Chapter 32

111K 3.4K 375
                                    

"I'M so proud of you, Eli!" Hinaplos ni Yelena ang sumisilip na dibdib ni Wilson mula sa nakabukas niyang polo.

"And I'm glad that you've accepted President's offer."

Kakatapos lang ng kanyang pakikipag-usap sa presidente na interesadong kunin siyang kaalyado sa susunod na halalan. Tatlong taon pa mula ngayon ang susunod na national election pero pinaghahandaan na ng adminitrasyon. Sinadya pa siya nito sa La Carlota sa halip na ipatawag na lang siya.

Pumayag siya. Tatakbo siyang senador sa susunod na eleksiyon. Tempting ang alok ng presidente. Aaprubahan nito ang binabalak niyang pagpapatayo ng ospital dito sa La Carlota. Susuportahan nito ang mga proyektong binabalak niya. So, he grabbed the opportunity. Saka mabuting leader din naman ang presidente kaya walang dahilan para tanggihan ito.

"Would you consider President's suggestion of getting married?"

"Of course." Suhesyon ng presidente na mas maganda kung mag-aasawa na siya. Pabiro nito iyong sinabi iyon, but partly ay seryoso.

"Pwede mo akong maging bride." Marahang natawa si Wilson sa sinabi ni Yelena.

"Mabuti pa, Yelena, maghanap ka na lang ng ibang magiging groom mo. Alam mo naman na kasal na ako."

Umikot ang mata nito. "Yeah, right! Kasal ka sa isang Impostora!"

Hinawakan niya ang babae sa braso at bahagyang pinisil ang braso nito. "Mabuti pa dito ka na mag-dinner para naman may kasama kami ni Lolo."

"Alright." Sabay na pumasok ng mansiyon ang dalawa. Nasa bungad palang siya ng pintuan ay rinig na rinig na agad niya ang ingay mula sa loob na napaka-unusual. Halos isang taon na ring parang haunted house sa katahimikan ang bahay na ito. Mula nang umalis ang kanyang mag-ina

"Nandito ba sila mama," she uttered to himself. His gaze automatically searches for his parents as he entered the house. As he spotted them in the living room, a quick smile forms on his lips.

Ano ang pinagkakaguluhan ng mga ito? Humakbang siya palapit sa mga ito pero muling napatigil. Ang ngiti sa labi ay unti-unting napalis at bigla ang malakas na pagtahip ng kanyang dibdib nang makita si Ryke at kambal na kapatid ni Sasahh. Nasa gitna ang tatlo at may binibida sa mga miron nito. Si Senator na napakatagal nang panahon niyang hindi  nakikitang ngumingiti ay humahalakhak pa ngayon.

When Ryke turned to his direction, his eyes widened with delight surprise.

"Daddy!" Malakas itong humiyaw. Tumakbo ito patungo sa kanya habang paulit-ulit na hinihiyaw ang "daddy."

Wilson held out his arms as he bent down. He caught Ryke, lifted him up and hugged him tightly.

"I miss you, daddy!" Mahigpit na mahigpit na nakayakap sa kanya si Ryke.

Tears burned his eyes as he hugged him back. He couldn't believe it. His son is in his arms.

"Is this real? Are you real? Am I not dreaming?"  Nag-angat si Ryke mula sa pagkakayakap kay Wilson.

"I'm real, daddy."

"Can you pinch me, so I know I'm not dreaming." Bumungisngis si Ryke matapos sundin ang kanyang sinabi.

"Hindi ako makapaniwala! Sino ang kasama mo?" May itinuro si Ryke mula sa kanyang likuran.

"Si Mommy Sasahh." Ang hindi makalmang tibok ng puso niya ay tila lalong bumilis sa sinabi ni Ryke. Si Sasahh. Nasa likuran niya si Sasahh. Humugot at nagpakawala ng isang malalim na hininga si Wilson bago dahan-dahang pumihit.

His heartbeat kicked up a notch as he was taken aback when he saw Sasahh. His gaze slowly prowled all over face, down her body and back to her face. Ang mukha ni Sasahh. Ang magandang mukha ni Sasahh ang nakikita niya sa kanyang harapan at hindi ang mukha ni Samantha.

Fatal Attraction 3: La Impostora Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon