Chapter 21: Entrance Exam

Start from the beginning
                                    

"Sige na pumasok ka na. Marami ka pang tutulungan."

"If something bad happens, don't hesitate to call me." He turned his gaze to his son. "And you, son, take care of your mom."

"Aalagaan kita, Mommy."

"Aww, thank you, baby."

Matapos magpaalam ni Doctor Conzego ay tumakbo na ito papasok ng ospital. Tumulong siya sa pagpapasok ng ibang pasyenteng nakahiga sa stretcher. He was a living hero.













NASA playroom kami ngayon ni Tav-tav. Ito ang magsisilbi naming classroom. Nagkukulay siya ngayon gamit ang binili naming jumbo crayon. Tinuruan ko siyang magsulat ng pangalan niya kanina. Hindi naman siya mareklamo at willing matuto kaya hindi siya mahirap turuan. Pero tulad ng ibang bata madali rin siyang ma-distract. Kasabay sa pag-aaral ang laro, isang bagay na hindi naman maiiwasan sa ganoong edad.

"Thank you, Teacher-Mommy." The sweet little boy kissed my cheek.

Minsan ko ng pinangarap maging guro. Isang pangarap na hindi ko natupad dahil sa hirap ng buhay. Pero dahil kay Tav-tav, pakiramdam ko ay unti-unti ko ng natutupad iyon. Kinain namin ang baon niyang lunch na ako lang din naman ang gumawa.

"Nagustuhan mo ba?" tanong pagkakagat nito sa sandwich na ginagawa ko.

Tango lang ang naging sagot nito dahil hindi makaimik gawa ng bibig nitong puno ng pagkain. Kapag ganito ba naman ka-cute, kalambing, at kabait ang tuturuan ko, hindi ko mararamdaman ang pagod.











"DADDY! Daddy!" Salubong nito sa ama.

"Careful, son. Baka madapa ka."

Naupo si Treivhor sa sofa at kinalong ang anak na may hawak na lapis at papel.

"Look, Daddy, oh. I have stars." He showed his arm.

"Wow. Ang galing-galing naman ng anak ko."

"Daddy, look." Ipinakita ni Tav-tav ang papel na hawak.

"Who are these? Mind to introduce each of them?"

"This you, Doctor-Daddy." He pointed the tallest man with a stethoscope. "This is teacher-mommy." He pointed the woman wearing a pencil skirt. Natawa ako nang maalalang ganiyan ang suot ko kanina. "This is Ate Sofie and this is me, Tav-tav."

"Very good ang baby namin ah." Ginulo ni Treivhor ang buhok ng anak.

Nakakatuwa silang panuorin na mag-ama. Ngayon pa lang nakikita ko ng lalaki si Tav-tav na matalino at mabuting tao. Kapag tinitingnan ko siyang tumatawa ay para bang ayaw ko pa siyang lumaki. Gusto ko munang manatili siya sa ganiyan-- sa pagiging inosente dahil ayoko pang maranasan niya ang hirap ng buhay sa mundo. Hindi pa ako handa para roon. Ngunit batid kong tulad din ng iba, dadaanan din siya sa mga pagsubok habang lumalaki. Nandito naman kami ni Treivhor para gabayan at tulungan siya.

"Thank you for teaching my son.... Teacher-Mommy?"

Naupo ako sa tabi nila upang makisali sa usapan. Ibinibida ng bata ang mga ginawa namin kanina.

"Daddy, I know how to sing the alphabet too."

"Really?" hindi makapaniwalang tanong ni Treivhor.

Kahit naman ako ay ganiyan din ang naging reaksyon kanina noong kinanta iyon ni Tav-tav habang nagkukulay, kahit hindi ko pa naman iyon tinuro sa kaniya. Ang sabi niya lang ay naririnig niya iyong pinapanuod ng ate niya sa iPad nito. Madali siyang matuto at kahit bata pa lang ay makikitaan mo na ng potensyal. Maswerte ang makakatabi nito sa klase.

Wanted Housewife (Conzego Series 1✓)Where stories live. Discover now