Chapter 41 (Part 1) - The Hidden Past

Začít od začátku
                                    

•••

Nagulat si Luijin ng biglang sumulpot ang isa niyang kaibigang babae sakanilang bahay. Hindi ko rin maaninag ang itsura nito dahil blured pero mukha rin siyang maganda.

"Oh? Bakit ka naparito?" Tanong ni Luijin at nilapag ang kaniyang cellphone sa glass table kaharap lang niya. Mabilis na lumapit sakaniya ang kaniyang kaibigan at naupo ito sakaniyang tabi.

"Can we talk?"

Tumango si Luijin, "Oo naman. What is it? Is there any bothering you?"

Napayuko ang kaniyang kaibigan at napakutkot sakaniyang daliri.

"Hey? Tell me. What's the problem?"

"I think.. I'm inlove." Mahinang sambit ng kaniyang kaibigan habang hindi makatingin sakaniyang mata.

"Really?" Hindi makapaniwalang tanong ni Luijin. Inangat niya ang mukha ng kaniyang kaibigan upang patinginin sakaniya. "Sino 'yang maswerte na lalaking 'yan?"

Napalunok ang kaniyang kaibigan bago sumagot, "I-Ikaw."

Sandaling natahimik si Luijin at biglang natawa na parang wala sa sarili. "Stop joking. Seryoso kasi."

"Seryoso ako!" Sigaw ng kaniyang kaibigan at mukhang umiiyak na. "Dati pa kita gusto, Luijin. At ngayon mahal na kita!"

Napatulala si Luijin sa mukha ng kaniyang bestfriend. "N-No."

"B-Bakit?" Tuluyan ng napahikbi ang babae dahil sa kakaiyak.

"Hindi mo 'ko pwedeng magustuhan o mahalin. May iba na 'kong mahal." Sagot ni Luijin. Bumagsak ang dalawang balikat ng kaniyang kaibigan at tuloy tuloy na luha ang umagos sa mata nito.

"S-Sino?" Napipiyok na tanong ng babae. Hindi nakasagot si Luijin. Ilang sandali siyang napatulala sa ibang direksyon bago sumagot.

"I'm inlove with Cherry."

•••

"Luijin," Tawag ng babae kay Luijin.

"Bakit?"

"G-Gusto kang makausap ni Dad and Mom." Sagot ng babae na ikinatigil ni Luijin. "Sabi nila gusto nilang makilala kung sino ang manliligaw ko."

"T-Talaga? Gusto nila akong makilala?" Nauutal na tanong ni Luijin.

"Oo. Pupunta ka samin?"

"Syempre. Hindi ko dapat palagpasin 'yon. Gusto ko rin makilala ako ng parents mo." Nakangiting tugon ni Luijin sa babae. Napangiti nalang rin ang babae sa sinagot ni Luijin sakaniya.

•••

"Ready kana ba?" Tanong ng babae kay Luijin habang nasa harap sila ng pinto ng bahay ng babae.

Ngumiti si Luijin at inayos ang kaniyang suot, "Yes. I'm ready to face them."

"Okay. Let's get inside." Tumango nalang si Luijin at sabay silang pumasok sa loob ng bahay ng babae. "I'm home!"

"You're here." Sabi ng ina ng babae. Mabilis na lumapit si Luijin sa ina ng babae upang magmano. "Oh? Siya na ba 'yon?"

"Y-Yes, Mom. He's Luijin Delacroix." Sagot ng babae. Maya-maya'y biglang sumulpot ang matangkad na ama ng babae.

"Sino siya?" Tanong nito.

"D-Dad, he's Luijin Delacroix. My suitor." Nauutal na sambit ng babae habang kaharap ang ama. Mabilis na lumapit si Luijin dito at nagmano. Tumikhim lang ito at tinalikuran sila.

"Doon tayo sa dining area." Sabi ng ina ng babae at agad naman silang sumunod. Umupo si Luijin sa silya kaharap ang ama at ina ng babae. Hindi niya maiwasang kabahan habang kaharap ito. Umupo narin ang babae sa tabi ni Luijin at sumandok ng pagkain para sakaniya.

"Manang Cristy!" Tawag ng ina ng babae sakanilang maid.

"Pakitawag si Ryche." Natigilan si Luijin ng marinig ang pangalang iyon. Napatingin siya sa ina ng babaeng nililigawan niya at nagtaka sa pangalang binanggit nito.

Mabilis na umalis ang kanilang maid para sundin ang utos ng amo niya.

"Kain kana." Alok sakaniya ng babaeng katabi niya. Napatingin siya rito at nginitian ito dahil sa pag-alok.

"Thank you."

"So, Luijin." Biglang napaayos ng upo si Luijin ng marinig ang boses ng ama ng babae. Kinakabahan na talaga siya.

"Seryoso ka ba sa anak ko?" Tanong nito.

Napalunok si Luijin at tumango. "Yes, Sir. Seryoso po talaga ako—"

"Luijin?" Napatigil si Luijin sa pagsasalita ng biglang makarinig siya ng pamilyar na boses. Napalingon siya sa gilid niya at laking gulat niya ng makita ang kaniyang babaeng kaibigan. Si Ryche.

"Ryche?" Takang tanong ni Luijin.

Lumapit si Ryche malapit kay Luijin. "A-Anong ibig sabihin nito? Bakit kasama mo si ate Cherry?"

Nanlaki ang mata ni Luijin, "Magkapatid kayo ni Cherry?"

"Luijin.. anong problema?" Tanong ni Cherry na nasa tabi ni Luijin. Hinawakan ni Luijin ang kamay ni Cherry na nakapatong sa lamesa. Nakita naman 'yon ni Ryche at sakit ang bumalot sakaniyang mukha.

"So, ang cherry na tinutukoy mo ay ang ate ko? Ang ate ko ang mahal mo?" Mahinang tugon ni Ryche at biglang pumatak ang luha niya sakaniyang pisngi.

Kasabay ng pagpatak ng kaniyang luha, bigla nalamang naging malinaw ang kaniyang itsura sa aking isipan.

Hindi ako ang Cherry na tinutukoy ni Luijin.. dahil ang totoong ako ay si Ryche..

Binalingan ko ng tingin ang totoong Cherry at ganun nalang ang gulat ko ng makita kung sino ang totoong siya.  Malinaw na ang kaniyang itsura sa aking paningin at ang aking natuklasan ay..

Ang totoong Cherry ay si Sue.

At siya ang aking kapatid sa aking nakatagong nakaraan.

The Girl Grim Reaper (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat