ROOM 143:LOVE (ACT. FIVE)

6 3 0
                                    

CHAPTER  FIVE

INT. ROOM 143-DAY
Kagigising pa lamang ni Darcy ay hawak na kaagad nito ang cellphone at ka-text nito si Angel.

DARCY's TEXT MESSAGE
Anong ginagawa mo?

ANGEL's REPLY
Iniisip ka lalo na yung ginawa natin kagabi.

*kahit sa C.R. magkatext sina Darcy at Angel at habang kumakain nagkakamustahan silang dalawa.

ANGEL's TEXT MESSAGE
Nagluto ako gusto mo tikman?

DARCY's REPLY
Siguradong masarap yan.

ANGEL's TEXT MESSAGE
Gusto mo tikman?

DARCY's REPLY
Sige ba...pero may mas gusto akong tikman.

*kahit sa band rehearsal si Angel at Darcy ang magka-text.

DAVE
Hoy,kanina ka pa diyan...

DARCY
Sandali na lang 'to.

ANGEL's TEXT MESSAGE
Anong ginagawa mo?

DARCY's REPLY
Iniisip ka...

*matapos i-send 'to ay bumalik na ito sa pageensayo.

AFTER A HOURS:Gabi na at makikita si Darcy sa harap ng laptop at nang mapansing papalabas na mula sa C.R. si Derek ay mabilisan niya itong isinara.

DEREK
Kumain ka na?

DARCY
Ahmm,anong gusto mong kainin?

DEREK
May fried chicken at strawberry juice ako diyan binili ko kanina. Alam kong gusto mo yun...

DARCY
Aw? Parang kilala mo na ako...

DEREK
Hmmmm,connection.

*sabay ngiti nito.

DARCY
Ikaw?

DEREK
Ano sakin?

DARCY
Anong paborito mong pagkain?

DEREK
Hmmm,spaghetti pero yung walang giniling,strawberry juice,itlog pero yung sunny side-up lang...oh tapos fried chicken tapos may banana ketsup na sawsawan. Marshmallow,lollipop tapos maraming chocolates...
Haaaaaayyyyy...nakakagutom tuloy...

*habang tila iniimagine ni Derek ang bawat pagkain na kanyang binanggit.

DARCY
Parang puro pambatang pagkain yung narinig ko...

DEREK
Pakialam mo ba?

*kinuha nito ang pagkain at strawberry juice na binili para kay Darcy at binigay ito.

DARCY
Nakakain na ako...

*biglang tumamlay ang masayang si Derek ng marinig ito.

...pero kakainin ko yan mamaya kaya huwag mong kakainin yan.

*napangiti at muling napasigla ng mga sinabi ni Darcy si Derek.

NIGHT: Nakasandal habang nakaupo sa kama si Derek habang binabasa nito ang libro na nakita sa ilalim ng kama ni Darcy.

DEREK
Hmm...How to be gay:easy tutorial??

*napaisip ito at...binasa ang libro.

Haaaayyyy...ba't ko babasahin 'to??!!

ROOM 143 (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant