginagawa mo Trevor?” Galit na sambit ni Mr. Loomis.

            Pero nginitian niya lang si Mr. Loomis. “Bulag ka ba? Tinutulungan ko, ang mga kaibigan ko!”

            Naglabas na ng kutsilyo si Mr. Loomis at agad nitong sinaksak si Trevor sa kaliwang braso.

            “Aaaaaaarrrgggghhh” Sigaw ni Trevor dahil sa matinding sakit.

            “(Crazy Laugh) Wala ka nang magagawa ngayon Trevor, unti-unting sasakit ang braso mo at mabibitaw ka na din sa bakal na hinahawakan mo. Parehas kayong mamatay!” Nababaliw na sambit ni Mr. Loomis.

            “Huwag kang mag-alala Luther, hindi kita bibitawan….” Nakangiting sabi ni Trevor. Pero bakas na sa kanyang mukha na labis na siyang nasasaktan at nahihirapan.

            Kailangan ko ng magdesisyon……

            “Trevor! Kapag hindi ka bumitaw, parehas tayong mamamatay! Please! Bitawan mo na ako….. Ikaw na ang bahala sa grupo at lalo na kay Kimberly.” Paki-usap ko sa kanya.

            Hinde! Magkasama nating pro-protektahan ang grupo….. At ikaw ang karapat-dapat na mag protekta kay Kim.” Tugon niya.

            “Ano bang pinagsasasabi mo Trevor? Bakit pinanghihinaan ka ngayon para kay Kimberly?” Napansin kong unti-unti na siyang nabibitaw sa bakal na hinahawakan niya.

            “BITAWAN MO NA AKOOOOO!!!!” Pinipilit kong tanggalin niya ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin pero……

            “HINDEEEEEEEEE!!!!” Mas lalong humihigpit ang pagkapit niya sa akin.

            Hanggang sa……. Tuluyan na siyang bumitaw sa bakal…….. Parehas na kaming malalaglag……

            Pero muli ay bigla nanamang tumigil ang pagkakalaglag ko.

            “WOoohoooo!!! Shit! Ngayon lang ako nakalapit sa gilid ng ganito kataas na building” Sigaw ni Tom habang nakayakap siya sa likod ni Trevor at pilit nya itong hinahatak pabalik.

            “(Shouting) OH FUCK!!! NALULULA NA AKO!!! But don’t worry hindi ko kayo bibitawan! Kung hindi ko kayo m---mailigtas, at mamamatay kayo ngayon, mas mabuting sumama na din ako” Dagdag pa niya.

            Napangiti kaming dalawa ni Trevor sa sinabi ni Tom. Ito pala ang nararamdaman ni Trevor kanina tungkol sa totoong kaibigan. Masarap pala sa pakiramdam na may taong handa kang damayan kahit sa kamatayan.

            “(Galit na galit) Masyado na ninyong pinapatagal ang sakripisyo! Papatayin ko na kayong lahat!” Sigaw ni Mr. Loomis at umamba na ito na sasaksakin si Tom.

            “Shit! Ako ang uunahin NYAAAAA!!!!!” Sigaw ni Tom.

****** BANG!!!*******

                                                                    Tom

            Akala ko katapusan ko na, pero biglang may pumutok. Napansin ko nalang na sumisirit ang dugo ni Mr. Loomis sa kanyang tagiliran. Liningon ko kung sino ang bumaril.

            “Officer Alejandre….”

            Dahan-dahan itong lumalapit kay Mr. Loomis habang nakatutok ang kanyang baril.

            Pero hindi parin nag pa-awat si Mr. Loomis at itutuloy parin nito ang pagsaksak.

*******BANG!!!******

            Pinaputukan ulit siya ni Officer Alejandre, sa pagkakataong ito ay sa braso naman kaya nabitawan na niya ang kutsilyo.

            Nakatayo parin si Mr. Loomis at masama ang tingin nito sa bumabaril sa kanya. Pero walang paki-alam si Officer Alejandre at tumuloy parin siya sa paglapit.

******BANG!!!!*******

            Pinaputukan na niya ito sa dibdib, lumabas na ang dugo sa bibig ni Mr. Loomis. Pero sadya itong matibay at nananatili parin siyang nakatayo.

            Tuluyan ng nakalapit sa kanya si Officer Alejandre.

            “Go to HELL!!! Mr. Loomis!”

            Sinipa ni Officer Alejandre si Mr. Loomis para tuluyan na itong tumumba at malaglag sa gusali. Siya ngayon ang naging sakripisyo para sa huling Blood Lock.

Unfinished 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon