Chapter 7

2K 74 4
                                    

                                                   Chapter 7

                                                     Luther

        “Pero, hindi pa tayo pwedeng pumunta doon ngayon. Kailangan muna nating hintaying kumagat ang dilim para mas madali nating magawa ang gusto natin ng walang humaharang.” Mungkahi ko sa kanila.

        “Ibig sabihin mamayang uwian pa ng afternoon class? Kung sa bagay 4pm na. Kaso nga lang ang tagal pa ng hihintayin natin bago sumapit ang 8pm.” Sabi ni Alexandria.

        “Okay lang iyan. Mas maganda na ang sigurado kesa may makahuli.” Dagdag pa ni Tom.

        “Siguro mas maganda kung puntahan muna natin si Ma’am Bernadette para malaman niya kung ano ang nangyayari.” Ideya ni Kimberly.

        Pinuntahan namin si Ma’am Bernadette sa faculty niya pero hindi na namin siya naabutan,dahil nauna na itong umuwi dahil tapos na ang class schedule niya. Kakaibang kaba ang nararamdaman ko ngayon sa aking dibdib, at pakiramdam ko ay may kakaibang presensya na bumabalot sa aking katawan na nagbibigay sa akin ng sobrang kasabikan. Dahil ang mga bagay na makakapagturo sa akin na hanapin ang aking ama ay nasa harapan ko na ngayon. Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito kahit ano pa ang maging kapalit.

                                                    Kimberly

        8:10 pm……..

        Nagsisimula ng bumilis ang pagtibok ng aking puso. Isa-isa na kasing naglalabasan ang mga estudyante sa aming paaralan. Malapit ng magsimula ang pagharap namin sa katotohanan.

        “Tara na Kim!” Pag aya sa akin ni Alex habang hawak-hawak niya ako sa aking kamay.

        Tumingin ako kay Tom at Luther, pero nauna na silang maglakad papunta sa old building.

        “May problema ba Kim?” Tanong ni Alex.

        “Kinakabahan ako Alex. Pakiramdam ko ay kakaiba ang pwedeng mangyari sa gagawin natin.” Sagot ko sa kanya.

        “Ngayon lang kita nakitang nagkaganyan Kim. Ito na ang pagkakataon natin, at aalamin lang naman natin kung ano ang tinutukoy sa libro. Kung hindi mo magustuhan ang resulta ngayong gabi, mag ba-back out na tayo bukas.” Nakangiting pagpapalakas ni Alex sa akin.

        “Hoy! Kayong dalawa! Ano pa ang hinihintay nyo?” Sigaw ni Tom.

        Tumingin ulit ako kay Alex. “Sige! Ituloy na natin.”

        Nang makapunta na kami sa old building ng school namin ay isa-isa kaming pumuslit papunta sa likod ng building para walang makapansin sa amin.

        “Alright! Wala ng atrasan to!” Sabi ni Tom.

        “Paano pa tayo makaka-atras, eh nandito na tayo sa likod ng old building.” Pangbabara ni Alex.

        “Nasaan na yung tinutukoy mo na Underground Basement Luther?” Tanong ko.

        “Ang basement ay iyang inaapakan nyong tatlo!” Mabilis na sagot ni Luther.

        Sabay-sabay kaming tatlo na tumingin sa aming inaapakan. Bakal ang nagsisilbing pinto nito papasok sa ilalim. Mabilis na hinanap ni Tom ang bukasan, at ng makita na niya ito ay agad siyang nagbigay ng reaksyon.

        “Paano naman natin mabubuksan ang pinto na ito? Wala man lang door knob! Ang tanging nandito lang ay hugis triangle.” Sabi ni Tom.

        “Maaaring iyan ang nagsisilbing padlock ng basement at ang susi ay hugis triangle na kailangan nating ilusot diyan.” Dugtong ni Luther.

        “Non-sense pala ang pagpunta natin dito kung hindi natin ito mapapasok, madali lang sana kung normal na padlock lang, madali natin iyang mabubuksan.” Sabi ni Alex.

        “Kung hindi ordinary ang susi sa basement, ibig sabihin ay mayroon talgang sikretong itinatago dito! Luther, wala man lang bang nagtangkang magbukas nito na staff ng school?” Tanong ko sa kanya.

        “Sa mga narinig ko na usapan dati nung 1st year palang ako, wala daw nakaka-alam kung nasaan ang susi ng basement na ito. At bilang pagrespeto sa nag pasimula ng school, mas pinili nalang nila na hindi na alamin kung ano ang nasa loob ng basement.” Paliwanag ni Luther habang nakahawak ito sa kanyang baba.

        Biglang nagsalita si Alex para ibahagi ang kanyang opinyon. “Pero hindi nyo ba naiisip na may posibilidad na nandito lang din sa lugar na ito ang kasagutan tungkol sa basement?”

        “Tama ka Alex! Dito tayo itinuro ng libro, at malamang ay may kahit isang clue man lamang dito.” Pagsang-ayon ko kay Alex.

        “Kung ganon, simulan na natin ang paghahanap! May flashlight naman siguro iyang mga cellphone nyo! Isa pang paalala! Mag ingat kayo sa mga dadamputin nyo, masyado ng makapal ang mga damo.” Paalala ni Luther.

        Mabilis na sinunod ni Alex at Tom ang sinabi ni Luther kaya nagsimula na kaagad silang maghanap sa paligid. Samantalang si Luther ay napansin kong nakatingin sa isang puno na malapit sa bakod.

        Linapitan ko siya at hinawakan sa balikat. “Luther, anong problema?” Tanong ko sa kanya.

        “(Smile) Wala naman Kim, hindi ko lang naisip na dito pala sa bakod na tinatalunan ko makikita ang sagot sa matagal ko ng hinahanap.” Sagot niya

        “Ano ang ibig mong sabihin?” Nagugulahang tanong ko sa kanya.

        “Nakikita mo ang tali na ito?” Sabay pakita niya sa tali na nakatago sa puno.

        “Dito ako tumatalon kapag nag-iimbistiga ako tuwing gabi. Ito ang escape route ko.” Sagot nito.

        “Pasaway ka pala! Lagi kang nag o-over the bakod para lang sa pag iimbistiga mo! At matapang ka rin kasi kahit na may third eye ka, nagagawa mong maglibot dito mag-isa.” Natatawang sabi ko sa kanya.

        Naputol ang usapan namin ng pansinin kami ni Alex.

        “Alam kong nagkakamabutihan kayong dalawa. Pero tumulong na kayo sa paghahanap para matapos tayo kaagad.” Sabi ni Alex habang nakatitig ito sa amin ng kakaiba.

        “Sabi ko nga, tutulong na kami.” Namumulang sagot ko kay Alex.

 

Unfinished 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon