I'm an Ark

781 23 3
                                    

If you need someone's help to build an ark, I NOAH guy.

Napaka-popular na ng kwento kung paano inutos ng Diyos kay Noah na bumuo ng isang arko, isama lahat ng nabubuhay na hayop, at may ibinigay lamang na takdang mga araw upang mabuo ito. At alam naman natin na habang binubuo ito ay may mga hadlang o mga discouragement kay Noah upang magalinlangan siya sa ginagawa niya na utos ng Diyos.

Paano kung ikaw ang arko? Kailangan mo munang buuin ang sarili mo, sa pamamagitan ng tiyaga at pukpukang paggawa. Kung kailangan mo ng tulong, I know a guy, His name is Jesus. Nabuo na ang konstruksyon ng iyong anyo.

Pero isa pang sabi ng Diyos, isama mo lahat ng nabubuhay na hayop. Hindi ba't iyon ang salita Niya? Punan mo at isama mo sa paglalakbay mo.

Maraming hadlang kay Noah. Kumilos ang kaaway dahil gusto niyang masira ang faith ni Noah kay Lord. Sa pamamagitan ng pangungutya ng mga tao sa paligid niya.

Buo na ang arko ni Noah, nakasakay na ang mga hayop.

Buo na tayo ngunit sa paglalakbay natin, kahit napunan na tayo ng salita ng Diyos at hawak na natin ang mga pangako Niya ay may mga hadlang sa paligid o pagaalinlangan sa mga pangako niya at nasasabi natin sakanya na "Di ba Lord Mahal mo ko? Sinunod ko naman ang utos mo, Bakit ko kailangan maranasan ito? Lord, Bakit?"



Lord, Bakit?Where stories live. Discover now