Napasulyap ako sa kanya at isang masuyong ngiti ang isinalubong niya sa akin.

"Hindi ka raw napayagan na sumama sa beach party. Kaya ka nagmumukmok ngayon dito?"

I rolled my eyes at hindi ko siya pinansin. Ininom ko ang orange juice na ipinatimpla ko sa maid kanina saka ako muling tumingin sa kabilang side malayo sa kinaroroonan ni Ralf.

"Gusto mo ba talagang sumama sa party na iyon?" tanong niya.

Nagbaling ako ng tingin sa kanya at sa nakataas na kilay ay nagsalita ako.

"Kung sasabihin ko bang oo, may magagawa ka ba para payagan nila ako?" hamon ko sa kanya.

Ngumiti si Ralf at sa kauna-unahang pagkakataon ay napagtanto ko na hindi naman pala siya pangit katulad ng pilit kong isinisiksik sa utak ko.

"Kung papayag ka sa iaalok ko sayo ay baka matulungan kita." sabi niya.

"Really?" sarkastikong sagot ko sa kanya.

"Narinig ko na nag-uusap kanina sina Aurelia at Lyndon. Kung sasamahan daw kita ay papayagan ka nila."

Bumuka ang mga labi ko ngunit wala akong maapuhap na sasabihin. Nanatili lamang akong nakatingin kay Ralf at inaanalisa ko sa isip ko ang mga sinabi niya.

Papayagan ako ng parents ko na sumama sa party kung isasama ko si Ralf? Pero hindi pupwede iyon.

Kahit gustong-gusto ko na makapunta sa party na iyon ay hindi kami maaaring magsama ni Rafael nang matagal.

"H-hindi. Ayoko. Kung ikaw ang makakasama ko doon ay hindi na lang ako aattend." naguguluhang sagot ko sa kanya.

Tumayo na ako uoang iwanan si Ralf ngunit mabilis niyang nahawakan ang braso ko kasabay ng pagtayo rin niya.

"Hindi mo ba naiisip na ito na ang magandang pagkakataon natin para magkasundo tayong dalawa?" matigas na sabi niya.

"Kahit kailan ay hindi ko naisip na magkakasundo tayo Ralf."

"Bakit hindi muna natin subukan? Hindi ako bumalik sa lugar na ito para lang ipagpatuloy ang hindi magandang pakikitungo natin noon sa isa't isa."

Natawa ako saka ko binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.

"Ilang beses mo nang sinabi sa akin iyan mula pa nung araw na dumating ka dito. Pero sa bawat pag-uusap natin ay nauuwi pa rin tayo sa pagtatalo." sagot ko sa kanya.

Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa amin hanggang sa maisipan ko nang talikuran siya.

"Magkakasundo tayo kung bibigyan mo lang ako ng pagkakataon na mapalapit sayo." sambit niya kaya napahinto ako sa paghakbang.

"Kung masama ang loob mo sa akin dahil pakiramdam mo inaagaw ko lahat ng meron ka. Patawarin mo ako. Pero sana tigilan na natin ang malamig na pakikitungo natin sa isa't isa."

Nanatili ako na nakatayo ngunit hindi ko siya tinangka na lingunin man lang.

"Please, Ivan! Gusto ko na sa pagkakataong ito ay maging maayos na ang pakikitungo natin sa isa't isa."

Hindi ko siya sinagot. Nagpatuloy na ako sa paghakbang.

"Pag-isipan mo ang offer ko sayo." pahabol pa niya ngunit hindi ko na siya hinintuan pa. Dumiretso na ako sa loob ng villa.

Nasa ikaapat na baitang na ako ng hagdan nang bigla ay natisod ako dahilan upang mapasigaw ako pabagsak sa sahig.

"Ivan!" narinig kong sigaw ni Ralf sa pangalan ko kasabay ng mabilis na pagtakbo niya palapit sa akin.

Beloved Bastard (Completed) Where stories live. Discover now