Chapter 22 - Exclusively Dating

424 13 2
                                    

**********Samantha's POV*********

Kanina pa tapos ang second subject namin at kanina pa din namin hinihintay yung susunod namin na teacher, sabi ng ibang section eh wala daw si Mam kaya eto parang may party sa classroom namin.  Dahil walang magawa, nagyaya sila Max at Cathy na pumunta sa canteen at kumain, sumama din sa amin sila Angel at Paolo.

Habang naglalakad papunta ng canteen ay nagulat kami ng may biglang sumigaw...

"Patots.." sigaw nang isang babae

Napalingon kaming lahat dun sa babae na sumigaw, hindi siya student dito sa school, hindi kasi siya naka-uniform eh. Sino kaya yung tinawag nya na Patots? Isa ba sa amin yung tinawag niya? Sa amin kasi siya nakatingin eh. Maya-maya at nakita na namin na tumatakbo yung babae na papalapit sa amin.

"Patotss..." nakangiti na pagtawag nung babae, sino kaya tinatawag nito?

Nung makalapit sa amin ay nagulat ako ng bigla niya akong natulak at kumapit sa braso ni Paolo.

"Patots.." pagtawag niya habang nakatingin kay Paolo, sino kaya itong babae na 'to?

"Oh.. Nika.." sabi ni Paolo

"Kamusta.. long time no see ah!!" sabi ung babae

"Ah.. oo nga eh.. Ok lang ako, ikaw?.." tanong ni Paolo habang tinatanggal yung pagkakakapit nung babae sa kanya

"Ito.. maganda parin.. guess what?!" sabi nung babae

"Oh ano?" tanong naman ni Paolo

"Dito na ako mag-aaral next school year" masayang sabi nung babae

"Oo nga.. Nabasa ko nga kagabi sa message mo.." sabi ni Paolo habang tinatanggal parin yung pagkaka-kapit nung babae sa kanya at habang nakatingin sa akin

Nagulat ako ng bumulong sa akin si Angel..

"Wala namang kisame dito ah.. Saan galing yang butiki na yan?.. Ang tindi kumapit ah" bulong ni Angel

"Baliw... ano ka ba?..  hindi butiki yan.." bulong ko din

"Eh ano pala?" tanong ni Angel

"TUKO!" bulong ko ulit, pagkatapos ay tahimik kaming tumatawa

Tuloy parin sa pag-uusap yung dalawa, halata din sa mukha ni Paolo na naiilang siya.

"Ahm.. excuse me.. Paolo.. baka gusto mo kami ipakilala sa kausap mo?" pang-iistorbo ni Angel sa dalawa

"Ay.. sorry.. oo nga pala.. ahm.. Anika.. mga kaibigan ko nga pala.. si Max and his girlfriend Cathy, si Angel at si Sam.. guys.. si Anika.. bestfriend ko nung elementary" pagpapakilala ni Paolo sa amin

"Hi.. I'm Anika San Juan.. Nice to meet you.." sabi ni Anika

"Nice to meet you too.." sagot ni Max na kakamayan dapat si Anika pero pinigilan ni Cathy

Maganda si Anika, mahaba ang buhok, matangos ang ilong, maputi at chinita, pero siyempre mas maganda parin ako sa kanya.

"Ahm.. Saan kayo pupunta Patots?..." tanong ni Anika

"Diyan lang sa canteen.." sabi ni Paolo

"Can I join you guys?.. nagugutom na din kasi ako eh.. kanina pa ako sa Admission Office" sai ni Anika

"Sure.." nakangiti kong sagot

Nagpunta na nga kami sa canteen at kumain, syempre habang kumakain ay nagkukwentuhan.

"Ahm.. Anika.. Bakit pala Patots yung tawag mo kay Paolo?.." tanong ni Angel

"Short for Paolong payatot.. Patots.." sagot ni Anika

Biruin Mo Nainlove Ako Sa'yo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon