MDFA: Chapter Thirty-Two

Start from the beginning
                                    

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng may tatlong dalagita ang pumasok sa kwarto ko.

"Gosh, why are you still dress?" Maarteng sagot ng babaeng may blondeng buhok.

Nginitian ako ng Isang dalagita na may kulot na mahabang buhok.

"Ako na..." Sabi niya sa mga kasamahan niya. "Kuhain niyo na ang mga sabon. "

Lumabas ang dalawang dalagita at inaya ako ng natira sa palikuran.

"Ako nga pala si ayisha" malambing siyang ngumiti sa akin. Her voice really suits on her. Her voice are so soft  and charming. She look so innocent with her curly brown hair.

"Hubarin nyo po lahat ng saplot niyo" napaawang Ang bibig ko sa sinabi niya.

"W-what!?" I can't help to raise my voice.

"Sorry, but we will clean you. You need to be ready. Mamayang alas-nuebe ay gagawin na ang pagpili"

"Anong pagpili?" Sasagot na sana siya ng dumating ang mga kasamahan niya.

Hinubad ko muna lahat ng saplot ko maliban sa undergarments ko. Hindi ako sanay na may nakakakita ng katawan ko.

Nakalublub ako sa Isang tub na puno ng gatas at petals ng mga bulaklak. May rose, tulips, santan and many more.

It smell so sweet

May pinatak na oil ang babae sa kutis ko at siya na din ang nagmasahe nun. Samantalang masusing sinasabunan ni ayisha ang buhok ko.

Ilang oras na din ang lumipas at kasalukuyang tinatali ni ayisha ang laso ng berde kong bestida.

"Anong pagpili ayisha?" Tanong ko sa kaniya.

Inilaso niya muna ang pinakadulo ng damit ko at kumuha ng suklay.

"Dahil tatlo na lang kayo na natira ay mukhang mapapadali ang seremonya?" Lalo akong naguluhan.

"Pito kayo, diba? " Tumango ako.

"Sa inyong pito ay isa lang ang maaring pakasalan ng hari" sagot niya habang pinagpatuloy ang pagsuklay sa mahaba kong buhok.

"Ayisha! Bilisan mo na!" Sigaw ng dalagita

"Eto na! Malapit na" sagot ni ayisha.

Nilagyan niya na ng palamuti Ang gilid ng aking buhok malapit sa aking tenga saka ako tinignan mula sa repleksyon ng salamin.

"Mukhang alam ko na ang magiging resulta, Isang pagpupugay sa bagong magiging babae ng aming hari"

---

NAKATINGIN AKO mula sa bintana sa aking kwarto. Inaantay ko na lang na tawagin kami para papuntahin sa hari.

Hindi ko mapigilan na haplusin ang mahaba kong buhok. Natural ang pagiging bagsak at malaking kulot nito sa dulo. I was grown that my hair is my asset. Alaga ko ito dahil gusto na  maayos akong tignan. It has a natural brownish black color.

Ang dating kinaiingitan at pinagmamalaki kong buhok ay pinagsisihan ko na.

Wala dapat ako dito kung hindi ganito ang buhok ko. Chloris hair is not virgin anymore. Mahahalata mo ito dahil marami siyang dead hair. But, her flower make it alive. Kaya hindi mapapansin.

Nang dumating na ang mga taga-silbi ay isukbit nila sa amin ang manipis na itim na tela panabing sa aming mukha. Tanging mga mata lang namin ang nakikita.

Ilang minuto lang ang aming nilakad ng narating na namin ang trono ng hari. Hindi ko siya natignan dahil agad akong pinatalikod upang makita ang buhok ko.

Napiga ko ang sarili kong bestida ng naramdaman kong inamoy ng hari ang buhok ko.

"Mukhang nakapili na ako" gusto kong gamitin ang spell ko pero mukhang hindi ko kaya dahi sa nangangatlag kong kamay.

"Ang babaeng naka-bestidang berde"

Dalawang dalagita ang umiyak ng hindi ko alam ang dahilan. Basta na lang sila kinuha at inalis.

Dapat ay masaya sila dahil makakalaya na sila. Samantalang ako.

"Ihanda niyo siya. Bukas na bukas din ay magaganap na ang kasal"

---

HINDI KO ALAM kung anong oras na. Basta alam ko lang ay madaling araw na. Ako, Ako ang napili bilang ikapitong babae ng Hari.

Nasaan ka na Keith? Smoke? Mga Mahal na prinsipe? Ilang oras na lang ay matatali na ako sa matandang hari.

The guy with snowflakes pupil. I thought he will save me if anything went wrong?

Mahigpit kong naisubsub ang sarili kong mukha sa puting unan para pigilan ang mga luha na nagbabadyang pumatak.

Natigilan ako sa pagmumuni ng may marinig akong nag uusap. Tumayo ako at idinikit ang tenga ko sa pintuan.

"Isa itong kalapastangan Mahal na prinsipeBoses ba ng Hari iyon?

Alam kong nasa hindi sila kalayuan sa aking silid. Panibagong boses ang narinig ko.

"Nakikipag usap ako ng maayos sayo kanina, mahal na Hari" may diin ang pagkakasabi nito. Hindi ko mawari Kung Sino. Pero Pamilyar.

"Bakit ka andito?" Naguguluhan ang boses ng kaninang nagsalita.

"Hindi mo madadaan Ang Hari sa malumanay na usapan Keith" malamig na tugon ng Isa pang prinsipe.

"That lady has a something.." natutuwang komento ng Hari "Imagine? The two famous prince from  acadamy went here?" Naramdaman ko ang pagbigat ng presensiya sa labas.

"Siya ang aking magiging babae! Walang galang! "

Anong nangyayari?

"SA tingin mo ba ay hahayaan kita? Ilalabas ko siya dito sa ayaw at sa gusto mo?!" Kilala ko siya, Ang ikatlong prinsepe

Lumabas ako ng kwarto pero mukhang walang nakapansin sa akin. Si Keith ay nakadapa at duguan ang labi habang pilit pinakikiusapan ang hari samantalang mariin ang titigan ng hari at ni smoke.

"Sa oras na ihakbang mo ang mga paa mo, pupugtan ka ng ulo!" Alam kong hahakbang si smoke.

Kaya bago pa siya humakbang ay ginamit ko ang mahika ko para maputol ang buhok ko. Ramdam ko ang pagdudugo ng ilong ko at panghihina ng paningin ko.

"Sin!" Pilit akong humaharap sa ikatlong prinsipe at ngumiti. Sunod ay hinarap ko ang hari

"Now, my majesty. Tell me, am I still beautiful?"

Cruel Fate "Forbidden Power"Where stories live. Discover now