Chapter 47

2K 39 2
                                    

CHAPTER FOURTY SEVEN


Tumunog ang aking cellphone at nakita ko sa screen ang pangalan ni Luijin. Napangiti ako at mabilis na sinagot ang tawag niya.

Tumikhim ako bago nagsalita, "Hello?"

"Puntahan mo ako dito."

Napakunot ang noo ko, "Saan?"

"Dito sa restaurant malapit lang sa inyo."

"Teka, sandali nga! May gagawin pa 'ko eh. Anong bang gagawin natin?"

"May sumusunod kasi sakin."

Nanlaki ang mata ko, "A-Ano? Teka, sandali. Papunta na ako!"

Mabilis kong pinatay ang tawag at sinuot ang aking black coat. Lumabas ako ng kwarto at tumakbo palabas ng bahay. Hindi na ako nakapag-paalam kila Sue at Al dahil kailangan kong puntahan si Luijin agad. Nakakakaba!

Tinakbo ko ang daan papunta sa restaurant kung saan sinundan ko dati sina Sue at Senior Ry dahil akala ko may relasyon na sila pero wala pala.

Nang makarating ako ay hinanap agad ng mata ko si Luijin. Nakita ko siyang komportableng nakaupo sa upuan niya at humihigop ng juice. What the? Niloloko ba ako ng lalaking 'to? Akala ko ba may sumusunod sakaniya? Bakit mukhang hindi siya kabado? Malay niyo kidnapper 'yon? O kaya holdapper?

Mabilis ko siyang nilapitan at umupo sa upuan kaharap niya. Nakita ko ang pag-ngisi niya ng makita ako.

"Nasaan 'yung sumusunod sayo?" Tanong ko agad pagkaupong-pagkaupo ko. Binaba niya ang kaniyang iniinom at bigla siyang tumawa ng malakas. 'Yung ibang tao tuloy dito ay napatingin sakaniya. Kahiya naman 'tong kasama ko!

"Ganyan ka pala mag-alala sakin? Wala pang ilang minuto nandito kana agad?" Natatawang sambit niya at umiling iling. "At sa tingin mo ba hindi ko kayang lumaban kapag may sumunod man sakin? Tss. Pinagmukha mo 'kong mahina ah." Napamaang ang bibig ko sa sinabi niya. Ano daaaaw?

"So, ang ibig mong sabihin, hindi totoo na may sumusunod sayo?" Tanong ko. Ngumisi lang siya at tinanguan ako.

"Kagigil ka!" Singhal ko at napahilot sa noo. Mabilis kong kinuha ang juice na ininuman niya kanina at tinungab. Halos hingalin ako sa kakatakbo papunta dito tas hindi naman pala totoo 'yon? Argh!

"J-Juice ko 'yun ah?"

Tumaas ang kilay ko, "So what?"

"Ininuman ko na 'yun eh.."

"Eh kasalanan mo eh. Halos hingalin ako kakatakbo papunta dito pero hindi naman pala totoo 'yung pinagsasabi mo sakin kanina. Ayan tuloy, nainom ko 'yung juice mo!" Pagsisi ko sakaniya.

Napasinghap siya. "N-No, I mean is may halong laway na 'yung inumin kong 'yon. Hindi ka ba mandidiri?"

Napakunot ang noo ko, "Pinagsasabi mo? Ba't naman ako mandidiri? Bakit may HIV ka ba?"

"Wala 'no! Ganun kasi 'yung ibang babae. Ayaw nilang umiinom sa ibang baso lalo na kapag lalaki 'yung gumamit."

"Hindi naman ako sila, Luijin. Kaya 'wag mo 'kong ipagkumpara." Sabi ko nalang at iginala ang mata sa table. "Wala ka pang inorder?"

Ngumiti siya bago umiling, "Wala pa. Hinihintay kita eh."

"Tss. Nagsayang ka pa ng oras. Dapat nag-order kana." Sabi ko at tinaas ang kamay para tawagin ang waiter. May lumapit saming isang waiter at binigay samin ang Menu. Habang naghahanap ako ng pagkaing kakainin ko sa Menu, napansin kong nakatitig sakin si Luijin kaya lumipat ang tingin ko sakaniya.

The Girl Grim Reaper (Completed)Where stories live. Discover now