Tumakbo ako palapit sa kanila para tulungan si Luther pero napatigil ako ng biglang tumingin sa akin ang nakakatakot na itsura ni Mr. Loomis na para bang nasasaniban ng demonyo.

        “(Nakakakilabot na ngiti) Luther, gusto kong makita kung nag-improve ka na ba?” Sambit niya habang nakatitig sa akin.

        “(Sa isip) Anong sinasabi niya? Si Luther ang binabanggit nya pero bakit sa akin siya nakatingin?”

        Laking takot ko ng bigla na itong naglabas ng kutsilyo.

        “SHIT!!!!”

        “TOM!!!! TAKBOOOO!!!” Sigaw ni Luther.

        Pero bago pa man ako makagalaw sa pwesto ko ay mabilis na nitong ibinato papunta sa akin ang hawak niyang kutsilyo………….. At tatama ito, sa aking ulo.

        Wala na akong ibang nagawa kundi pumikit at abangan ang susunod na mangyayari….

        Pakiramdam ko ay tumahimik sa buong paligid, nakakabingi ang katahimikan. Hindi ko maramdaman ang sakit na dulot ng pagtama ng kutsilyo. Ito ba ang pakiramdam ng biglang namatay? Patay na ba ako?

        Idinilat ko ang aking mga mata…… Nasa harap ng mukha ko ang talim ng kutsilyo. Isang ikot nalang nito ay siguradong babaon na ito sa mukha ko. Napakatindi ng kaba na nararamdaman ko, pero paanong nangyari ito?

        “(Heavy Breathing) Ba……bakit na……nakalutang lang ang kutsilyo?” Hindi ko maintindihan ang nagyayari.

        Tumingin ako kay Mr. Loomis, nakangiti lang ito habang pinagmamasdang maigi ang muntikan ko ng pagkamatay. Samantalang si Luther ay nakataas ang kanang kamay, para bang pinipigilan niya ang kutsilyo sa pagtama sa akin…………….. HINDE! Sa tingin ko, siya talaga ang may gawa kung bakit tumigil ang kutsilyo at kung bakit buhay pa ako.

        “(Hindi makapaniwala) I---ikaw ang nagpatigil nito?” Muli akong tumingin sa nakalutang na kutsilyo at tuluyan na itong bumagsak at bumaon sa lupa.

        “(Laughing) Magaling Luther! Mas pinahanga mo ako sa ginawa mo ngayon.”  Pagkasabi ay bigla ng tumakbo palayo si Mr. Loomis.

        Lumapit kaagad ako kay Luther para alalayan siyang tumayo. “May Telekenesis ka? Shit! Linigtas mo ako gamit ang ability na iyan….”

        “Hindi ko alam Tom, basta bigla ko nalang nagagawa kapag kailangan na kailangan ko.” Tugon niya.

        “LUTHER!!! TOM!!! Ayos lang ba kayo?” Sigaw ni Kim habang tumatakbo papalapit.

        “Anong nangyari dito? Narinig kasi naming sumigaw ka Luther!” Dugtong ni Officer Alejandre.

        “Nandito si Mr. Loomis, nakaharap namin siya! At sabi niya, kailangan daw natin siya para sa pagkumpleto sa misteryo ng susi……. Ihahanda daw niya ang dadaanan natin.” Sagot ni Luther.

        “At kung nandito siya, posibleng……… Nasa panganib din ang iba nating kasamahan.” Reaksyon ni Kim.

        “AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH” Biglang umalingawngaw sa buong sementeryo ang sigaw ng isang babae.

        “Ang boses na iyon…………………”

        “SI ALEX!!!”

        Nagmadali kaming tumakbo papunta sa kinaroroonan nila Alex. At nang makita namin sila ay yakap-yakap na ni Ma’am Bernadette si Alex , habang si Trevor at Officer Perez ay nakatingin sa isang rebulto…… Hindi lang basta rebulto, dahil nakasabit dito ang bangkay ng isang lalake na giniitan ng leeg.

        Biglang tumalikod si Kim at nagsimula na siyang maduwal…

        “Panibagong kaso nanaman Partner! Mukhang kulto talaga ang makakagawa ng ganitong karumaldumal na pagpatay.” Sabi ni Perez.

        “Teka! Ito na iyon! Ang sagot sa ikalawang Riddle!” Sabi ko sa kanila.

        Tumingin silang lahat sa akin kaya sinimulan ko na ang pagpapaliwanag.

        “Sa mundo ng mga patay ay may panibagong mahihimlay….. Sementeryo ang mundo ng patay at ang lalakeng iyan ang tinutukoy na panibagong mahihimlay…”

         “Dugo’y unti-unting gagapang, upang mapunan nito ang pangangailangan….. Tignan nyong maiigi tumutulo ang dugo ng lalakeng ito pababa sa lupa. Katulad ito ng nangyari kay Mr. Rodriguez, at ibig sabihin ay siya din ang naging sakripisyo”

        “At ang siyang liwanag ang may dala ng pahamak……… Ang rebultong pinagsabitan sa kanya ay rebulto ng isang anghel……. Alagad ng liwanag!”

        Agad na lumapit si Alejandre sa rebulto na pinagsabitan sa bangkay ng biktima.  Pinagmasdan niya itong maigi.

        “Mukhang tama ka Tom! May Blood Lock sa bandang paanan nito.” Sabi ni Alejandre.

        Lumapit na din si Luther at inilusot na niya ang susi sa Blood lock.

 ******Click*******

            “(Hinugot ang susi) Two down, Three to go!” Sabi ni Luther.

            Napunan na ang kasunod na layer ng susi. Tatlo nalang ang kailangan naming hanapin at masasagot na ang kababalaghan na nakatago sa ilalim ng Underground Basement.

Unfinished 2Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα