Lord, Bakit Hindi Ako Masaya?

117 3 0
                                    

Kailan ka nakakaranas ng kasiyahan? kapag nakuha mo ang ipinagdarasal mo? o kahit sa matinding problema ay patuloy na nakatindig ang pananampalataya mo.

Sa bawat panalangin na iniwika natin sa Diyos, ilan doon ang nasagot?

Sa bawat panalangin na iniluhod at iniyak mo sa Diyos, Kung ano pa ang binigyan mo ng maraming lakas ay iyon pa ang hindi natugon....Kaya nagresulta sa KALUNGKUTAN

Tatlo lang ang sagot ng Diyos sa bawat panalangin natin.

1.OO/SIGE
2.HINDI/HUWAG/BAWAL
3.MAGHINTAY KA

Nadarama mo lang ba sa puso mo ang labis na kasiyahan kapag "OO/SIGE" ang sagot ng Diyos sa panalangin mo

Pano kung "Hindi/Huwag/Bawal/" ang isinagot nya o di naman kaya ay ipinagpahihintay ka niya ng buwan, taon , o dekada? Naroon parin kaya ang pagbalot ng Kasiyahan saiyo o MASAYA KA LANG AT MAHAL MO LANG ANG DIYOS KAPAG ANG GUSTO MO AY NAKUHA MO.

at Kapag hindi nasunod ang gusto mo ang dami mong "Lord, Bakit?"

Karamihan sa nalulungkot ay ang mga kabataan kaya prone ang mga kabataan sa kapahamakan dahil kulang sa kaalaman at presensya ng Diyos, nararamdaman lang nila ang Presensya ng Diyos kapag Nakikita nila na puro positibo ang nangyayari sa buhay nila.

Hindi kabaliwan ang pagiging masaya sa lahat ng oras , yubg tipong namatayan kana ay masaya ka parin, hindi ka masaya dahil namatay ang taong iyon kundi NAPAKARAMING RASON AT DAHILAN ANG IBIBIGAY NG DIYOS SA BUHAY NATIN PARA MAGING MASAYA.

Ang Panibagong taon sa kabila ng pagkatalo at katagumpayan ay punan ng KASIYAHAN .

Sa buhay, Ang kalughkutan ay parte lamang, ngunit ang buon nasasakupan at nababalot ay Kasiyahan.

Lord, Bakit?Where stories live. Discover now