Chapter 8.5

35.7K 511 40
                                    

Dalaw sa nakaraan..

Naki-usap ako

Nagmaka-awa

Lumuhod

Pero ang ginawa niya ay murahin ako

Sinampal

Kinaladkad na parang aso palabas nang bahay.

Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa dati kong tahanan, alam kong para akong taong grasa sa ayos ko ngayon kaya di ko na pinansin pa ang mga tingin sa akin ng mga kapitbahay naming mga chismosa.

Pero pagpasok ko ay walang tao sa bahay.

''Ai naku nandoon, bumalik sa hospital ang lola mo, grumabe daw kasi ang lagay ng lolo mo doon.'' sabi sa akin ni Aling Koring.

Napapikit ako sa mga dinaranas ko ngayon, isinantabi ko muna ang sarili kong problema at inayos ng kaunti ang sarili ko bago ako lumuwas at pumunta nang hospital at nandoon nakita kong pigil ang luha ng lola kong tinitingnan si lolo, may tubo na ito sa lalamunan, nang makita ko ang ayos nila ay para akong binagsakan ang langit.

Impit kong pinigilan ang sarili kong lumuha at lumapit sa kanila.
''Apo,'' tawag sa akin ni lola, ''Ito talagang lolo mo binibiro na naman tayo, tingnan mo hanggang ngayon tulog, aba eh nagpapa alaga lang yata sa akin eh.''

Kahit maluha luha ako ay pinigilan ko ang sarili ko at ngumiti kay lola.

''Oo nga La, bukas maghahanap na iyan ang kanin.''

''Nga pala Apo, may pera kaba diyan?'' tanong sa akin ni lola.

''Ang huli ko na kasing pera ay pinambili ko na nang oxygen tank sa lolo mo ngayon, sabi ng nurse eh hanggang mamaya nalang gabi ang kaya nito, nakaka hiya man eh, pede bang humingi ka muna kay Julian?''

Nang sandaling iyon ay di ko na napigilan pa ang agos ang aking mga luha, naawa ako kay lola pero mas naawa ako sa sarili ko, napahawak ako ng mariin sa kamay ni Lola na tila ba  naghihingi ng lakas nang loob.

''Ysabelle, bakit?''

Huminga ako nang malalim at pinunasan ang luha ko, hindi ako pwede maging mahina ngayon, kailangan ako nila lola, pinilit kong ngumiti sa kanya.

''W-wala po, na miss ko lang kayo La, wag kayo mag alala, babalik ako mamaya ah.''

Pigil pa ang paghawak sa akin ni lola pero umalis na ako, dala ang huli kong pera ay nagbiyahe ako ng mga 30 minutes pabalik ang mansion.

Tirik na ang araw at ilang oras na akong naghihintay sa labas ng gate ay kahit isa wala man lang nagbubukas sa akin, may isa akong katulong nakasa usap sa labas ang sabi niya ay di pa daw bumabalik si Julian at tanging si Ma'am Julia at Kate lang ang nasa loob ng mansion.

Tinatagan ko ang aking sarili kahit nahihilo na ako, gutom, nauuhaw, halos maos na rin ang boses ko kakasabi sa kanila na gusto kong maka usap si Ma'am Julia, wala nang load at battery ang cellphone ko kaya si Julian o kahit si Anthon ay di ko matawagan.

Hapon na at dumidilim na ang kalangitan dahil nag sisimula nang umulan, napayakap nalang ako sa aking sarili para kahit man lang maibsan nang kaunti ang nararamdaman kong panlalamig ngayon, hanggang sa bumukas ang gate at nakita ako ang isang kasambahay namin.

“M-ma'am pinapatawag ka ni Senyora.” Sabi niya habang inaalalayan ako papasok sa mansion. Nakaramdam ako ng pag-asa.

“M-ma’am.” Sabi ko kanya nang nakapasok na ako sa library ng mansion.
 
“Hinding-hindi na ako mag-aaksaya pa ang oras, heto pirmahan mo.” Sabi niya sa akin habang iniabot ang isang folder. Agad ko namang itong kinuha at binuksan, nangunot ang noo ko, hindi ko kasi maintindihan ang nakalagay doon, marunong naman akong bumasa at makaintindi ng kaunting ingles pero talagang napaka

Revenge of the Ex Wife (2022 Revise) UncompleteWhere stories live. Discover now