Christmas Party Part 1

632 20 3
                                    

"...who shall measure the heat and violence of a poet's heart when caught and tangled in a woman's body?"

Basa ni Donny sa framed quotation sa desk ko. Napataas ako ng tingin habang prente siyang nakapamulsa at nakangiti.

"Until now you still love Virginia Woolf"

Tumango lang ako. "Anong atin boss?" Saka ko ibinalik yung atensyon ko sa ipinafile ko.

"Para namang taga kanto to" biro niya saka umupo sa harap ko.

"E busy kase ako sa pag pafile ng annual leave ng mga otaw Donny kaya dali na anong kailangan mo?"

"Sungit" nagulat ako ng bigla siyang bumali at itinapat sa akin yung ulo niya "Dali hawakan mo buhok ko"

Itinulak ko yung ulo niya papalayo. Buti nalang kaming dalawa lang andito kundi siguradong machichismis ako. "Anong gagawin ko sa buhok mo?"

"Pinapayagan kitang hawakan yung buhok ko pantanggal stress"

"Lalo akong naiistress Donato" may pagbabanta sa tono ko. Ngumisi naman siya. Ngayon ko lang napansin. May suot pala siyang sumbrero ni Santa Claus

"Sige na nga hindi na. Hindi ko kaya pinapahawak to kahit kanino.

"Malas mo hindi ako interesado" ibinalik ko yung ngisi sa kanya. Sinugurado kong mas nakakaloko yung sa akin.

Akala ko sasagot siya pero hindi. Isang malupet na pagpihit sa ilong ko ang nangyari. "Aray Donato!" Mala Squidward ang naging boses ko.

Naglabas siya ng dila at saka parang batang nagtatatakbo.

Naghahanda na lahat para sa Christmas party mamaya. This year ang naatasang mag ayos ng event ay yung mga taga Marketing Department dahil sobrang pormal saka supistikado daw noong nakaraan. Hindi naman sa pinipintasan namin yung Accounts and Finance Department pero parang ganoon na nga.

In 2 hours bababa daw kami sa function hall. Doon na nakaayos ang lahat.

Pagkafile na pagkafile ko ng last part, nag inat ako. Wala parin sila Xia at Sera. Sabagay kasalanan ko naman. Noong nanghingi samin ng tulong yung organiser's ng event this year sabi ko kuhanin na nila yung dalawa pero partly naman para makalabas labas. Lagi kase kaming kulong dito sa loob. Kaya ko naman magfile mag isa.

Naglakad ako sa hallway at saka kumuha ng canned green tea sa vending machine. Tinignan ko yung messenger ko. Wala pa ring message galing kay Ricci. Siguro sobrang busy.

Gwen saw me. Kagaya ng dati ever so poised siyang lumapit sa akin. Una kong napansin yung sapatos niya. "Legit bang Christian Loubutin yan?" Tanong ko. Ang mahal kaya non.

"Ay kaya favourite kita Shar e. Iminodel ko na to sa buong department wala pa ring nakapansin"

"E kase naman fashionista ka kaya akala nila normal lang. Kelan mo binili"

"A week ago. Alam mo naman ang 13th month pay. Kung ang iba nagpa straight ako bumili ng shoes. A good shoes will take you to good places."

Napangiti ako "Classic ka talaga" ikinawit niya yung kamay niya sa braso ko saka kami tumungo ng elevator.

"Shar may past ba kayo ni boss?"

"Ha? Bakit mo naitanong?" Naging madaldal ba si Donny after 10 years?

"His cellphone wallpaper. I thought familiar kaya sinipat ko pa ng mabuti, Then I realise it is you" Hindi ako kumibo. Ngumiti lang ako. Ang nakakainis dito kay Gwen masyadong sharp.

Sakto bumukas na yung elevator. "Baka kamuka ko lang" yon na lang nasabi ko.

