Chapter 4 The Big Brawl

Start from the beginning
                                    

BABE? Pag-untugin ko kaya kayong dalawa?

"Sige pare, una na kami ni Deo, may klase pa kami eh."

"Klase?" tanong ni Deo "Anong klase?"

Wala akong masagot kay Deo dahil kathang isip lang naman talaga iyon to get away from the two. Nagalakad kami ni Deo at iniwan yung dalawa. 

"Bye Portia, Dom!" sabi ni Deo.

"Bye"

"Ang ganda nung chics ni Dom noh?"

"Ano namang ikinaganda nun? Ordinaryong babae, flat chested, boring manamit!"

"Kanya-kanya naman tayo ng type eh. So ang type mong babae yung hindi katulad ni Portia. So next time na pumunta tayo sa beerhouse alam ko na ang type mong babae. Yung extra-ordinary, yung malaki ang boobs, at yung stylish."

"May balak ka pang bumalik dun?"

"Syempre naman!" nakangiting sabi ni Deo.

Unggoy talaga!

I spent the whole day being bored. Gusto kong pumunta sa library pero dahil kay Portia, hindi ko magawa. Gusto ko siyang ligawan pero dahil kay Dominic, hindi ko rin magawa. Gusto kong mag-aral at magbasa, pero mainit sa roundtable. Gusto kong kumain, pero wala kong pera. Marami akong gustong gawin, pero wala ako sa mood pati bulsa ko, wala sa mood.

Kaya heto ako, nakatunganga sa ilalim ng malaking puno kasama ang bestfriend kong kanina ko pa gustong patayin. Patayin ang bunganga sa kakadaldal tungkol kila M2M at kay Portia. Sa lahat ng pwedeng itopic, bakit si Portia pa.

At speaking of the devil....

"Hello!" bati sa amin ni Portia.

"Oh Portia! Musta?" bati naman ng kanyang number 1 fan na si Deo.

"Pwedeng maki-upo? Wala kasi akong matambayan eh. May klase pa si Dom."

"Sure!" sabi ni Deo.

"Bakit dito pa? Pwede ka naman sa library, dun ka na lang." sabi ko sa kanya.

"So, hindi ako pwede dito?"

"Hindi! Pwede ka dito. Nagbibiro lang yan si Conrad, ma-joke kasi yan." sabi ni Deo.

"Hindi yun joke! Hindi ka pwede dito! Wag kang magpakita sa akin, ayokong makita ang pagmumukha mo!" mataray kong nasambit.

"Ah, Con....." sabi ni Deo

"Anong problema mo sa akin?" tanong ni Portia.

"Ikaw mismo! Ikaw ang problema ko!"

"Bakit anong ginawa ko sayo na ikinakagalit mo?"

"You really wanna know?"

"Kaya ko nga tinanong di ba?"

"Alam mo bang ikaw ang may kasalanan kung bakit hindi ako pwede sa library at nagtitiis ako sa init dito? Ikaw din ang dahilan kung bakit may nakasalpak na tissue sa ilong ko kahapon!"

"That's it? Iyon lang ang ikinakagalit mo sa akin?"

Actually, may matinding rason pa pero hindi ko pwedeng sabihin. At siya rin pala ang dahilan kung bakit napanis ang balut na kinakain ko kagabi.

"Gusto mo isa-isahin ko? Alam mo ikaw, bakit hindi ka na lang nag-sorry?"

"Eh di sorry! Eh bakit kasi galit ka kaagad sakin pwede mo naman akong kausapin ng mahinahon."

"Sobrang galit na galit ako sayo alam mo ba yun. Kaya wag kang magpapakita sa akin. Kakasuka yang pagmumukha mo!"

"Hoy! Mr. butiking-walang-bituka, hindi na sana kita papatulan eh kaso sumosobra ka na! Dahil lang dun, sobra na ang galit mo sa akin! Sure ka bang normal ka? o may personality disorder ka? Kala mo naman kung sino kang gwapo?!"

Gwapo...may panlaban ako dyan.

"Well, according to survey, ako nga ang pinakagwapong lalaki dito sa campus. Ayaw mong maniwala, pwes, gumawa ka ng survey!"

"Bakit naman ako mag-aaksaya ng panahon para gumawa ng walang kwentang survey, naniwala ka naman sa kanila! Malay ko ba kung binabayaran mo lang ang gumagawa ng survey! At pakialam ko naman sayo kung ikaw ang pinakagwapo dito sa campus. Gwapo ka nga, ang sama naman ng amoy ng hininga mo! Wala rin iyun!"

"Ako? Bad breath?" tumayo ako at huminga  sa tapat ng mukha niya. "I brush my teeth 3 times a day, nagfofloss ako, at nagma-mouth wash pa! Ikaw nga dyan baka underneath your shirt eh may tinatago kang masang-sang na amoy putok sa underarms mo! AHAHAHA!" malakas naming tawa ni Deo.

Inamoy niya ang sarili niya.

"For your information, 2 oras akong maligo, dalawang beses sa isang araw. I can afford to buy a deodorant at baka sabihin mo namang mahaba ang buhok ko sa kili-kili, I spend P800 para mapa-wax yan!"

"Dalawang beses kang maligo sa isang araw? At dalawang oras ka kung magbabad sa banyo? Grabe naman! Siguro sa sobrang baho mo, ang hirap matanggal ng bad odor mo kaya sobrang tagal mong maligo! AHAHAHA"

Bigla niya akong kwenelyuhan at parang hindi ako makahinga.

"Hindi ako pinag-aral dito para lait-laitin mo lang! Gusto mo ng asaran? Game!" binitiwan niya ang kwelyo ko at lumakad palayo sa amin.

"Whoa! Is that a threat?! Nakahanap ka ng katapat!" sabi ni Deo.

I don't know kung anong meron at nasabi ko yun sa kanya. I felt good! Medyo nasaktan lang ako dun sa higpit ng kwelyo ko pero parang ang sarap makipagasaran kay Portia kasi palaban siya. Ang sarap asarin ng pikon. Teka, lalo yata akong nainlove sa kanya.

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Where stories live. Discover now