Chapter 43 - Desisyon

104 4 1
                                    

**********Paolo's POV**********

"Paolo gising ka na? Breakfast is ready.. sabay na tayong mag-almusal" boses iyon ni Dad. Iyon ang gumising sa akin ngayong umaga. Bigla naman akong napangiti sa narinig ko. Iyon kasi yung unang beses na kumatok si Dad sa pintuan ng kwarto ko at niyaya akong kumain ng almusal. Medyo naninibago ako and at the same time natutuwa kasi okay na talaga kami.

Kumatok ulit si Dad sa pintuan ng kwarto ko. "Paolo?" pagtawag niya ulit sa akin.

Bumangon ako sa kama at pagkatapos ay naglakad papunta sa pintuan. Binuksan ko yung pinto. Pagkabukas ko ay nakita ko si Dad na nakatingin sa akin. "Nagising ba kita? Nakahanda na kasi yung almusal.. tatanungin ko lang sana kung gusto mong sumabay sa akin kumain?" tanong ni Dad sa akin.

"Oo naman po.. sige po susunod na lang po ako sa baba.. maghihilamos lang po ako" nakangiti kong sagot sa kaniya.

"Sige aantayin na lang kita sa baba" sabi ni Dad at pagkatapos ay umalis na.

Bumalik ako sa loob ng kwarto ko, dumiretso ako sa banyo para maghilamos at magsipilyo. Pagkatapos kong magsipilyo at maghilamos ay inayos ko naman yung kama ko. Nagmadali na ako sa pag-aayos ng kama ko, baka kasi ubos na yung kinakain ni Dad hindi pa ako nakakababa.

Nung tapos na akong ayusin ang lahat, naglakad na ako palabas ng kwarto ko. Hawak ko na yung door knob para buksan yung pinto, pero napigilan ako nung marinig kong tumunog yung cellphone ko.. may nag-text sa akin.

Bumalik ulit ako sa loob at kinuha yung cellphone ko. Pagkakuha ko sa cellphone ko ay tinignan ko kung sino yung nagtext sa akin.

From: Wacky

Paolo nakalabas na si Sam ng ospital, nandito na siya ngayon sa bahay. 'Wag ka ng mag-alala kasi okay lang siya. 'Wag mo muna din daw siyang puntahan kasi ayaw ka muna daw niyang makita. Sorry Pao ha, pinasabi niya lang.

Nung nabasa ko yung text ni Wacky, bigla akong nakaramdam ng sakit. Parang may sumapak sa magkabilang pisngi ko. Yung sapak na mas masakit pa sa sampal at suntok sa akin ni Sam doon sa ospital. Hindi ko na siya maintindihan. Nasasaktan na din ako at nahihirapan. Minsan nga naiisip ko na din na sumuko na lang.. pero sabi ko sa sarili ko pagsubok lang 'to at malalapasan din namin ito.

Dahil sa nabasa ko, malungkot akong bumaba sa Dining Room. Tahimik din akong pumasok sa loob ng Dining Room namin. Pagkapasok ko, nakita ko kaagad si Dad na nakaupo, nagbabasa ng dyaryo habang umiinom ng kape. Napatingin siya sa akin at pagkatapos ay niyaya akong kumain ng breakfast. "Nandiyan ka na pala.. halika ka na at kumain ka na." pagyaya sa akin ni Dad.

"Sige po." sabi ko habang isinasara yung pintuan. Naglakad ako papunta sa Dining Table at pagkatapos ay umupo malapit sa kinauupuan ni Dad. "Good morning po." matamlay kong binati si Dad pagkaupo ko.

"Bakit parang malungkot ka? Mukha namang maganda ang gising mo kanina." sabi ni Dad sa akin.

"Wala po.. kain na lang po tayo" sabi ko sa kaniya.

Humigop muna si Dad ng kape bago siya nagsalita ulit. "Alam kong may gumugulo sa isip mo.. pwede mo naman i-kuwento sa akin.. makikinig ako." sabi niya sa akin habang nagsasalin ako ng fried rice sa pinggan ko.

Sa totoo lang, medyo nahihiya akong magkwento kay Dad. Alam mo 'yung pakiramdam na hindi naman kami nag-uusap dati tapos isang araw bigla niya akong kinausap.. parang ang awkward. Besides ito yung unang beses kong magkukuwento kay Dad.. unang beses na nga tapos yung problema ko pa kay Sam yung ikukwento ko sa kaniya.

Biruin Mo Nainlove Ako Sa'yo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon