Naiintindihan ko naman na busy siya sa training niya at ayokong maging dahilan para madistract siya pero pwede naman niya kong kamustahin. I'm always here if he needs me.

Tinignan niya ko bago ngumiti ng nakakaloko.

"Nagseselos ka?" she ask. That's not a question but a statement.

"Of course not! What I mean to say is he can do both things. Pwede siyang magtraining while he spend time with me...Hindi yung bigla bigla na lang siyang hindi magpaparamdam."

"Nagseselos ka nga!" she said while giving me an annoying reaction

"Hindi kita mainitindihan. May gusto siya sa'yo at gusto mo siya... Bakit kailangan pang patagalin?"

"Kailangan bang madaliin?" Huminto siya sa sinabi ko. Hindi naman sa pinapatagal ko. I just want to gave my heart a chance to choose and to feel in love. Ayokong madaliin yung sarili ko sa dapat kong maramdaman. Ayokong magsisi sa huli dahil sa mga minadaling desisyon. "Better things comes for those who wait. Things will fall into place. You just have to wait---"

"Good Morning! Special delivery for Ms. Rio Crizel Mallari Hechanova," Napako ang mga mata ko sa pintuan kung saan may lalaking nakaitim na may hawak na bouquet of flowers at box of chocolates na sa tingin ko'y deliveryman.

"May pinadeliver ka ba?" tanong ko kay Aileen. Agad siyang umiling. Delivery para sa'kin? Wala kong naalala na nagpadeliver ako. Lumapit kami sa pintuan para kausapin ang deliveryman.

"Kuya, baka nagkamali lang kayo ng pinadalhan niyan. Wala kong pinapadeliver na kahit ano."

"Let me check the address, madam." Tumingin siya sa record ng deliveries at nakalista yung pangalan at lugar kung saan ipapadala. Para sa'kin nga 'to. "Kayo po ba si Ms. Rio?"

Tumango ako.

"Based on my record, sa inyo po naka address yung item na ipapadeliver."

"Pero kuya...wala kasi akong pambayad d'yan, e."

"Wala kayong dapat bayaran dahil bayad na po lahat ng 'to."

"Ayon naman pala, e. Kunin mo na!" Dali daling kinuha ni Aileen sa kamay ng deliveryman yung flowers at chocolates. "Salamat, Kuya." Agad ding umalis yung lalaki.

"Ang bango bango ng bulaklak na 'to at mukhang mamahalin pa yung chocolates oh!" Aileen said with excitement in her eyes.

Kanino kaya galing 'to?

"May nakasulat bang pangalan ng nagpadala?"

"Wala. Pangalan mo lang yung nakasulat. Bakit?"

"Sino kayang nagpadala nito?"

"Duh? Sino pa ba? Malamang si Mark 'yan."

Ilang minuto na ang nakalipas simula ng may nagpadala ng bulaklak at chocolate. Hanggang ngayon iniisip ko parin kung kay Mark nga ba galing 'yon. Bukod sa kanya wala na kong naisip na pwedeng nagpadala non. Nakatulala ako sa kawalan ng may muling kumatok sa pintuan.

"Nandito si Mark," bulong ni Aileen.

I was stupefied. I just looked at him straight in the eyes. He was wearing a black shirt with jacket on top, a simple jeans and snickers. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Ilang weeks lang naman siyang nawala at hindi pumasok sa school ng wala man lang paramdam tapos bigla na lang siyang susulpot na parang kabute.

"Aalis na ko." Paalam ko kay Aileen. Tumayo ako at nagsimulang maglakad palabas ng apartment. Nilagpasan ko ang kinatatayuan ni Mark. I act like he didn't exist in my world. Ganon din naman yung pinaramdam niya sa'kin nitong nakaraang araw.

Prank Gone Wrong (Contract Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now