Binaba ko ang dalawa kong kamay sa kanyang balikat upang sa gayon ay mapakalma ko siya. "Shhh...baby, breathe in, breathe out..." Dinemo ko sa kanya ang dapat niyang gawin, for a minute she's just staring at me while still crying. "C'mon you can do it. You just have to breathe in," huminga ako paloob. "Breathe out," huminga naman ako palabas. I hummed a relaxing song while she started doing it. Habang ginagawa niya yun ay umaliwalas na rin ang mukha niya. Habang nakatitig sa akin, at naghu-hum ako ay marahan kong pinalis ang luha niya. I am afraid I'd break her too if I touch her.

Nang masiguro kong okay na ulit siya ay sumandal din ako sa upuan sa tabi niya. "I thought this is short-lived." Pagtutukoy ko sa nararamdaman ko sa kanya na ngayon ay paniguradong wala siyang ideya. "Akala ko lang pala." Pagkumpirma ko sa nararamdaman ko. Umusod siya bahagya palayo sa akin. Kahit ganoon ay naintindihan ko siya. Maybe it's true that she's afraid of people, but I've seen her with Sir Brantley getting so used to his presence given the fact that he's a man. She really likes him, I concluded.

"It's hard for me to say to you not to mind them. On the second thought, I'm not wearing the shoes you're wearing now, I may understand what you are going through, but I'll never feel it the way you do." Bumuntong-hininga ako. Hindi siya gumalaw o nagbigay man lang ng kahit na anong mensahe. I am waiting for her to respond but I guess she won't, I'll just be contented on being with her today. "I wanted to be your friend. Pero hindi mo man lang ako in- accept sa Facebook." Pabiro kong sabi, I saw a ghost of smile on her face, for a reason I felt relieved.

"But not just on Facebook, I wanted to be a friend of yours in reality...just if...if you'll allow me," pagbabasakali ko sa mahinang tinig. She looks up to me and stared for a second. I did the same, I stared back at her. I wish I could see through her. I wish I could talk to her with just our eyes meeting.

The bell rings for the first subject. Tumayo na siya at pinagpagan ang kanyang palda. Humarap siya sa akin at humingang malalim, gamit ang kamay at mga daliri ay sa tingin ko'y nagsign language siya sa akin, subalit hindi ko iyon nakuha o naintindihan agad.

Napakamot ako sa ulo. "I'm sorry hindi ako marunong ng sign language..." Paos ang boses na hindi na makatingin sa kanya nang diretso. Nahihiya. She smiled a little, doon pa lang ay pakiramdam ko nang lumilipad ako sa langit. "Pwedeng pakiulit?" Nagsign language ulit siya, kahit hindi ko maintindihan ay sinubukan kong imemorize. Pagkatapos ay tinalikuran niya na ako at nauna nang lumabas.

Napangiti ako nang walang dahilan. Mukhang masisiyahan ako sa sign language niya kahit hindi ko pa alam ang ibigsabihin nito. Habang pabalik sa classroom ay paulit-ulit kong inaalala ang pagmuwestra ng mga kamay at daliri niya kanina. May ilang tumawag sa akin, subalit di ko na napaunlakan ng tingin. I'd lost the chance to know what she said if I'd talk to anyone right now.

Kahit si Jordan ay hindi maintindihan ang kinikilos ko. I am searching through my iPad about sign languages. Pinasak ko ang AirPods sa aking tainga. It's a good thing, I always sit at the back, hindi gaanong pansinin ng guro at mga kaklase, tho they'd always say I still get too much attention wherever I am. "Sana lahat kahit nakikita na ng teacher na hindi nakikinig ay hindi napapagalitan. Sana lahat matalino. Sana lahat isang Haniel DeAndre Villangco." Jordan keeps teasing me but I refuse to give him any of my attention.

Nauubos na ang oras ko subalit hindi ko pa rin makuha ang sinabi niya. I get a bondpaper and sketch what she had said through sign language. Si Jordan naman ay kyuryosong nakatitig sa pag-sketch ko. "Do you have hand fetish now?" Hindi ko pa rin siya pinansin. Nang matapos ko ang pagguhit ay nakahinga na ako nang maluwag. Natatakot ako na baka makalimutan ko sa isipan ko, might as well do a back up copy of it.

"Let's go?" Laglag pangang nakatitig sa akin si Jordan.

"Bro! What the fuck? Matapos mo akong hindi pansinin ganun na lang 'yun?" Pagdradrama nito. We're getting enough attention already and now he's fueling it.

Until You Say It [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora