Chapter 12 - Samantha's Birthday

602 15 4
                                    

**********Samantha's POV**********

Every birthday ko, nag-oorganize si Dad ng party para sa akin. Pero ngayon pinili kong makasama yung mga friends ko on my special day. Usually kasi kapag may Birthday Party ako, mas marami pa yung friends ni Dad kaysa sa friends ko, kaya hindi ko alam kung Birthday Party ko ba iyon or Victory Party ni Dad.

Pagbangon ko nung umaga, nakita ko ang isang pink na baloon na nakatali sa isang White na Teddy Bear. Napansin ko din na may nakasulat dun sa baloon. Tumayo ako at nilapitan ko yung baloon. Binasa ko din yung nakasulat kahit namumungas pa yung mga mata ko. 

Today is not my birthday but ngayong araw na ito binigyan nya ako ng isang regalo, regalo hindi matutumbasan ng pera at hindi ko kayang ipagpalit sa kahit na anong bagay and pinangalanan ko yung regalo na yun na "Samantha"

Alam kong kay Dad galing yung White Teddy Bear at pink na baloon na nasa kama ko. Pagkabasa ko nung message sa baloon, agad akong lumabas ng kwarto ko para puntahan si Dad. Pero pagkabukas ko ng pinto, may nakita ulit akong pink na baloon nanakatali din sa White Teddy Bear. Napansin ko na may message din yung baloon na yun, kaya nilapitan ko iyon at binasa.

This is the second balloon. I remember, 2 years old siya nung una niyang sinabi ang salitang PAPA. Almost two years akong naghintay para marinig yun mula sa bibig ng munti kong prinsesa. That time, I can't explain kung gaano ako kasaya. Nung oras din na yun, naramdaman ko na isa na talaga akong AMA.

Hindi lang iyon White Teddy Bear at baloon na nakita ko. Dahil marami pa akong nakita na same thing sa daanan papunta sa Dining Area. Pagkatapos kong basahin yung message, nilapitan ko yung kasunod na baloon, binasa ko ulit yung message na nakasulat doon.

Maganda, mabait, mapagmahal, matalino, kahit minsan may sumpong, that is how I describe my daughter. Pero minsan gusto kong tanungin ang Diyos. Ano ba ang nagawa ko, bakit niya ako binigyan ng anak na katulad ni Samantha.

Expected ko na may surprise si Dad for me. Palagi niya naman kasi akong sinosorpresa every birthday ko, pero hindi ko in-expect na ganitong surprise yung gagawin niya. Pagkatapos kong basahin yung message sa third baloon, nilapitan ko na yung susunod.

For me, Samantha is a perfect daughter. Ang nag-iisa kong anak na ipagmamalaki ko sa buong mundo.

Namumugto na yung mga luha ko sa mata ko. Si Dad talaga, hindi naman ako nakapaghanda sa mga message niya na ganito. After kong basahin yung message ng fourth baloon, nilapitan ko na yung susunod na baloon.

Fifth balloon. Naalala ko, five years old sya nung una syang nagka-award sa school, and bilang isang proud Daddy, I cancelled all my meetings para lang maisabit sa kanya ang kauna-unahang medal niya.

Hindi ko na na kinaya, tumulo na talaga yung luha ko. Pinunasan ko yung luha ko gamit ang kamay ko at pumunta na sa sa sixth baloon.

Sixth balloon. Isang gabi, pinuntahan ko siya sa kwarto nya at nakita ko siyang natutulog. Umupo ako sa tabi nya sa kama at tinitigan sya. Habang nakatitig sa kanya ay naisip ko, ano kayang mangyayari sa akin kapag nawala sa akin itong bata na ito?

This is the best surprise na ginawa ni Dad sa birthday ko. Kahit nakakaiyak. Lumapit ako sa seventh baloon at binasa ulit yung message na nakasulat dun.

Seventh balloon. Sa bawat ngiti niya, nagkakaroon ako ng dahilan para tiisin lahat ng pagod at hirap na nararadaman ko

Lalong tumulo yung luha ko nung nabasa ko iyon. Parang ayaw ko ng basahin yung iba pa, kasi baka umiyak na talaga ako. Pinuntahan ko na yung eighth baloon.

Biruin Mo Nainlove Ako Sa'yo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon