Chapter 41 (Part 3) - The Hidden Past

Start from the beginning
                                    

"Tumalon ka para magkasama na ulit tayo.. mapapatawad na kita.."

"Wag na wag kang tatalon, Cherry!" Sigaw ni Luijin ng makita ang konting pag-atras ni Cherry. Malapit na siyang mahulog.

"Tumalon ka na! Tumalon ka na! Tumalon ka na! Tumalon ka na!"

Halos paulit ulit ang bumubulong sa tenga ni Cherry. Paulit ulit at hindi siya hinahayaang magsalita.

"L-Luijin.."

"C-Cherry.. halika na. Humawak ka sa kamay ko." Sambit ni Luijin at naglahad ng kamay. Nakatitig lang si Cherry kay Luijin habang paulit ulit na nagsasalita ang bumubulong sakaniyang tenga.

"I love you, Cherry.." Malungkot na napangiti si Cherry at napaatras ng maikli.

"Tumalon ka na!" 

Napaatras ulit si Cherry at konting atras nalang at mahuhulog na siya.

"Tumalon ka na!"

"I love you too.." Mahinang sambit ni Cherry bago tuluyang umatras at nagpagkahulog sa mataas na building na kinatatrabahuhan niya.

Hindi nakagalaw si Luijin. Tulala siya habang nakatingin sa pinag-hulugan ni Cherry. Tumulo ang sunod sunod na luha sakaniyang mata.

Napasigaw siya sa sobrang galit at sakit na nararamdaman. Lahat ng sakit na naramdaman niya ngayon at nilabas niya gamit ang pagsigaw at pag iyak. Hindi niya inasahan na magagawa siyang iwan ni Cherry. Hindi niya inaasahan na tatalon talaga ito at magpapakamatay.

Namuo ang sakit at poot sakaniyang puso pagkatapos ng insidenteng 'yon.

•••

Ilang taon ang lumipas at nandoon parin ang sakit na naidulot ni Cherry kay Luijin. Alam narin ni Luijin na may sakit si Cherry kaya siya nagpakamatay ng ganun.

Nalinlang si Cherry dahil sa bulong ni Ryche sakaniyang isip. Ito ang nag-udyok kay Cherry para patayin ang sarili.

Parang mahabang bangungot ang dinanas ni Luijin sa mga nakaraang taon. Hindi niya makalimutan ang nangyari at lagi siyang nasasaktan sa t'wing maiisip niya 'yon.

Ngunit sa kabila ng lahat. Naisip ni Luijin na dapat hindi siya matulad kay Cherry. Hindi niya hahayaan na balutin siya ng kalungkutan. Oo, nandoon parin ang sakit sakaniyang puso. Pero gagawin niya ang lahat para maging maayos siya. Kahit mahirap at masakit, kakayanin niyang maging maayos at kalimutan ang lahat. Kalimutan ang lahat ng nangyari ngunit hindi ang pagmamahal niya kay Cherry.

•••

Lumipas ang ilang linggo at naisipan ni Luijin na mag-mall. At kasama niya ang kaniyang kapatid na si Loiza.

"Kuya, are you really okay?" May halong pangamba sa boses ng kaniyang kapatid.

Tipid na ngumiti si Luijin, "I'm okay. Atsaka, matagal na ang insidenteng 'yon. Hindi ko 'yon makalimutan pero pilit ko ng tinatanggap."

"Sayang kuya."

"Why?"

"Eh kasi hindi mo man lang pinakilala sakin 'yong Cherry na 'yon." Nakangusong sambit ng kaniyang kapatid.

"Eh kasi nag-aaral ka nun sa canada."

Napanguso pa lalo ang kaniyang kapatid, "Kayanga. Pero pwede mo naman siyang ipakilala sakin through internet."

"Gusto ko sana personal eh."

"Hays. Kalimutan na nga lang natin 'yon kuya." Sambit ng kapatid niya at humigop ng cokefloat. "Teka, may picture ka ba niya? Patingin ako!"

Kunuha ni Luijin ang kaniyang cellphone at pumindot, "Ito siya. Ang ganda niya diba?"

Mabilis kinuha ni Loiza ang kaniyang cellphone, "Oo nga kuya. Maganda siya pero sayang kasi mabilis niya agad tinapos ang buhay niya."

Hindi nakasagot si Luijin.

Nag-swipe si Loiza sa photos ng kapatid at aksidente niyang nakita ang isang larawan. Isang babae at si Luijin. Parehas silang nasa larawan at nakangiti.

"Eh ito? Sino naman 'to?"

Natigilan si Luijin sa nakita ng kapatid sakaniyang cellphone. Mabilis niyang inagaw sa kapatid ang cellphone.

"S-Si Ryche. Kaibigan ko noon. N-Nagpakamatay rin nung araw ng kasal namin ni Cherry." Malungkot na sambit ni Luijin.

Hindi nakaimik si Loiza at napalunok, "Sorry kuya. Ang hirap pala ng dinanas mo noon."

Pilit na ngumiti si Luijin at ginulo ang buhok ng kapatid, "Nalampasan ko naman kahit masakit."

Napangiti nalang rin ang kaniyang kapatid sakaniya, "Proud ako sayo, Kuya."

Kumain nalang sila hanggang sa nagpaalam si Luijin na may bibilhin lang. Nagpaalam narin si Loiza dahil papasok pa siya sa school para magbigay ng projects.

Habang umiinom ng cokefloat si Luijin ay nilibot niya ang mall.

Napahinto siya ng makita ang isang pamilyar na babae sa di kalayuan. Kilalang kilala niya ito.

Lumakas ang tibok ng puso niya habang nakatingin sa babae. Si Ryche. Naka-black suit at lumilinga linga sa paligid.

"P-Paano nangyaring nakikita ko siya ngayon? Totoo ba 'to? B-Buhay siya? Patay na siya diba?" Bulong ni Luijin sa sarili habang nakatingin kay Ryche.

Nung una ay nagtaka si Luijin kung paano nangyaring nakikita niya ngayon si Ryche.

"Paano nangyaring buhay siya at patay si Cherry?" Bulong ulit ni Luijin at biglang bumalot ang galit sa puso niya.

Sinundan niya si Ryche. Nang makalapit siya rito, sinadya niyang banggain ito upang mapunta sakaniya ang atensyon nito. Yun nga lang at natapunan ang damit nito ng hawak niyang cokefloat.

Nagkunwari si Luijin na hindi niya ito napansin pero napahinto siya ng sumigaw ito. At parang ibang Ryche ang sumigaw na 'yon.

"Hoy! Sandali lang!" Napaharap si Luijin sakaniya.

"Hindi ka ba magso-sorry?" Inosenteng tanong nito. Napalunok si Luijin at napatulala sa mukha niya.

'Hindi siya ganyan noon.'

Para siyang si.. "Cherry.."

Hindi makapaniwala si Luijin ng bigla niya 'yong masabi. Ibang iba kasi ang Ryche na kaharap niya ngayon.

At para siyang si.. Cherry. Dahil sa pananalita niya at sakaniyang galaw.

Namuo nanaman ang galit sa sistema ni Luijin. Akala niya natatanggap na niya ang nangyari noon pero hindi pa pala. Hindi niya matanggap na buhay si Ryche at si Cherry ay hindi. Namuo ang galit at poot sa puso niya. Tumimbang ang galit niya dahil ang alam niya, kaya namatay si Cherry dahil kay Ryche. Dahil kay Ryche kaya nag pakamatay si Cherry.

Hindi niya ito matanggap. Kaya doon niya sinimulan ang plano niyang maghiganti.

At dito natapos ang lahat at dito rin nag umpisa kung saan ko siya nakilala. Hindi ako ang totoong Cherry kundi si Sue. Tinawag niya akong Cherry dahil parang inakala niyang ako ito. Pinagmukha ni Luijin na ako si Cherry para maisagawa ang plano niyang saktan ako. Para maiganti niya si Sue laban sakin.

Hindi ako si Cherry Del Ocampo dahil ako si Ryche Del Ocampo. Ako ang kapatid ni Sue.

Hindi ako ang Cherry na minahal ni Luijin kundi si Sue. Si Sue ang totoong mahal ni Luijin at hindi ako.

Naiintindihan ko na ang lahat ngayon. Malinaw na sakin ang lahat.

Hindi ako minahal ni Luijin dahil nagpanggap lang siya para magtagumpay kaniyang planong maghiganti laban sakin.

Nagtagumpay siya.

Para akong pinatay ulit dahil sa sakit.

The Girl Grim Reaper (Completed)Where stories live. Discover now