Chapter Twenty Five

22.6K 425 25
                                    

 
''At halikan mo ang mga paa ko.''

Natulala ang ginang sa narinig, para din siyang nawalan ng lakas kaya kahit hawak siya ng maid sa likod ay natumba pa rin siya sa sahig at napatingalang nakatingin kay Ysabelle. She could not even close her hanging mouth for a second.

''Y-you...''

Tinitigan lang ni Ysabelle ang ginang, pinigilan din niya ang sarili na tumawa, naalala niya ganito din siya dati, nasa sahig habang nagmamakaawa sa ginang tapos ay hinagisan lang siya nito ng pera, bawat pulot niya sa mga perang nagkalat sa sahig ay pawala din ang dangal niya bilang tao.

She's even worse than a beggar taking her alms. She's more like a dog, na tatahol kung uutusan.

Hagisan din kaya niya ito ng pera? Napa isip siya saglit.

''The clock is ticking Julia.'' Tukso niya dito.

Mas lalong namula ang ginang. Never in her life did she think that she would experience being humiliated again, para siyang bumalik sa pagkadalaga, na sumasayaw siya sa club na halos hubo't hubad habang sinisingit ng mga costumer ang pera sa bra at panty niya.

Naikuyom niya ang palad. No!

''Wala kang galang!''

Napatawa si Ysabelle sa narinig. ''Galang?''

Lumapit siya dito at saka hinawakan ang baba ng ginang, mahigpit at mariin. ''Binigyan mo ba ng galang ang pagkatao ko noon? Yung pang aalipusta mo, yung pananakit mo, yung paghire mo ng lalaki para sirain ang reputasyon ko bilang babae. Respect? Tell me Julia, do you even deserve it?''

''D-dahil ginagamit mo lang ang anak ko!''

''Ha!'' Binitawan ni Ysabelle ang pagkakahawak kay Julia. ''Ginagamit? Are you talking about yourself? Hindi lahat ang babae kagaya mong sakim! Wag mo ako ikumpara sa iyo!''

''Then bakit ka bumalik pa?!''

Malamig niya itong tiningnan. ''Why? I'm your karma Julia, binabalik ko lang sa iyo ang lahat ng mga pinaggagawa mo. Lahat ng mga nangyayari problema? Blame it all yourself, ikaw ang sisira sa sarili mong anak.''

Tumuwid ng pagkakatayo si Ysabelle saka inayos ang sling ng bag niya, tiningnan niya muli ang ginang.

''By the way, nagbago na ang isip ko, this negotiation is over. I'm taking this house, bibigyan kita ng apat na araw para lumayas.''

Hindi na nakapagsalita pa ang ginang nang hagisan siya ni Ysabelle ng mga barya at nagkalat iyon sa sahig.  ''Take it, pang tricycle mo dahil baka hindi mo na afford mag taxi.''

Hindi na pinansin pa ni Ysabelle kung anong reaksyon ni Julia, umalis na siya sa mansion nila.

Pagkatapos niyang tawagan si Anthon tungkol pagpupull out ng shares niya ay nag drive na siya pauwi, parehong tumatawag si Julian at Nick sa kanya pero hindi niya ito sinasagot.

Kinabukasan ay dumiresto siya kumpanya para kunin ang gamit niya, for sure alam na ng buong board  ang pagpupull out niya ng shares.

Ang dating maliwanag at madaming empleyado sa kumpanya ay wala na, pagpasok niya ay dim ang paligid, mangilan na din ang mga tao, kung may makita man siya ay bakas dito ang lungkot sa mukha nila.

Diretso lang siya sa paglalakad, ayaw niyang tingnan ang mga ito para hindi na siya mag isip ng kung ano pa.

Nag aayos lang siya nang mga gamit ng biglang pumasok si Julian sa opisina niya at ni lock ang pinto, hinawakan nito ang braso niya.

''Are you happy?'' Tanong ni Julian sa kanya.

''Yes.'' Tass noo siyang sumagot.

''Then are done? Have you had enough?''

''No.''

Humigpit ang hawak nito sa braso niya, humugot ng malalim na hininga si Julian bago magtama muli ang mata nila sa isa't isa.

