Chapter Twenty one

27.1K 496 52
                                    

Dalaw sa nakaraan.

Minulat ko ang aking mga mata sa maliwanag na kisame, hindi ko masyadong maigalaw ang kumikirot kong katawan, pansin kong may swero ako sa kamay, nangunot ang noo ko, sa pagmasid ko sa paligid parang hindi naman ako nasa hospital kundi nasa malaking silid.

''I'm glad you're awake. How are you feeling?'' Bumungad sa akin ang babae nang bumukas ang pinto.

Hindi ako makasagot dahil parang hindi ko naman alam kung ano isasagot, kamusta na ba ako? Ok ba ako? Sa bawat segundo na lumipas ay unti unting bumabalik sa akin ang nangyari..kay lolo, sa bahay, kay Julian, huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko bumalik na naman ang kirot sa puso ko.

Pinilit kong bumangon.  Ang tuyo ng lalamunan ko. ''S-sino ka?''

Inilalayan niya ako, nilagyan niya ng unan ang likod ko para maka upo ako ng maayos sa kama at binigyan ng tubig.

''You're in my resthouse, natagpuan kitang palutang lutang sa dagat. I almost peed in my bikini when I saw you floating, akala ko may tinamaan akong tao when I'm driving my jet ski. I almost thought where to hide and bury you..'' Pinandilatan niya ako.''Yun nga lang nang inahon ka namin, huminga ka pa..etse huminga ka, so I brought you here. Is there any family members I could contact? 2 days ka rin tulog.''

Bumaba ang tingin ko sa baso, pamilya? May pamilya pa ba ako? Nakagat ko ang aking labi. Parang naririnig ko pa rin sa tenga ko ang mga boses nila...sigawan...turuan sa may sala, pang aalipusta.

Pinilit kong iwaksi sila sa isipian ko kahit sandali. ''S-salamat, ako pala si Ysabelle.''

Ngumiti ang magandang babae sa akin. ''Marie, Mikaela Marie Stanley.''

Napatitig lang ako sa mukha niya, hanggang ilang sandali ay bumakas sa mga mata niya ang pag aanlinlangan, kinabahan ako na ewan.

''Bakit?'' Tanong ko.

''Sorry for your loss.''

Nablanko ako.

''Ha?'' Si lolo ba ang tinutukoy niya?

''Look, I won't ask kung anong nangyari sa iyo kung ayaw mo pang mag open up, it just that hindi nag survive si baby dahil sa impact, bata ka pa naman, ilang tihaya lang yan, I'm sure magkaka anak ka ulit--''

Napahawak ako sa braso niya.

''A-ano ulit ang sabi mo?''

Nalito siyang nakatingin sa akin. ''Si baby?''

Pumait ang panlasa ko, parang nahirapan akong huminga, may bumara sa lalamunan ko na hindi ko alam.  ''B-baby?''

''Yes, si baby..I mean...shit.'' Namilog ang mata niyang nakatingin sa akin. ''W-wag mo sabihing hindi mo alam na buntis ka? Ayon sa doctor, mga 1 month ka ring nagdalang tao.''

Nabitawan ko siya pati na rin ang basong tubig nahawak ko. Tikom bukas ang bibig ko, pero parang nagtago sa kung saan ang boses ko at nahirapan akong magsalita, nag iinit ang mga mata kong nakatingin sa kanya.

''B-buntis ako?....N-nakunan ako?'' Garalgal ang boses kong tinanong siya ulit pero hindi na siya sumagot.

Ilang higop ang hangin ang ginawa ko at napahawak sa impis kong tiyan, hanggang sa hindi ko napigilan ang paghikbi...pati ang anak ko hindi ko nagawang protektahan, akala ko wala nang mas babaon pa sa punyal na nakatarak sa dibdib ko....ang hirap huminga.

Nanlalabo ang paningin ko sa mga luha kong tuloy tuloy ang pag agos...Bakit?

Bakit ba palagi ako ang tinatamaan ng problema?

Bakit ako lagi?

Bakit ako?

Wala na bang iba?

Bakit ang hina hina ko?

Baka tama nga sila...





Na wala akong kwentang tao.

Napakawala kong kwenta.

Walang kwenta.

Nakakapagod na..

Hindi ko alam kung ilang araw na rin ang dumaan, tulala lang akong nakatingin sa malaking bintana, umiikot ang isip ko sa mga tao...Sina lolo at lola...si mama..si Kate..si Julian...ang baby ko.

Gusto kong sumigaw pero parang nawalan ako ng lakas, para saan pa? Hindi ko alam kung may mailalamig pa sa puso ko ngayon. It has always been in constant pain, parang nakakabaliw na.

Lumipas na rin ang gabi at nagpa iwan ako sa maid ni Marie, gusto kong mapag isa habang nakalublob sa tub, ang dating mainit na tubig ay napalitan ng lamig sa tagal kong nakababad doon, nagsisimula nang manginig ang katawan ko pero mas gusto ko iyon kaysa sa maramdaman ang panginginig ng puso kong kumikirot.

Nilublob ko ang sarili sa ilalim. It was uncomfortable, but I kind of liked it because it diverted my mind from thinking of anything else, and that would lead me not to feel anything....only a constant darkness.

''Ysabelle!''

Hinila ako ni Marie pataas, napa ubo akong nakatingin sa kanya.

Dumilim ang mukha niya. ''Are you trying to commit suicide?''

''H-hindi ko alam.'' Sagot ko, hindi ko talaga alam, ang gusto ko lang ay maalis itong nararamdaman ko ngayon kahit sandali lang.

''According to my secretary, nailibing na ang lolo mo, ang lola mo din ay kinuha ng kapatid niya, don't you want to see her?''

Umiiling ako.

''Ayoko.'' Hindi ko kayang makita si Lola, kasalanan ko kung bakit namatay si Lolo.

Tumaas ang kilay niya. ''So what are you doing now? Just living like a fcking dead person? I don't do charity, Ysabelle.''

Nakagat ko ang aking labi, oo nga naman, walang  libre sa mundo. ''Maid ako noon, pwede mo akong gawing maid mo..kahit hindi mo na ako sweldohan.''

Nakita ako ang pagtagis ng panga niya na waring nagtitimpi hanggang sa hinila niya ako patayo at iniharap sa malaking salamin.

''Tumigin ka.'' Utos ni Marie.

''Ayoko.'' Pumikit ako, hindi ko kayang makita ang sarili ko ngayon...nakakaawa.

''I said tumingin ka! Harapin mo ang sarili mo.''

Nakikuyom ko ang aking palad. ''Hindi ko kaya.''

Dumiin ang hawak niya sa panga ko kaya napadilat ako sa sakit...and there I saw my reflection. All I see is a lost soul, broken and lifeless....useless.

''Bumangon ka Ysabelle, ibangon mo ang sarili mo.'' Matigas niyang sabi.

Nablanko ako.

''Para kanino?'' Para saan?

''No one but yourself..Live Ysabelle, hindi mo kailangan mabuhay para sa ibang tao. Mabuhay ka para sa sarili mo.''

Tumulo ang luha ko. ''P-pero ang hirap.''


''Kayanin mo.'' Humigpikit ang hawak niya sa braso ko.

''KAYA MO.''






Comment

Vote

Thanks!

<3

Revenge of the Ex Wife (2022 Revise) UncompleteМесто, где живут истории. Откройте их для себя