"Pero kahit naging ganito ako, bayaran at kaladkaring babae na naging bihasa na sa amoy ng laway ng iba't ibang lalaki"

Humalik ako sa pisngi ni Nash

"Isa lang ang kaya ko sayong ipagmalaki" pagtutuloy ko ng linya

Napatigil ako ng konti. Ang sunod ko kaseng dapat gawin e halikan sa labi si Nash. Dikit lang kaso di ko pa magawa. Sa totoo lang kung wala akong iniisip mabilis lang to kaso panay flash ng muka ni Donato sa isip ko.

Huminga ko ng malalim kunyare kasama sa napagusapan. Tinakpan ko yung labi ni Nash gamit yung hinlalaki ng daliri ko saka ko umanggulo ng kunyaring halik. Sa pagtakip ko sa mata ni Nash gamit ang palad ko, itinuloy ko ang linya.

"Ikaw lang ang bukod tanging hinalikan ko sa labi. Ang una at ang huli. Tuwang tuwa ako dahil hinanap moko at nandito ka. Pero Ernesto sa sobrang dumi ko, hindi nako nararapat
sayo. Totoo, yung pangako mo na pagdating ng panahon ihaharap moko sa altar at magpa-pakasal tayo.

Pinangarap ko yon, pinanghawakan. Kaya lang namanhid nako, di ko na
nakikita ang sarili ko sayo.

At ngayon hindi ka na magbabalik, regalo ng langit ang ika'y makilala. Tawagin man niya akong madamot, manhid naman nako sa panghuhusga. Ito ang sagot ko sa sumpaan nating
dalawa. Salamat sa alaala. Nagmamahal, Magda." Ayun poetry style yung atake ng bawat linya.

Iba iba yung reaksyon ng mga manonood. Yung iba tulala, yung iba naiiyak, yung iba pumapalakpak lang.

Nang magdilim sa entablado. Narinig namin yung masigabong palakpakan. After non curtain call.

Nagpasalamat ang cast sa mga nanood. Pagkatapos noon nag uwian din naman ang lahat. Pagdating ko sa green room. Sinalubong ako ng mga bulaklak galing sa iba't- ibang tao. Ni hindi ko na nga nabati lahat.

Alas kwatro y medya na rin noong natapos. Pauwi na ko pero di ako nakatakas sa tingin ni Donato. Kagaya ng dati nakita ko siya sa pintuan. Para siyang kapreng nakatayo at nakapamulsa. Humugot ako ng malalim na hininga saka ko siya sinalubong ng may ngiti.

"Don Donny"

"Congrats"

"Thank you"

Pagkatapos ng 1 word game namin tahimik kaming naglakad papuntang parking lot.

"Sabay ba tayong uuwi?" Tanong ko.

"Oo naman"

"Kala ko ihahatid mo si Kisses. Magkasama kayo buong araw"

Hinintay ko kung may isasagot siya. Wala naman. Ibinigay niya lang sakin yung helmet. Gaya ng dati nagmotor kami pauwi yun nga lang walang imikan. Nakahawak lang din ako sa buntot ng motor. Sabi ko susubukan kong umarte ng normal kaso lintik kaseng hormones to.

Pagdating sa tapat ng bahay namin akala ko maghihiwalay kami ng wala talagang interaction. Magsasalita sana ko kaso nauna siya.

"Shar baka nga tama ka. Baka dapat dumistansya muna tayo sa isa't- isa"

Ano nga bang isasagot ko?

Dahil ako si Sharlene San Pedro at ayoko ng corny tumango lang ako saka pumasok. Galing diba? Sige Shar panindigan mo yan.

Sabi nga nila tulak ng bibik kabig ng dibdib although technically hindi ako nagsalita at tumango lang ako, mabilis din akong nagsisi.

Mabilis akong tumakbo para silipin siya sa bintana. Kaso mo, ayon, sarado. Hayaan mo siya Shar. Pabayaan mo muna.

Napatingin ako sa picture naming dalawa na nakaprint sa mug.

"Para tayong tanga."

Leche yung mga onion ninjas. Naiiyak ako. Bwisit ka Donato. Pinaiiyak mo ko.
First time kong mainlove ganito pa.

Paano Aaminin?Where stories live. Discover now