''Look, I know no matter what I do, hindi na maibabalik ang dati na kahit anong gawin ko hinding hindi mo ako mapapatawad, habang buhay kong dadalhin ko konsensya ko ang nangyari  lalo na sa anak natin pero Ysabelle...nakikiusap..no, nagmamakaawa ako, just don't do this..''

''Ang ano?''

''Ang kumpanya.''

Tumaas ang kilay ni Ysabelle. '' Why? Is it difficult to let go of your wealth?''

"Belle, I'm been feeding a hundred of lives in this company, paano na yung mga small part worker like yung mga janitor? Sa tingin mo madali silang makakahanap ng trabaho ngayon? Kalahati na sa kanila ang pinatalsik ko, wag mo nang idamay pa ang natitirang kalahati. "

Nagtagis ang ngipin niya, hindi gusto ang pamumuo ng kosensya sa puso niya, pilit niyang winaksi iyon sa kanyang isipan.

''You will forever be the victim and I'm always being the devil right? Kung ganoon, lahat Ysabelle, lahat ng kinikimkim mong galit mo sa mundo, ibigay mo sa akin. I will take all of it, tatanggapin ko iyon lahat..ako na lang..w-wag na tayo mandamay pa ng iba.''

Natahimik si Ysabelle, hindi na talaga niya gusto ang nararamdaman niya ngayon. No matter how hard she tried to ignore, it made her feel like she was the villain.
 

Pumait ang panlasa niya.  ''So you're playing hero now?''

Hindi na niya natapos pa ang sasabihin nang lumuhod sa kanya si Julian, nanlaki ang mata niya sa gulat. She always seeing him in an image of a powerful man, matayog na hinding hindi papatalo kahit kanino man.

Nanlamig ang kamay niya na hawak ng lalaki. She look at him, bakas sa mukha nito ang pagod, namumula ang mata nitong nakatingin sa kanya.

''I will be the villain that I always be. Hindi mo kailangan bahiran ang sarili mo Belle.''

Nakagat ni Ysabelle ang sariling dila, she waited for this day..na luluhod ang lalaki sa harapan niya at magmaka awa pero bakit parang hindi siya masaya?

Iwinaksi niya ng kamay na hiwakan ng lalaki dahil parang napapaso siya, umalis siya sa opisina niya na hindi dala ang gamit niya. Napasandal siya sa dingding na parang humahanap ng  lakas.

''....wag ka na umiyak Kim.'' May narinig siyang mga empleyado sa likod.

''Eh kasi delayed na nga ng isang buwan ang sweldo natin tapos ngayon wala na talaga tayong trabaho..,paano na lang ang pamilya ko Melda?'' Impit ang iyak ng dalaga.

''H-hindi ko alam...si Mang Waldo nga 65 years old na yun, nabubuhay lang yun sa pag aakyat ng dyaryo dito tapos ngayon wala na siyang pagkakakitaan.''

''Paano din ako?! May utang pa akong binabayaran.'' Sabad ng isang lalaki.

''Rinig ko kasalanan daw ito ni Ma'am Anya.''

Naikuyom ni Ysabelle ang palad sa narinig.

''Hindi daw..ang sabi, pumasok daw si Sir Julian sa illegal na business tapos nalulong sa casino kaya nagka utang utang.''

''Tama! Narinig ko kahapon na inako niya lahat sa board nang dumaan ako, eh bakit pa siya nag CEO hindi pala siya marunong humawak!''

Ayaw na ni Ysabelle marinig pa lahat ng pag uusap ng mga empleyado, sumasakit ang ulo niya, dali siyang umalis at pumunta sa parking lot, bubuksan na sana niya ang pintuan ng kotse nang may nakita siyang matanda na pa ika ikang maglakad na tinutulungan ang security guard.

''Mang Waldo pasensya na.'' Ani ng guwardiya.

Masa masa ang mata ng matanda na nakahawak sa diyardo. ''Ah..paano ba iyan, naospital si Rosa.''

Napapikit si Ysabelle sa narinig..tama na.. ayaw na niyang makarinig pa, nanginginig ang kamay niyang pinaandar ang kotse.

Bakit pakiramdam niya siya na ang pinakamasamang babae sa mundo?

Revenge of the Ex Wife (2022 Revise) UncompleteWhere stories live. Discover now