"Di rin girl. Jusko may crush ba sa iyo si boss?" Umiling ako. "Ay ewan ko" play safe Shar. "Single ka naman diba?"

Ah yes, nobody knows. Masyado kaming private ni Ricci. After kong sagutin si Ricci, naging private na lahat about sa amin. Noong una ayoko e pero ayaw niya daw na nagpopost ng relationship details sa social media. Ayaw niya daw kaseng pagpiyestahan ng ibang tao yung mga detalye sa buhay namin.Never din naman siyang nagpadala ng kahit ano sa office. Usually kung hihintayin niya ko, asa parking area lang siya. Dati nagtatampo ako. Ngayon hindi na. After all sobra namang magmahal yung tao.

Sasagot pa sana ko noong patakbong lumapit sa amin si Xia at bigla akong hinila.

"Teka teka naka platform shoes ako Xia"

"Sorry, sabi kase ni Sir Donny sasali lang siya sa Pepero game kapag andoon ka"

"Ha?!" Huli na nang naisipan kong magbackout. Asa loob na ko ng function room tapos lahat sila nakatingin sa akin.

"Ayan na pala si Shar. Ang babaeng pinagpala sa lahat" hiyaw ni Sera.Why would he ask something risky.

"Sir Donny keeps on saying he will be happy to just watch unless the head of HR join" paliwanag ni Xia.

"Hindi ba pwedeng mag no?"
Kinurot naman ni Xia tagiliran ko.

"May 2k for each of us yung price pag nanalo!"

"Di ko naman kailangan yon" depensa ko.

"Pero kailangan namin kaya you will join!" in a split second asa harap ko na si Donny. Para kong manika na hinaltak niya papunta sa stage with other 3 pairs. Sinadya nilang hindi magkakakilala yung mga participants.

"Hey, don't worry I got you" kumindat siya sabay subo ng pepero. Hindi naman yun yung inaalala ko e. Leche. Sa peripheral vision ko nakita ko kung paano kiligin yung mga officemates ko. Nag hihiyawan pa.

Sobrang tangkad ni Donny kaya noong pumito hudyat na start na yumukod siya ng onti. Yung competitive side ko naman sumindi dahil nakita ko kung gaano kabilis yung opponents  namin. Hindi ko na nga napansin na humawak na pala si Donny sa batok ko kaya muka kaming naghahalikan. Jusko ayaw niyang putulin. He is holding my neck still.

Noong halos maduling na ko dahil talagang lumalapat na yung labi niya sa akin kahit anong labas ng ngipin ko, pinutol ko na.

Inilapag namin sa table katabi ng ruler. Then we both realise medyo shock yung mga tao. Some are frozen in a position where they are taking pictures. Tapos ang hahaba pa ng natirang mga pepero sa ibang team while yung aa amin e 0.1 cm. Almost nothing.

Ang damuho dinilaan lang yung labi niya habang patuloy na nginunguya yung pepero sa bibig niya.

"We got a winner guys! Si Sir Donny saka si Ma'am Shar" naghiyawan sila.

"OMG hallelujah come to mama 2 tawsand peysos" exaggerated na pagkasabi ni Sera. Hayup ibinenta ko ng dalawa kong kasama sa office para sa 2k

"Hala sana ol may ganitong picture"
naulinigan ko. If ever, I hope nobody post that. Nag iinit na tenga ko. Punyemas as if on cue somebody showed me and Donny's picture. Lalo akong nangatog kase haklit niya yung batok ko tapos nakapilig yung ulo ko sa kabila. Puchat.

"Grabe sir, very Christian Grey ka naman pala humalik. May force" komento ng host.

Bumalik ako sa upuan ko ng may malambot na tuhod.

___________

Author's note

Wazzup mga magaganda kong kapatid. Holiday ngayon kaya busy si mamsh pero doncha worreh, Gagawan ko lagi ng paraan.

Kain tayong Konbu?

Paano Aaminin?Where stories live. Discover now