Chapter 46

2K 36 4
                                    

CHAPTER FOURTY SIX


Buong lakas akong hinila ni Luijin. Nag-pumiglas ako pero hindi ko kaya dahil ang higpit ng hawak niya sa braso ko. Hinila niya ako paalis sa wonderland at pinasok niya ako sa loob ng kotse niya.

Pagpasok namin sa loob mabilis niyang ni-lock ang pinto ng kotse niya at buong lakas na hinawakan ang magkabilang pisngi ko at walang paalam akong hinalikan.

"Luijin!" Sigaw ko at hinahampas ang dibdib niya para pakawalan ako. Mapusok ang halik niya at hindi ako hinayaang makawala. 

May luhang nakawala sa mata ko. Hindi na ako nakalaban pa sakaniya. Napahinto siya sa paghalik sakin at mabilis na hinampas ang manibela ng kotse niya.

"Fuck!" Mura niya pagkatapos ay pinaandar niya ang kaniyang kotse at pinaharurot paalis sa wonderland. Inihinto niya ang kaniyang kotse ng makalayo kami sa wonderland.

Narinig ko ang mabilis na paghinga niya bago nagsalita, "Fuck, Ryche! Anong karapatan mo para saktan ako ng ganito? Bakit mo ba ako pinapahirapan?!"

"Ilang buwan palang pero may bago ka na?!" Sigaw niya at napapikit. "Halos araw araw kitang iniisip tapos malalaman kong may bago ka na?!"

"Wala akong bago!" Sigaw ko rin pabalik. Tinignan niya ako ng matagal. Hindi ko siya magawang matignan. Miss ko siya ng sobra. Tapos makikita ko siyang kasama si Roxiah? Parang nung last na nakita ko siya kasama niya rin si Roxiah ah? Siguro nagkakagaanan na sila ng loob?

"Sino 'yung kasama mo? Sino 'yung gago—"

"Wag mo siyang murahin ng ganyan! Kaibigan ko siya!"

"I don't care!" Napahinto ako ng sumigaw nanaman siya.

"Hindi mo naman kailangan sumigaw! Naririnig kita!"

Umiinit nanaman ang ulo ko.

Napapikit siya tsaka hinarap ako. "May gusto ba sayo 'yung gagong 'yon?"

"May pangalan siya! 'Wag mo siyang tawaging gago!"

"Wala akong pakelam sa pangalan niya. Tinatanong ko kung may gusto ba siya sayo!"

"Eh ano naman ngayon kung may gusto nga siya? Wala ka ng pake dun kasi tapos na tayo." Sambit ko na nagpatigil sakaniya. Ayaw ko man sabihin 'yon pero di ko napigilan dahil nag-init ang ulo ko. Nakakainis siya.

"Hindi mo na ba ako mahal?" Hindi ako nakasagot sa tinanong niya. Naglaban kami ng titigan hanggang sa ako ang unang bumitaw dahil nakaka-hypnotize. Iniwas ko ang tingin ko pero mabilis naman niyang hinawakan ang chin ko at pinaharap sakaniya ang mukha ko. Tinignan ko siya ng masama. Hindi ko alam kung bakit nagagalit ako. Siguro dahil nakita ko silang dalawa ni Roxiah. Nakakainis!

"Sagutin mo 'ko, Ryche. Hindi mo na ba ako mahal?" Seryosong tanong niya.

Hindi ako sumagot.

Of course, I love you. Mahal parin kita sa kabila ng mga nangyari.

May naramdaman akong mainit na likido sa mata ko pababa sa pisngi ko. Mabilis niya 'yong pinunasan gamit ang daliri niya.

"Luijin.. nahihirapan na 'ko." Hindi ko na napigilang mapahikbi. "Nasaktan ako kasi kailangan kitang pakawalan. Akala ko madali pero ang hirap."

Hinawakan na niya ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang luhang patuloy na lumalabas sa mata ko. Lintek na luha. Lagi nalang lumalabas!

"Ilang buwan palang pero gusto na kitang balikan." Hindi ko na napigilang sabihin ang gusto kong sabihin.

"R-Ryche, kahit ilang beses mo akong iwan, sayo parin ang balik ko. Kahit ilang beses man tayong paglayuin, tayo parin hanggang dulo. Tandaan mo 'yan." Mahinang sambit niya at nilapit ang kaniyang labi sakin. Hinalikan niya ako ng dahan-dahan. Isang masarap na halik.

The Girl Grim Reaper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon