Chapter 27 - After 2 Years and 6 Months...

334 8 1
                                    

**********Paolo's POV**********

Kararating ko lang dito sa school, in fact pababa pa lang kami ni Simon ng sasakyan. Pagbaba ko ng kotse ay nakita ko din si Sam at si Wacky na bumaba ng kotse nila kaya nilapitan ko si Sam.

"Gandang umaga..." masaya kong binati si Sam

"Hmm... mukhang good nga ang morning natin ah..." nakangiti namang sagot ni Sam

"Good talaga... nakita na kita eh.." masaya kong sagot

"Nambola ka na naman.." sagot ni Sam

"Hehehe... sabay na tayo.." natatawa kong sabi

"Tara.." pagpayag naman ni Sam

Habang nagalakad kami ni Sam papunta sa classroom namin, napansin ko na halos lahat ng estudyante sa paligid namin ay nakatingin sa amin habang nakangiti, maya-maya ay may nakasalubong kami ni Sam.

"Hi Paolo.. you're so sweet.. love mo talaga si Sam noh?.." nakangiting tanong nung babae pero umalis agad

"Ano yung sinasabi nun?.. May pinaplano ka ba?.." nagtatakang tanong ni Sam

"Wala... nagulat nga din ako eh.." sagot ko

Anong meron bakit nakatingin at nakangiti sa amin lahat ng nakakasalubong namin tapos sinabihan pako na sweet at mahal ko daw talaga si Sam. Anong nangyayari?

Tumuloy na lang kami ni Sam sa paglalakad at nginingitian yung mga nakakasalubong at nakangiti sa amin. Papasok na sana kami ng building ng Juniors ng sinalubong kami ni Angel.

"Godd morning Sam.. good morning Loverboy.." masayang bati ni Angel

"Loverboy?.. Ako?.." tanong ko sabay turo sa sarili ko

"May iba pa bang nanliligaw kay Sam?.." tanong ni Angel

"Wala.. teka nga... kanina pa ako nagtataka eh.. ang weird ng mga nangyayari.. ano bang meron?" tanong ko

"Oo nga... ang dami namin nakakasalubong tapos sinasabi nila ang sweet daw ni Paolo.. love daw talaga ako ni Paolo.. ang weird nga.." sabi ni Sam

"Sus... kinikilig lang yung mga yun.." sabi ni Angel

"Kinikilig?.. Saan naman?.." tanong ko

"Eh Paolo... kahit sino naman siguro.. kikiligin sa ginawa mo.." sabi ni Angel

"Ginawa ko?.. Anong ginawa ko?.." nagtataka kong tanong

"Yung blog mo..." sagot ni Angel

Pagkarinig ko nung salitang blog, nagulat ako tsaka kinabahan, paano nila nalaman yung tungkol sa blog ko? Eh ako lang yung nakakaalam nun.

"Blog?.. anong blog?.." tanong ni Sam

"Gumawa si Paolo ng blog tapos nilagay niya duon yung feelings niya for you.." sabi ni Angel

"Teka.. paano nyo nalaman yung tungkol sa blog ko?" tanong ko

"Kasi nagpunta kami nila Cathy sa Computer Lab, mag-internet sana kami.. ngayon nung pagbukas namin ng Internet Explorer, Mozilla Firefox at Google Chrome.. nagulat kami, kasi yung homepage ay yung blog mo.." sabi ni Angel

"Ano?.." napasigaw ako

"Huy.. kalma lang.." sabi ni Angel

"P..p..paano nangyari yun?.." tanong ko

"Aba ewan namin.. basta lahat ng browser, blog mo yung homepage.." sabi ni Angel

"Saang Computer Lab yan?.. Anong computer?.." tanong ko

Biruin Mo Nainlove Ako Sa'yo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon