Chapter Nineteen

33.4K 582 59
                                    

Kasalukuyan kong ka video call ko si Marie sa laptop, masakit ng ulo at katawan ko ngayon, mabuti na lang at off  ako sa weekend.

[So I heard yesterday that a certain drunken lady nearly drowned then hindi pa nagpapalit ng damit ay naisipan pa na magpahangin ng hating gabi at uminom ulit.]

[Well--]

[Life hack mo ba yan para magpakamatay?]

[I..I'm not that totally sick naman, biogesic lang to--]
[Sabihin mo diyan kay John Lloyd at sa paos mong boses! I could even see how pale you are from here!]

Napangiwi ako, iniba ko agad ang usapan.

[I got some confidential files sa kumpanya, binigay ko kay Claiton para mapag aralan niya.]

Nakita ko kung paano umusok ang ilong niya sa inis.

[That bastard?! Bakit hindi mo ibigay kay Anthon.]

[Mas marumi magtrabaho si Claiton, isn't that better?]

[Ibang klaseng dumi ang Claiton na yan, gusto ko nga siyang I recommend kay satanas eh, pwede na siyang right hand, baka ma promote pa nga.]

[Marie, he's a friend.]

[Friend?! How could you befriend that hoodlum in L.A..look, pinadala kita sa abroad noon to start anew and dahil lang sa lalaking yan bumalik ka ang Pinas with a vengeance, kinulam kaba?]

Napabuntong hininga ako, hate at first sight talaga niya si Claiton noon pa.

[He just made me realize things.]

[Right.] Sarkastikong sagot ni Marie.

Bigla na naman  nag vibrate ang phone ko, napatingin ako sa caller, si Nick na naman, naka ilan na ito kanina pa, pinatayan ko.

[At sino yan?] Tumaas ang kilay niya.

[Si Nick]

[Nick? Yung singkit? Please lang, sabihin mo sa kanya tigil tigilan ang pagngiti, nawawala kasi yung mata niya, nanggigigil ang kamay kong hampasin ang mukha niya sa pader.]

Napailing na lang ako, saglit lang din yun dahil may nagdoorbell sa condo ko kaya nagpaalam na ako kay Marie at mag-uusap na lang kami mamaya. Napa isip ako, I'm not expecting any visitor, kaka uwe lang din naman ni Manang. So who is this?

Sumilip ako sa pintuan, sumakit ang anit ko nang nakita ko si Nick sa labas, isang buntong hininga na lang ang pinakawalan ko, alangan naman paalisin ko pa eh nasa labas na kaya binuksan ko nang kaunti ang pinto.

''Hi!.'' Bati niya.

Tinaasan ko siya ng kilay saka ko pinagkrus ang braso ko.

''You're not answering my calls kaya pumunta ako dito, aren't I caring?''

''Mas caring kung gets mo na ayoko makipag usap kaya hindi kita sinasagot and what's with the bagpack?''

Ngumuso ang lalaki. ''Magca-camping ako sa iyo.''

''What?''

''I know your sick kaya I recommend myself na maging nurse mo.''

Kinilabutan na naman ako sa kanya. ''No.''

''Ang sweet mo talaga.'' Wika ni Nick tapos akma na siyang papasok pero hinaharang ko siya.

''Alis.''

''Anya naman.''

''Hindi.'' Tila nag Push and Pull kami sa bagpack ni Nick, umiinit ang ulo ko.

''Ang harsh mo mars.''

Revenge of the Ex Wife (2022 Revise) UncompleteNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