Napahikbi ako. Ilang araw na akong nagpipigil ng iyak. Pero sa t'wing maiisip ko ang past ni Luijin, hindi ko napipigilan. Kusang umaagos ang luha ko ng dahil lang sakaniya.

Handa na akong matulog ng biglang tumunog ng malakas ang cellphone sa gilid ko. Kinuha ko 'yon at tinignan. Napabuntong hininga ako ng makita ang pangalan ni Luijin sa screen.

Ilang beses niya akong tinatawagan pero hindi ko sinasagot. Ayoko muna siyang makausap. Ayoko na.

Siguro nga ito ang tamang gawin. Ang layuan siya. Mali ang mahalin siya. Maling mahalin ang katulad niya. Maling mali na nahulog pa ako sakaniya. Dapat sa simula pa lang, pinigilan ko na. Kahit mahirap, dapat ng tigilan.

Binalik ko ang cellphone sa side table at pinikit ang mata. Tumunog ulit. Hindi ko na pinansin. Tama na 'yung sakit na dinulot ko ngayon kesa madagdagan pa. Saka, si Sue naman ang mahal niya. Dapat nga masaya na siya dahil nagtagumpay siyang pahigantihan ako. Dapat maging masaya siya dahil nasaktan talaga ako ng todo.

Pinigilan kong humikbi, "Ito ang huling iyak ko para sayo Luijin. I'm done with you. Pagod na akong mahalin ka. So yeah, I'm giving up. Sana maging masaya ka."

Ayon nalang ang huling nasabi ko sa kawalan. Nakatulog ako pero nagising rin agad ng marinig ang malakas na katok galing sa pinto ng aking kwarto.

Tamad akong tumayo at binuksan ang pinto. Nagulat ako ng makita si Sue. Ilang araw ko rin siyang iniiwasan. Kahit isa sa kanila ni Luijin ay ayoko makausap. Hindi ako handang makausap sila.

"Ano bang nangyayari sayo?!" Sigaw niya. Nakita ko si Al na nasa likod at inaawat si Sue pero nagpumiglas si Sue.

Napuntong hininga ako at tamad siyang tinitigan, "Why?"

"Talaga bang ganito mo nalang tatapusin ang lahat? Ilang araw ka niyang hinahanap at pinupuntahan dito pero ayaw mong magpakita!" Sigaw niya.

"Mabuti lang na hindi ako magpakita."

Kumunot ang noo niya, "What?"

Tipid akong ngumiti. Ayon lang ang paraan para mapigil ang iyak ko. Hindi na dapat ako umiyak. Sayang lang ang luha ko.

"Mabuti ng hindi ako magpakita sakaniya, Sue. Our love were forbidden. At ikaw naman talaga ang mahal niya. Dapat maging masaya ka." Matabang kong sambit saka ngumisi.

Napairap si Sue, "Ang tanga mo! Napakatanga!"

"Alam ko. Pero 'wag mo rin kalimutan na kayo ang dahilan kaya naging tanga ako. Pinagmukha niyo 'kong tanga." Matigas kong sagot. Nakita kong nanggigil si Sue kaya sinampal niya 'ko. Deserve ko bang masampal?

"Naririnig mo ba ang sarili mo? Kung hindi dahil samin hindi magtatagal ang relasyon niyo ni Luijin! Pumayag kami sa relasyon niyo! Kahit bawal pumayag kami dahil iyon ang makakapag-pasaya sayo! Hanggang ngayon hindi ka parin nagbabago! Makitid parin ang utak mo!" Sigaw niya. Parang gusto niya ulit akong sampalin pero pinipigilan niya.

"Nung nalaman kong ako ang totoong Cherry, napakasaya ko dahil nakita ko na ulit ang taong mahal ko. Mahal ko siya eh. Pero ngayon hindi na ako ang mahal niya! Ikaw na!" Biglang bumuhos ang luha sa mata niya. "Hindi ba dapat ako ang magalit sayo? Hindi ba dapat kagalitan kita dahil ikaw na ang mahal niya ngayon? Napakahirap tanggapin 'yon, Ryche!"

Mas lalo akong hindi nakapagsalita ng marinig sakaniya ang tunay kong pangalan.

"Mahirap 'yon. Pero dahil ikaw na ang mahal niya, wala na akong magagawa. Hinayaan ko siyang magpaliwanag sakin at alam mo kung anong sinagot niya?" Hindi ako sumagot pero nag antay ako ng sagot niya. "Sinabi niyang iba ang pagmamahal niya sayo! Mahal na mahal ka niya! Tapos ngayon lalayuan mo siya? Shit."

Napayuko ako at hindi ko na napigilang mapaiyak. I failed not to cry again. Ito nanaman ako. Bumibigay nanaman ako dahil lang sa mga sinasabi ni Sue. Napakarupok ko.

"Tinanggap ko lahat ng 'yon dahil mahal kita bilang kapatid ko. Tulad ng hinihiling mo sakin noon, nagparaya ako! Kahit mahirap, binibigay ko na siya sayo. Pero bakit kung kailan ikaw na ang mahal niya tsaka ka naman sumuko? Ayan na siya eh. Nasa sayo na pero susuko ka? Napakatanga mo." Huling sambit niya tsaka napabuntong hininga.

"Tama na, Sue. Hayaan nalang nating makapag-isip si Lyk." Sambit ni Al. Hindi niya pinansin si Al at kusa niya lang kaming tinalikuran. Hinarap ako ni Al at tinignan ko rin siya.

"Pag-isipan mong mabuti ang sinabi ni Sue sayo. Sige, maiwan ka muna namin." Sabi ni Al at umalis na.

Nanlambot ang tuhod ko kaya napaupo nalang ako at harap ng pinto ng kwarto ko. Napahagulgol ako ng iyak.

Tama bang sumuko ako? Totoo ba ang lahat ng sinabi ni Sue?

Mas mabuti bang sumugal kesa sumuko? Mapagkakatiwalaan ko pa ba si Luijin? Tatanggapin ko ba ulit siya?

Anong dapat kong gawin?

Mabilis akong pumasok sa loob ng kwarto at sinara ang pinto. Umupo ako sa gilid ng kama ko at tinignan ang aking cellphone. Tumunog ulit ito.

Kinuha ko 'yon at sinagot.

Hindi ako nagsalita. Inantay ko lang siyang magsalita sa kabilang linya.

"Ryche.."

May isang butil ng luha ang tumulo sa kanang mata ko. Tinawag niya ang totoo kong pangalan. At sa tingin ko alam niya ng naaalala ko na ang lahat.

"Why?" Sinubukan kong hindi mautal. Kailangan kong magpakatatag.

"C-Can we talk?"

"Bigyan mo muna ako ng panahon para makapag-isip. Tatawagan kita kapag kaya ko ng harapin ka."

Ilang sandali siyang natahimik bago sumagot.

"Okay. I'll wait. I love—"

Hindi ko na siya pinatapos. Mabilis ko ng pinatay ang tawag. Napapikit ako at suminghap.

Damn, buti nalang mabilis kong napatay. I missed him. At baka masabi ko rin ang saling 'I love you too' kapag hindi ako nakapagpigil.

Pero kailangan kong mag-isip. Hindi ako dapat magpadalos-dalos tulad ng ginawa ko noon.

Kailangan kong pag-isipan kung tama ba ang desisyon na gagawin ko.

The Girl Grim Reaper (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum