Chapter Twenty

27K 445 24
                                    

Tanghali na nang umuwi na si Nick tapos ay nagbihis na rin ako at ngayon andito ako sa semeteryo at dinalaw si Lolo. Matapos akong matulungan ni Marie noon ay pinahanap ko si Lola at doon siya nakatira ngayon sa kapatid niya, hanggang ngayon ay pinapadalahan ko siya ng pera anonymously, kapag natapos na ang lahat ng ito ay saka na ako magpapakita sa kanya ulit.

Hinaplos ko ang puntod niya. ''Lo, malapit na...malapit na tayong makaganti.''

''Belle.''

Gulat na napalingon ako sa likod, si Julian wala siyang ibang kasama, naningkit ang mata ko.

''Sinusundan mo ba ako?''

''It was his death anniversary today, nagbabakasakali ako na andito ka.''

Hindi ko siya sinagot.

''Let's talk.'' Ani niya.

Inayos ko muna ang bulaklak sa puntod saka ako muling humarap sa kanya.

''Ano naman ang pag-uusapan natin?''

''Marami.''

''Like what?''

''About us.''

Tiningnan ko siya ng taimtim. He was not his usual self. He looked dishevelled with his crumpled clothes, wala din yung ayos ng buhok niya dati, parang kakagising lang at nagmamdali na pumunta dito.

''Ano pang saysay ang pag uusapan natin?''

''Belle.''

''Nangyari na ang mga bagay, did it make you think there would be any difference if we talked?''

''I...I want a clarification.''

''For what? Hinatulan mo na ako diba?''

''Belle please.''

''Stop calling me that name!'' I spat at him.

Napahilamos siya ng mukha saka humugot ng hangin na waring kumukuha ng lakas habang ako naman ay hindi napigilan na maikuyom ang aking palad.

''Talk to me, open up with me, all along iniisip ko na iniwan mo ako para sa iba like you can exchange our marriage for a piece of money, tell me ano ba talaga ang totoo?''

Pumait ang dila ko. "Alam mo kung anong mahirap sa iyo? Ay yung pinaniniwalaan mo lang yung gusto mong paniwalaan, na sarado ang isang tenga mo sa mga posibilidad na hindi naman talaga lahat ng naririnig mo ay totoo!"

''Belle.''

Nilapitan ko siya saka dinuro. ''Talk? Fine! Lahat nang mga nangyari was nothing but lies! Yung picture with a man? Someone knock me up that night, paggising ko yun na, may picture na and it is delivered to you as if it were perfectly created  na ako nalang ang hinihintay na magising at umuwi sa bahay, ganyan ba talaga ka baba ang tingin mo sa akin at naniwala ka agad? I know my own body! Sigurado ako na hindi ako nagalaw at higit sa lahat hindi ako nangaliwa.''

Nangunot ang noo niya. ''Pero sino ang may motibo--''

Tumawa ako ng mapakla. ''Eh sino pa ba eh di yung nanay mong mata pobre!''

''Pero-''

Nailing ako. ''Right, nanay mo yun eh, siyempre paniniwalaan mo iyon kaysa sa akin, sino ba naman ako diba? Isang hamak na maid lang na pinakasalan mo dahil sa isang pagkakamali. I am nothing but your fcking responsibility, mabuti na lang at nalabas ko ang tinatago ni Kate dahil kung hindi sabihin naman ng ibang tao na nilasing kita tapos sa kanila ka maniniwala.''

''Hindi yun ganoon.''

Nangingilid ang mga luha ko but I refuse to cry in front of him.

''Pinilit kong abutin ka Julian, kahit ang hirap, pinakisamahan ko ang nanay mo kahit tinatapak tapakan niya paulit ulit ang pagkatao ko, gusto kong magsumbong sa iyo but it was futile, ina mo iyon eh, papaburan mo iyon kaysa sa akin, iniisip ko na lang na papatunayan ko sa kanya na karapat dapat ako sa iyo kaya nagtiis ako dahil asawa kita, dahil minahal kita!.''

''Belle.''

''Tiwala Julian, tiwala lang ang hinihiling ko sa iyo, pero a-ang liit mo magbigay.'' Nagsisimula nang gumaragalgal ang boses ko pero kailangan kong magkapatatag.

''I..I didn't know-''

''Of course you didn't know dahil bulag ka! And that money? Napilitan ako pirmahan iyon dahil naghihingalo na ang lolo ko Julian, he was dying! Tapos ang damot damot ng nanay mo. She used that to make me look like a gold digger in your eyes tapos naniwala ka naman agad!''

Napaatras siya pero humakbang ako palapit at dinuro siya ulit.

''Hinabol kita sa kalsada kahit durog na durog na ako, hindi na naka abot si Lolo at namatay pero pinilit ko pa rin na bumalik sa bahay ay kausapin ka tapos makikita kong nakikipaghalikan ka kay Kate?''

Namumula ang mata niyang nakatingin sa akin. ''I..I'm sorry.''

Nailing ako. ''Sorry? Maibabalik ba ng sorry mo ang nawala sa akin? Kinuha mo ang lolo ko at ang anak ko Julian.''

Nanlaki ang mata niya sa narinig.

Sumisikip ang dibdib ko pero kailangan kong magpakatatag. '' Yes, buntis ako noon at nakunan dahil sa iyo..pinatay mo ang anak ko Julian, pinatay ninyo!''

Kita ko ang panlulumo niya at parang walang buhay na napaupo sa gilid..I can he how his shoulder are shaking, his regret filled the air, napatingin ako sa kalangitan.

Does his regret make things go back to how they were before?
 


No.




The past itself can't be forgotten, it was like you, stepping forward with a broken piece of glass in your stepping ground.

Once upon at time, he is my Jul, and I am his Belle.

But things don't remain the same forever.

Hinakbang ko ang paa ko kahit ang bigat sa pakiramdam, nang nakalagpas ako sa kanya ay naramdaman ko ang kamay niya sa pulso ko.

''I...I am so sorry Belle, please..I didn't know..patawarin mo ako.''

Nanginginig ang kamay niyang nakakapit sa akin, pero winaksi ko iyon..wala siyang karapatan.

I gave him one last look.





''Forgiveness? It's not worth it, " I said. "YOU DIDN'T DESERVE IT JULIAN."

Iniwan ko siya.

Comment

Vote

Thanks!

Revenge of the Ex Wife (2022 Revise) UncompleteWhere stories live. Discover now