January 1st

608 21 2
                                    

Sharlene

Kung magiging libro ang buhay nating  lahat, pustahan napakaraming characters. Mga extra at lead. Siyempre meron ding supporting lead na pag iisipan mo kung mananatili ba o hindi.

Sa kaso naming dalawa, masyadong maraming naging extra at supporting characters na hindi naman yata nabigyan ng magandang back story o baka hindi lang namin nabigyan dahil simulat sapul alam namin kung anong gusto namin. Ang isa't -isa. Sadyang in denial lang pero ganoon naman talaga ang buhay. We only focus on people who matters.

Tahimik kami ni Donny. Gusto niyang magpa umaga dito. Saglit kong ipinikit yung mata ko.

"Pagmulat ko ba ng mata may mag iiba? Gigising ba ko tapos marirealise ko na ambilis ng lahat at panaginip lang to?"

"Kung panaginip lang to edi ok. At least alam natin kung anong sagot. Para lang tayong naglaro tapos nag cheat from level 1 nakarating ng level 30"

Nakinig ako sa banayad niyang paghinga.

"I know what's up with Ricci. Una pa sa'yo"

"Paano mo nalaman?"

"I did a research. I am desperate. Gusto kong malaman yung weakness ng opponent ko"

"And you never told me"

"Because it is not my place to meddle"

"Sabagay" pumihit ako ng kaunti saka ginawang unan yung braso ko.

"I'm sorry"

"Don't be sorry. Somehow alam kong may mali. Hindi ko lang mapoint out kase...I want to believe I have the best and it is perfect. Isa pa natatakot akong aminin sa sarili kong wala naman talaga kong nararamdaman para sa kanya. I just played it safe. 

"Paano mo nga ba siya nagustuhan?" Donny asked me with so much curiousity.

"Because he reminds me of you and everything you are not. The image I wanted you to be." Nakita ko kung paano magningning yung mata ni Dons habang nakatingin sa akin.

"I'm sorry" sincere yung pagsosorry niya.

" It's partly my fault. Siguro din kase lahat ng babae naghahangad ng lalaking ipaprioritise sila. Yung klase ng lalaking palaging mananatili sa tabi nila and will be there whenever they need somebody to lean on"

"Back then I can't pero from now on I will be that person for you" Ngumiti siya. Mga kapatid, This. Yan. Yan yang lintik na ngiti na yan ang dahilan kung bakit ako palaging nahuhulog sa kanya. 

" Pang model talaga ng toothpaste yang ngiping mo no? Ang kapal lang ng labi mo e" Pinigil kong tumawa nung conscious niyang hinawakan yung labi niya. 

"Ang sama mo paring mang asar no? " 

"Bakit? Nakalimutan mo na bang favourite hobby kong buskahin ka?" Kinikilig naman siya. 

"With this position I can't help but to remember noong unang beses na hinalikan kita" 

"Oo lakas trip ka"  Nang smack siya ng labi. "Donny..." 

Inulit pa ng kumag. "Isa pa" Humalik ulit siya. "Again" bulong niya. 

"Kung inaakala mong madadaan mo ko diyan sa halik - halik mo..." 

Kinabig ko si Donny sa leeg saka siniil. Nanlaki din yung mata niya noong una. Nabigla yata sa pagiging aggressive ko but later on he respond. Hinila niya ko para umibabaw sa kanya. Medyo tumitindi na yung halikan namin noong sabay kaming nagback out. He shut his eyes, idinantay ko naman ang noo ko sa noo niya. Dinilaan niya yung labi niya. Ako din napa basa ng labi ko. 

"Shar alam ko muka akong artista..." hingal niyang sabi.  "Pero wala kong balak maging artista sa porn hub. Nasa public tayo. Wala pa tayong mga pader dito" Naramdaman kong nanlaki yung butas ng ilong ko. 

Kapwa kaming parang mga gorilyang tumawa. He pulled me into a tight embrace anyway. 

"Thank you for giving me a second chance. I know I don't deserve this pero salamat. Maraming maraming salamat." 

I hugged him too. Para kaming mga ogag under the stars.  

"Donny,marry me" walang kagatol gatol kong sabi. Naramdaman kong napakislot siya. Hinawakan niya pa ko sa balikat. Napaupo tuloy ako siya rin naman. 

"Seryoso ka? hindi ka ba nabibigla lang?" Tumango ako. 

"YES!" Para siyang half giraffe half kangaroo na nagtatatalon sa tuwa. " Shit ang gwapo ko nga! Sharlene San Pedro pag nagpropose sa kin!" 

"Hoy umayos ka nga!" 

"Wohoo happy new year!" Napatili ako noong bigla niya kong hilahin at buhatin. Walang effort si Donny noong paikut ikutin niya ko sa ere. Para lang akong paslit na hinawakan niya sa baywang. 

"I love you so much Sharlene San Pedro!" He pulled me into a tighter hug. "Shit naiiyak ako." 

Hindi ko rin tuloy maiwasang maiyak. 

"Wala ng bawian ha. Akin ka na habang buhay"

"Habang buhay" pagko confirm ko. 

" Happy New Year talaga sakin"

"Para sayo lang? hindi para sa akin?" tanong ko. 

"Sa atin pala" nangisi ako. 

There you go. Kahit roller coaster ride na parang tanga yung love story namin, sa huli kami pa rin yung para sa isa't- isa. Pagkatapos ng lahat ng hanash at katangahan namin sa buhay we made it. 


Paano Aaminin?Where stories live. Discover now