Back to square one

681 25 19
                                    

This chapter is dedicated to Serfane and Gwendalicious

oOo

Alas tres ng hapon nang tumawag si Ricci. Kakatapos ko lang maligo. Mga fourty minutes daw andito na siya kaya nag ayos na ko.

Light make up lang. Sinasanay ko na talagang bare minimum. Nakakatanda kase ng balat ang makeup. Pumili ako ng bestidang pula saka ko tinernuhan ng pulang stiletto. Tinuyo ko ng blower tong buhok ko at nang makuntento ko sa ayos ko, prente akong umupo sa salas.

Nagbrowse ako ng balita sa google feeds ko. Miss Universe, SEA games, mga bagoong batas na naipasa without asking the opinion of the citizens. Hay Pilipinas.

I checked the new releases of games. Ilang taon na rin mula noong makapaglaro ulit ako, Subconsciously tumigil ako dahil kapag naglalaro ako ng video games, rpg at same genre naaalala ko si Donny.

Speaking of the devil, nagmessage siya sa akin kung pwede daw bang maghapunan kami ng sabay para makapagkamustahan. Hindi ako nagreply.

May nauna akong appointment. Isa pa as much as possible gusto kong umiwas na dahil may kasintahan na ko. Ayokong gumawa ng kahit anong makakasakit kay Ricci. Hindi na si Donny ang priority ko, si Ricci na.

Hindi ko gusto yung naging automatic na reaksyon ng puso ko sa presensya ni Donato. Tama na yung ilang taon kong paghihintay. Hindi naman na ko yung batang Sharlene na ibababa lahat ng importeng ginagawa matugunan lang yung gusto ni Donato.

Hindi yata nakatiis si kolokoy kaya tumawag. Huminga ko ng malalim saka sinagot.

"Yes Donny"

"Why aren't you responding to my message?"

"Because I have an appointment and I cannot cancel it."

"You were never like this before"

"Dati yon. Kung may gusto ka pang sabihin ipagpabukas mo na. I can't entertain your queries today" saka ko siya inunahang ibaba yung linya.

Saktong sakto naman nang kumatok si Ricci. Pinagbuksan ko siya ng pinto. As always, he greeted me with that dashing smile.

"Hey ma'am. You ready?" Natawa ko.

"Ano ba yan bakit nakataas yang kwelyo mo? Sino ka si Elvis Presley?"

"Kaylangan ko ng pang malakasang dating para naman mapangiti ko yung prinsesa ko"

"Bolero" tinapik ko yung braso niya. Isinara ko yung pinto. Ikinawit niya yung braso niya sa braso ko saka ipinilig ang ulo sa bunbunan ko habang naglalakad.

"Makita lang kitang ngumiti, masaya na ko. Nakakawala talaga ng pagod ang ngiti mo"

"Ganoon ba? Wag kang mag alala, lagi akong ngingiti para sa iyo."

Simple lang ang dinner namin ni Ricci. Usually siya yung madalas magkwento samantalang ako tagapakinig niya. Super animated siya palagi kung magdescribe ng mga pangyayari. Kaya naman aliw na aliw ako at kahit kailan hindi ako nabored. Ricci is one in a million. Yung tipong sobrang swerte mo na kapag natagpuan mo and I am glad I met him.

All these years nakita ko kung paano siya nagtyaga. At hanggang ngayon kung gaano siya magpahalaga.

Kung iniisip niyong may nangyari na sa amin dahil nga modern na tayo at lahat liberated na e nagkakamali kayo.

Lalaki si Ricci at alam kong may urges siya pero never ko siyang nakita o naramdamang umarte ng kakaiba.

Palagi siyang maingat pagdating sa akin . We do share kisses though but never naging torrid. Palaging forehead kisses o kaya gentle kisses sa labi ang ginagawad niya. Kinakantyawan na nga kami ng lahat ng kasal. Kaso for some reason, hindi naman ako nakakatanggap ng proposal. Ayoko ding madaliin.

Paano Aaminin?Where stories live. Discover now