Chapter 13

3.2K 61 1
                                    

CHAPTER THIRTEEN


Ilang linggo ang lumipas at hindi kami nagkikita ni Luijin. Walang nangungulit sakin nitong mga nakaraang linggo. Maybe this is the right thing to do. Ang hindi siya makita ng ilang araw o kaya hindi na magtagpo pa ang landas naming dalawa. Yeah, dapat ngang iwasan ko na siya hangga't maaga pa.

Buti nalang at hindi parin siya nagpapakita sakin hanggang ngayon. Ayoko rin naman siyang makita. Hindi talaga sumasang-ayon ang isip ko kapag dating sakaniya. Maling mali naman kasi talaga na makilala namin ang isa't isa kaya hangga't maaga pa, kailangan niyang lumayo sakin o kung maaari, ako nalang ang lalayo. Tama. Kung hindi siya ang lalayo, ako nalang ang gagawa nun.

"Tulala ka nanaman." Bigla akong napabaling sa nagsalita. Si Sue pala 'yon. "Lately, may kakaiba akong nakikita sayo."

Napakunot bigla ang noo ko. "A-anong sinasabi mo?"

"Parang nasisiraan ka na kasi ng bait." Sagot niya habang natatawa. Napairap naman ako dahil sa sinabi niya.

"Dati pa naman nasisiraan 'yan ng bait. Ngayon mo lang napansin." Sabat naman ni Al. Isa pa 'tong lalaking 'to. Minsan nakakainis rin yung ugali niya, e. Ang sarap kaladkarin palabas ng bahay namin ni Sue, eh nakikitira lang naman siya. Psh.

"Tse! Hindi pa tayo bati kaya 'wag mo akong kausapin." Mataray naman na sagot sakaniya ni Sue. Ayan nanaman sila. Nung isang araw pa hindi natatapos 'yung bulyawan ng dalawang 'to. Hindi parin nagbabatian ang dalawa. Mga isip bata.

"Wow, ha? Ang tagal ko ng nagso-sorry sayo. Ang taas kasi ng pride mo." Tinalikuran siya ni Al at umupo sa sofa upang manood ng TV. Naiinis na bumalik si Sue sakaniyang kwarto at padabog na sinara ang pinto nun. Haha, parang mga ewan 'tong dalawang 'to! Ako naiipit sakanila, e. Hindi ko alam kung saan na ako lulugar. Tsk.

"Kailan ba kayo magkakaayos, ha?" Pinagkrus ko ang mga braso habang nagtatanong kay Al.

"Ewan ko. Kausapin mo nga 'yung kaibigan mong 'yun. Sabihin mo, ano pa bang gusto niyang gawin ko? Araw araw na nga ako nagso-sorry, e." Walang emosyong sagot niya. Hays naman. Ilang araw na silang ganito. Talagang pinanindigan nila ang hindi magpansinan ng ilang araw. Nakakabilib sila, promise.

"Eh parehas lang pala kayong may mali, e. Bakit ayaw niyo pang mag-ayos? Para kayong mga bata."

"Hmp! Bahala siya. Napapagod na akong mag-sorry."

"Malaki ang kasalanan mo kaya may karapatan siyang magalit sayo at may karapatan ka ring humingi ng tawad sakaniya hanggang sa matanggap niya." Walang ganang sambit ko. Naramdamang kong napatingin siya sakin at parang may narealize. Hay, sana matapos na ang away nilang dalawa. Shemay kasi, e.

"Eh bakit ikaw napatawad mo agad ako?" May emosyon na ang bawat sinasambit niyang linya.

"Syempre mabait ako kaya ganun." Biro ko. Narinig naman ang ubo niya. Parang hindi siya sang-ayon dun, ah? "Charot. Syempre kaibigan kita kaya pinatawad kita."

"Exactly." He said. "Kaibigan niya rin ako kaya dapat patawarin niya rin ako. Mahirap bang gawin 'yon?"

"Magkaiba kami ng ugali ni Sue. Hindi ko alam ang takbo ng utak nun." Umupo ako sa tabi niya. "Siguro, nahirapan talaga siya ng umalis ka. Nalungkot talaga siya ng umalis ka nalang basta basta. At nagsinungaling ka pa samin."

Hindi naman agad siya nakasagot. Napabuntong hininga nalang ako. Alam kong ititikom nanaman niya ang bibig niya para hindi na mapag-usapan kung ano talaga ang nangyari sakaniya.

"Bakit ba ang hirap para sayo na sabihin 'yon? Kaibigan mo naman kami ni Sue, ah? Wala ka bang tiwala samin?" Tanong ko.

Napalunok siya. "N-no. Its not like that. Ayoko pang sabihin dahil baka masira ang pagkakaibigan nating tatlo."

The Girl Grim Reaper (Completed)Where stories live. Discover now